CHAPTER 12
Trouble
Sinubukan kong umiwas dahil lintik, halos aalug ang buo kong katawan kapag binunggo niya ang car ko. Asar.
“Ano ba! Huwag mo ngang banggain!” sigaw ko. Kanina pa siya nananadya. Kainis.
Tumawa naman siya. “Ano ka. Dodgem 'to, bump car. San ka nakakakita ng bump car na hindi binabangga?”
Aba't naman talaga. Nagpapalusot pa. Sa lakas ng saltik niya halos lilipad ako palabas ng car.
“Nananadya ka naman e.” umiwas ako at nagtungo ako sa ibang direction.
Kami lang dalawa ang nandito. Ewan ko ba kung bakit walang nagpunta dito upang maglaro.
Sasaya na sana ako dahil walang ibang tao, pero nakakabwesit naman 'yung kasama ko.
“Huy!” sigaw niya sa akin.
I quickly parked my electricity powered car and got off. Leave him there. So that he would look like a fool alone.
“Juliana!” hindi ko pinapakinggan ang sigaw niya dahil naglakad na ako palayo.
Nagtungo ako sa roller coaster. Balak ko kasing sumakay. I wish I could get through without Terrence flirting with the women in line. Hayup kasi.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa ginagawa niya. Sa tuwing may sasakyan kaming rides at maraming nakapila na mga babae ay nilalandi lang niya ito para mauna kaming makapasok.
Kaasar!
"Come on, let's go on a roller coaster again," hindi ko namamalayan na nakasunod na pala siya sa akin. Hinila niya ako ngunit hindi ako humahakbang. Nagmamatigas ako kaya nilingon niya ako. “Oh, why? Don't you want to?”
“Hindi mo ba kayang sumakay ng rides nang mag hintay? Kailangan pa ba talagang landiin mo ‘yung mga babae?” kaasar. Natutuwa pa siya sa ginagawa niya dahil kinikilig naman ang mga babae.
Style niya bulok.
“Bakit? Nakikinabang ka naman a. Tuwang-tuwa ka pa nga.” he said with a wink.
Kinikilabutan naman ako sa ginagawa niya. Ipinagmamayabang ang kagwapuhan porke masarap sa mata tingnan. Psh, asar!
“Ayoko nang sumakay.” I sat on the swing and frowned.
Tatlong rides na ang nasakyan namin at pang-apat ang roller coaster. Nakakaramdam na ako ng hilo kaya gusto ko munang magpahinga.
“Nagugutom kana?” tanong niya sa akin at umupo sa tabi ko.
Nakikita ko pa ang mga babaeng kinausap niya kanina. Panay ang tingin nila dito sa amin. May kinikilig pa rin, at may umiirap. Malamang naiinis dahil may kasamang babae ang pinagpapantasyahan nila.
Hindi naman ako pumapatol sa bata. Psh.
“Juliana.”
“What?” asik ko. Kanina pa siya nangangalabit. Kitang may iniisip 'yung tao.
"I'm asking if you're hungry yet?" nagugutom? Hindi. Nauuhaw ako.
Tumayo ako. “Hindi ako nagugutom. Tara uminom tayo.”
Nagulat naman siya. “Ano? Maaga pa, Juliana.”
“Alam ko. Mas mabuting maaga para maagang malasing.” sabi ko at sa pagkakataong ito, ako naman ang kumindat sa kanya.
Napakamot siya sa batok niya. “Baka mapapagalitan tayo ni kuya.”
“Sabi mo sa akin hindi ka na bata.”
“Hindi nga.” mabilisang tugon niya.
“Bakit ka takot sa kuya mo, kung hindi ka na pala bata?” ayun. Kalalaking tao takot sa kuya. Wala namang pakialam ang kuya niya. May kalandian ngang iba e.
“I am not afraid of my brother for me. I am afraid for you.”
Ay ganun, para sa akin. Natatakot siya para sa akin. Samantalang ako hindi natatakot. Wala naman akong pakialam.
“Tara na nga, daming satsat.” hinila ko siya patayo at sabay kaming humakbang paalis sa park.
Nakakapagod ang mga ginagawa namin, kaya gusto kong uminom. Pakiramdam ko, sawi ako ngayon.
Pero kahit ganun, pansamantala kong nakakalimutan ang tungkol kay Rafa at sa babaeng ‘yon dahil kay Terrence. Kung wala siya, malamang, binabalot na ako ng kalungkutan ngayon.
Buti nalang, may isang Terrence na nagtitiis.
Naghanap kami ng malapit lang na bar. Mas lalo lang nakakapagod kapag bumyahe pa kami patungo sa ibang lugar.
“Tara, dito tayo.” siya naman ang humila sa akin. Pumasok kami sa isang sikat na bar dito sa Emelda.
Sichi Bar ang pangalan.
“Teka!” huminto ako habang nakatingin sa nakasulat sa gilid. “Bawal ang bata.”
Minor not allowed kasi.
“Anong bata? Juliana namumuro kana a.” parang napipikon na saad niya, pero bulong lang ‘yon.
Kinunutan ko siya ng noo. “Bakit ba hindi mo aaminin na bata ka pa? Samantalang maraming matatanda ang nangangarap na bumata uli. Magpapasalamat ka nalang.”
“Hindi na nga ako bata sabi e.” bulong niya ulit.
Nagbubulungan lang kami dahil baka marinig kami ng guard. Ayaw ko naman pumasok sa loob mag-isa.
“Siguraduhin mo lang na hindi tayo mabubuking. Ayokong mag claim ng bata sa presinto.”
Tiningnan niya ako na parang hindi makapaniwala. “Ibang klase.”
“Tara.” ako naman ang humila sa kanya papasok sa loob. Baka mabuking pa kami kapag magtatagal kami sa entrance.
Para kasi kaming tanga. Hindi pa nga nakakapasok nagmukha ng lasing.
“Dito.” pagpasok namin ay siya pa itong naghanap ng pwesto. Ibang klase din.
Nauna akong umupo dahil may seninyasan siyang Waiter. Nag-order siya ng maiinom at ako naman ay panay ang tingin sa buong paligid.
Ang daming tao. There are different kinds of lights that make me dizzy. Loud sounds that makes me deaf.
Kaya nga ayaw kong pumasok sa ganitong lugar e. Aside from the lights being offensive to the eyes, there are also women who do all sorts of obscene things.
Parang patapon. Kung makagiling sa kandungan ng mga lalaki parang mga bulating inasinan.
Kung hindi lang ako sawi ngayon, hindi ako pupunta dito. Pero hindi naman talaga ako sawi a. Ano ba ang pakialam ko sa Rafa na ‘yon?
“Isang bote lang a.” untag ni Terrence nang makabalik ang waiter dala ang isang bote ng wine.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Paano ako malalasing kung isang bote lang?”
“Bakit ka ba maglalasing?”
Siraulo to a. Nagtatanong pa.
“Does it have to be a reason to get drunk? Can't we just be happy?” asar.
"It's not a woman's job to get drunk."
“It is also not the child's job to enter this place. So we are just fair.” tinagayan ko ang basong nasa harap ko dahil wala siyang balak tagayan ‘yon.
“Sabihin mo nga sa akin kung anong nakita mo dun sa consulting room sa hospital?” I was a little taken aback by his question but I didn't make it obvious.
Hindi ko siya sinagot. Nagsalin ulit ako ng alak sa baso at agad tinungga ito.
Bakit pa kasi niya pinapaalala ‘yon. Pilit ko na ngang kinalimutan e. Nakakasama lang ‘yon ng damdamin. Asar.
“Juliana.” muling sambit niya sa pangalan ko.
I looked up and smiled at him.
“Terrence. Pwedeng kalimutan muna natin ang ibang bagay? Nandito tayo para mag enjoy,” I raised the glass I was holding. “Cheers.”
I heard him sigh. "Cheers."
Ngumiti ako at pilit inalis sa isipan ang tungkol sa problema ko. Gusto kong magsaya kahit ngayon lang. Upang pansamantalang kalimutan ang sakit.
Ibinaling ko sa ibang direction ang atensyon ko nang maramdaman kong nag-iinit ang mga mata ko. Hindi pwedeng iiyak ako. Hindi pwede.
“Hi pogi, can we dance?” nabalik lang ang atensyon ko sa harap nang may boses babae akong narinig.
Nakatayo ito sa tabi ni Terrence habang pilit na inaagaw ang atensyon ng lalaki na nakatingin pa din sa akin.
Problema ng mokong na ‘to?
“Huy! Sayaw daw kayo.” inabot ko ang mukha niya at tinabig ito.
Kanina pa nagpapapansin ang babae sa kanya, pero nasa iba naman ang atensyon niya. Nasa akin na ipinagtataka ko.
Nakakunot kasi ang noo niya at ang lalim ng tingin. He became even more handsome.
Tumitig siya saglit sa akin bago bumaling sa babae. "I'm sorry miss, my girlfriend might be angry."
My jaw dropped because of what he was saying. Girlfriend? When else did he have a girlfriend?
Umalis ang babae sa table namin na bigo. Kita ko kasi sa mga mata niya kung gaano niya kagustong isayaw si Terrence. Kawawa.
“Kailan ka pa nagka-girlfriend?” tanong ko sa kanya nang tuluyan ng makalayo ang babae sa table namin.
“Malapit na.” he said as he poured a glass of wine.
“Bakit hindi mo sinasabing may nililigawan ka pala?”
"I'm not dating anyone.” aba'y siraulo nga naman. Tindi ng trip. Wala palang nililigawan tapos grabe kung makaangkin ng girlfriend.
“Huwag mo nga akong pinagloloko.” nagtagay ulit ako sa baso ko at ininom agad ito.
Unti-unti nang umikot ang paligid dahil siguro tinamaan na ako ng alak. Gumaan na din ang katawan ko at parang ang sarap tumawa.
I looked at the dance floor. There were five couples dancing and it seemed like I wanted to dance too. Tumayo ako at pasuray-suray na nagtungo sa dance floor. Ang bilis ko talagang malasing.
Narinig kong tinawag ako ni Terrence pero hindi ako lumingon. Para akong inakit ng dance floor. Gusto kong sumayaw.
“Hey darling. Wanna dance? ” a man approached me..even though I was drunk I still memorized his face.
“Yeah sure.” nakangiting tugon ko.
Lumapit siya akin at agad hinapit ang baywang ko. He started to dance and my waist began to shrink.
“Ang sexy mo.” bulong ng lalaki sa tainga ko.
Ngumiti lang ako at kinapit ko ang dalawang braso sa batok niya sabay giwang ng baywang ko.
Matangkad siya. Matipuno ang pangangatawan. Gwapo at tanned color din siya. Halata ding mayaman. Pero ang nakakaagaw ng atensyon ko, ay parang pamilyar sa akin ang mukha niya.
“How are you?” napatigil ako sa tanong niya.
Bakit parang kilala niya ako? Kilala ko din kaya siya? Bakit niya tinatanong kung kamusta na ba ako?
“Juliana!” I turned my back. Nakita ko si Terrence na salubong ang kilay habang walang kasing talim ang tingin na ipinukol sa akin at sa lalaking kasayaw ko.
“Terrence.”
Mabilis ang mga hakbang na lumapit siya sa gawi namin at hinila ako mula sa kamay ng lalaki. “Layuan mo siya!”
“Terrence, sanda-”
“Let's go.” he pulled me away from the dance floor.
Dinala niya ako sa table namin kanina at pinaupo. Nakakaramdam naman ako ng inis dahil sa ginagawa niya. Panira.
“Ano ba ang problema mo? Nagsasaya 'yung tao!” singhal ko sa pagmumukha niya. Nakakainis naman kasi.
Kung kailan nakalimutan ko panandalian ang problema, saka pa siya e-epal.
“Having fun? Do you know what you’re doing?” bakas sa boses niya ang galit. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit niya.
Tumaas ang isang kilay ko. “Alam ko! Sumasayaw ako kasama ang gwapong lalaki? Bakit ba?”
“Putangina, Juliana!” he quickly stood up and smashed the table with both of his hands.
Napaigtad ako dahil sa takot. Unang beses kong nakikitang galit siya. Nakakatakot. Nakikita ko sa kanya si Rafa.
“T-Terrence.” mahinang sambit ko sa pangalan niya.
“Hindi ka dapat nakikipag-sayaw sa lalaking ngayon mo lang nakita. Hindi mo ba alam ang ibig sabihin ng INGAT?”
"We're just dancing."
“Yon na nga! Nagsasayaw kayo at ang laswa ninyong tingnan!” hinaplos niya ang malambot niyang buhok habang nasa baywang ang isang kamay.
Hindi ako nakapagsalita at parang nakagat ko ang dila ko. Bakit ba ako natatakot sa kanya? Dahil nakakatakot lang talaga siya? O nakakatakot lang talaga.
Ano ba? Natampal ko ang aking noo dahil sa naisip. Para na akong sira habang nakayuko na pinapagalitan ng ama.
“Tara na.” hinila niya ako patayo.
Nagpapahila lang din ako sa kanya dahil hