CHAPTER 11

2217 Words
CHAPTER 11 Pain Naguguluhan ako. Nagdadalawang isip kung ipagpatuloy ko pa ba ang pananatili sa piling ni Rafa. Nakakatakot siya. He still remained a stranger to me. We remained strangers to each other. Nagtungo ako sa harap ng kwarto ni Terrence at kumatok. “Terrence?” “Sandali!” sigaw niya mula sa loob. Maya-maya ay binuksan niya ito. And he was even surprised when he saw me. “Bakit, Juliana?” “May lakad ka?” agarang tanong ko sa kanya. Gusto kong lumabas kasama siya. “Wala naman, bakit?” “Ipasyal mo ako.” suntok sa buwan kong sabi. Nakakahiya pero bahala na. “Sure. Bihis lang ako.” mabilis na tugon niya. My two eyebrows went up because he seemed to be suddenly excited. Hinintay ko nalang siya sa living room. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pagkatapos bugbugin ni Rafa ang lalaki kanina ay umalis na naman siya agad. A woman came after him and that was also the woman with him on the day of our party. Tamang pagpaalam lang sa akin ang ginagawa niya at hindi sinasabi kung san siya pupunta... Something that made my mind even more confused. Pagkatapos ng ilang beses na may nangyari sa amin, unti-unti ko na siyang minahal. Not just because of that but because he is sweet to me. Pero bakit ganun? Kahit hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag-alis-alis niya kasama ang babaeng ‘yon, pero the fact na babae ang kasama niya, ewan ko lang. Para akong sasaniban kapag nakikita ko sila na magkasama. “Lets go.” nakita ko si Terrence na bumaba ng hagdan. Ang gwapo niya sa suot niya. Blue jeans at stripe na polo na kalay pula ang suot niya na pinarisan ng Air Force 1 Supreme Max na Shoes. Yayamanin. “Gwapo mo.” walang alinlangang puri ko sa kanya. Nakita ko din na bahagya siyang namula sabay kamot sa batok niya. “Thank you, tara.” sabi niya uli. Nauna akong maglakad palabas at sumunod din siya. Sumakay kami sa Lamborghini Aventador niya. Ang bongga lang. Pareho sila ng kotses ni Rafa. Hindi din nagpapatalo ang bunso. "Where will we go?" tanong niya sa kalagitnaang byahe namin. “Dumaan muna tayo sa Emalda street. Sa Alcovar Medical Hospital.” tumango lang siya at muling nag focus sa pagmamaniho. “Bakit hindi mo sinama si Orio?” tanong ko nang maalala ko si Orio. Saan kaya niya nilgay ang munting kuting? “Inaya mo kasi ako ng biglaan.” “Saan mo siya nilagay?” “May kitten house na siya. Binilhan ko kanina sa tapat na store.” wow. Mapagmahal sa pusa. “Hindi ka napaghahalataang cat lover.” ani ko. Nakakatuwa dahil pareho kaming cat lover. Hindi kagaya ni Rafa. Asar. "I'm also a woman lover." Ayt, nasabi ko na bang iyang ugali na yan ang namana niya kay Rafa? Psh. “Hindi ko naman tinatanong.” umirap ako sa kawalan. Parang sira. “I just said in advance. Maybe you will ask me soon.” natatawang tugon niya kahit nasa daan ang paningin. “Salamat nalang, pero hindi ako magtatanong.” “Sakit naman non sa bangs.” “Talaga. Hindi ka din mahangin kagaya nang kapatid mo.” “Hindi talaga.” Naasar lang ako kapag palagi niyang sinasang-ayunan ang lahat ng sinasabi ko. Asar. Huminto kami sa tapat ng Hospital na pag-aari ni Ken. Bumaba ako nang pagbuksan ako ng pinto ni Terrence. “Sama ka sa loob?” tanong ko sa kanya nang malapit na kami sa entrance ng Hospital. “Oo naman.” “Tara.” as usual nauna pa din akong maglakad. May napapansin akong kakaiba kay Terrence ngayon ngunit hindi ko na inalam pa. May mga babaeng tumitili dahil sa kilig habang nakatingin sa kanya. Hindi ko masisisi ang mga babae. Sobrang gwapo ng kasama ko, manhid mo nalang kung hindi ka kikiligin. Ako pala ‘yon. Manhid. Sumakay kami ng elevator na tahimik pareho. Walang gustong magsasalita dahil wala naman kaming dapat pag-uusapan. Masyado din siyang tahimik ngayon at nakikita ko sa mga mata niya ang pagkailang. Bago ‘yon a. Bumukas ang elevator kaya alam kong nasa 5th floor na kami. Ilang hakbang lang ang ginawa namin at huminto agad ako sa tapat ng pintuan na may nakalagay na Doctor Kendric's Office. Hindi na ako kumatok pa at agad itong pinagbuksan. Bumungad sa paningin ko ang matamlay na Kendric. Suot niya ang uniform niya habang nakaupo sa swivel chair. Hilot-hilot niya din ang sintido niya. “Ken.” I call to him in a low voice. Dahan-dahan naman siyang nag-angat ng tingin na parang bang nagdadalawang isip siyang gawin ‘yon. Lumapit ako sa desk niya. “Doctor Kendric-” I didn’t finish what I was supposed to say because he quickly stood up and immediately hugged me. “Gab! s**t! Bakit ngayon kalang nagpapakita sa akin?” kahit nahihirapan kami sa posisyon namin dahil niyakap niya ako kahit may pumapagitan na desk sa amin. Gumanti ako ng yakap. “I'm sorry. Nagkaproblema lang.” Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at tiningnan ako ng matagal sa mukha. “I miss you.” he uttered those words sincerely. I'm glad he's not mad at me. “Me too.” nakangiting tugon ko. “Ah excuse me.” biglang sumingit si Terrence sa pagitan namin dalawa at hinila ako palayo. “Tara na?” “Huh? Pero-” “Sino ka?” seryosong tanong ni Ken kay Terrence. Hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin. Nababasa ko din sa mga mata niya ang pagtatanong. Baka kung ano na naman ang iisipin niya. Protective talaga siya sa akin. “Terrence Miranda, dude.” nilahad ni Terrence ang kamay niya upang makipag-shake hand kay Ken. "I'm Rafa's brother." Tinanggap naman ni Ken ang kamay ni Terrence at nagshake-hand silang dalawa. Pero wala kay Terrence ang atensyon ni Ken. Nasakin. “Kain muna tayo.” alok niya sa amin ngunit may kailangan pa akong puntahan. Umiling ako. “Huwag na Ken, may pupuntahan pa kami.” “Saan nga pala si Rafa? Bakit ang kapatid niya ang kasama mo?” I was suddenly taken aback by his question. Paano ko ba siya sasagutin? I'm sure na magagalit siya kapag sinasabi kong may ka-date na ibang babae ang lalaking hinahanap niya. “May importante'ng nilakad.” si Terrence ang sumagot sa tanong niya, kaya bahagyang nagtagpo ang mga kilay niya. “Parang hindi ka naman inaalagaan ng maayos dun Gab. Tingnan mo nga ang sarili mo, ang payat mo na.” Nagbaba ako ng tingin. Am I saying that he really cares about me. That's really how he is. Sweep my whole body with his gaze just to make sure I'm okay. “Excuse me? Anong akala mo sa amin? Nagpapabaya?” biglang singit ni Terrence muli na nagpapaalarma sa akin. He seemed annoyed and I knew he didn't like what Ken said. Huwag naman sanang patulan ni Ken. “Kailangan pa bang itanong ‘yan? Dinukot lang ng kapatid mo ang kaibigan ko. Ano sa tingin mo ang iisipin ko?” “Mananahimik ka. Iyon ang iisipin mo. Inaamin kong kasalanan ni kuya ‘yon, pero inaalagaan niya si Juliana.” medyo nag-iba na ang boses ni Terrence. Hindi niya maitagong napipikon siya kay Ken. Kinabahan tuloy ako. Kasing tangkad lang sila ni Ken pero mas payat siya kumapara dito. Mas matanda din si Ken. “Ano bang issue mo?” Agad akong humarang sa pagitan nilang dalawa dahil nagbabadyang lumapit si Ken kay Terrence habang nakakuyom ang kamao. “Wala akong issue dito Pare. I’m just saying what you should know. Besides, I'm not stupid enough to not understand what you're saying.” “Tama na nga ‘yan,” sabi ko at humarap ako kay Ken. “Tatawag nalang ako kapag magkaroon ako ng phone. Saka ko nalang itatanong sayo ang number ni kuya," tiningnan ko si Terrencio at sinamaan ng tingin. “Tara na.” Nauna akong maglakad dahil naiinis ako sa kanya. Hindi man lang pinaglagpas ang sinasabi ni Ken. Palibhasa hindi sila ang nakakakilala sa totoong ugali nung tao. Hindi 'yon kagaya ng kuya niya na walang pakialam sa akin. “Julina, wait.” Mas lalo ko pang binilisan ang mga hakbang ko. Bahala siya diyan. Manigas siya...nakakadagdag bwesit. Mabilis akong pumasok sa elevator pero biglang may nahagip ang paningin ko. May nakita akong dalawang tao sa kakapasok lang ng consulting room. Babae at lalaki. And pamilyar sa akin ang lalaki. Bigla akong kinabahan. Muli akong lumabas sa elevator at dahan-dahang humakbang patungo sa consulting room. “Juliana, saan ka pupunta?” hindi ko pinansin ang pagtawag ni Terrence. Sumunod siya kung gusto niya. Hindi ko kayang balewalain ang nakita ko. Kung tama man ang hinala ko na si Rafa ang lalaking kasama nung babae, ibig sabihin lang nun, may kailangan sila dito, and he is hiding something from me. Mas lalong lumakas ang kaba ko sa isiping ‘yon. Sana hindi totoo. Sana namalikmata lang ako. Hindi pa man kompermado ang kutob ko, nasasaktan na ako. “Juliana!” patuloy pa din sa pagtawag sa akin si Terrence. Dinig ko din ang mga yapak niya kaya alam kong sumunod siya. Huminto ako sa harapan ng pintuan dito sa consulting room. They left the door ajar so I could peek inside freely. Nakatalikod sila sa akin at ang Doctor lang ang nakaharap dito sa pintuan. "How many months has it been?" tanong ng Doctor na siyang ikinakaba ko ng malakas. Anong ilang buwan? Ano ang tinutukoy ng Doctor? “2 weeks pa Doc.” ang babae ang sumagot. Nanatili lang nakayuko si Rafa. Hindi ko makita ang mukha niya. “Masilan kasi ang ganyang kalagayan. Kaya ingatan mo ang katawan mo.” hindi ko alam kung sino ang pinagsabihan ng doctor pero ang babae ang palaging tumango. “Salamat Doc...may ibibigay ka bang bagong vitamins? Naubos na kasi ‘yung unang binigay mo.” “Oo, Kim. Sandali lang.” tumayo ang Doctor at may kinalikot sa malaking shelf. Kim? Kim ang pangalan ng babae? Siya 'yung babae na kausap ni Rafa sa party namin. Siya din 'yung sumundo sa kanya kanina. Anong ibig sabihin nito? B-Buntis ba ang babae? “Ito. Iwasan mong kumain o uminom ng mga pagkain o inumin na nakakapag-laglag ng-” “Juliana!” agad kong tinakpan ang bibig ni Terrence dahil ang lakas ng boses niya. Hindi ko na tuloy narinig ang susunod na sinasabi ng Doctor. Kainis! “Huwag ka nga maingay!” hinila ko siya upang makalayo kaagad kami sa pintuan ng consulting room. Sa lakas ng boses niya imposibleng hindi kami maririnig ng mga tao sa loob. “Ano ba kasing sinisilip mo dun?” “Wala.” matamlay na tugon ko sa tanong niya. Parang sinaksak ang puso ko sa isiping nakabuntis ng ibang babae si Rafa. Palagi silang umalis na magkasama, siguro 'yon ang dahilan kung bakit sila palaging umaalis. Dito siguro sila pumupunta dahil nagpapacheck ang babae sa baby na dinadala niya. “Juliana, okay ka lang?” kita ko sa mga mata ni Terrence ang pag-alala. I smiled bitterly. “Oo. Tara, date tayo. Libutin natin ang buong Emelda at iinom tayo ng marami.” “Ano?” naguguluhang tanong niya. Ngumuso ako. “Ayaw mo akong ka date?” “Hindi naman sa ayaw, pero may pupuntahan pa tayo, diba?” Mabilis akong umiling. “Kalimutan na natin ‘yon. Ang gagawin natin, magpakasaya tayo. Tayong dalawang lang.” “Sigurado ka ba, Juliana? Wala bang masakit sayo?” lumapit siya ng kaunti sa akin at dinampi ang kamay sa noo ko. Tinabig ko naman ang kamay niya. Siraulo. Ang hina ng pang-amoy. "Nothing. I just want to have fun even just today. Mabibigay mo naman siguro ‘yon, diba Terrence?” “Oo naman, pero-” “Tara na.” hinawakan ko ang braso niya at hinila siya papunta sa kotse niya. Gusto kong makalimut. Dahil wala akong karapatan. Hindi ko siya pwedeng i-confront dahil asawa lang niya ako sa papel. Hindi sa puso. "Are you sure you're okay?" paulit-ulit na tanong ni Terrence sa akin. Hindi ko alam kung ilang beses na niyang itanong ‘yan. “Oo sabi e.” naiiritang saad ko. Kaasar naman kasi. Paulit-ulit lang. “Saan tayo?” “Sa park. Pagkatapos mag bar tayo mamaya.” pinilit kong lagyan ng sigla ang pananalita ko. Ayokong mahahalata niya. “Pero baka magalit si kuya.” "He doesn't care about us." "But you and my brother are married, Juliana.” Mabilis kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya. "We're just married on paper, there's no intercessory love, so we don't care about each other." Nakikita ko ang pamumula niya. Siguro dahil sa ginagawa ko. Masyado kasing malapit ang mukha namin at agad naman akong lumalayo sa kanya. Nagda-drive pa naman siya. Baka mabangga pa kami. I looked out the window and sighed. I don’t let what I’ve heard earlier enter my mind but I can’t help it. Parang ang sakit naman 'ata. Hindi katanggap-tanggap ang naririnig ko. Patunay na wala pala talaga akong silbi. Bilang asawa. Wala kang silbi, Juliana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD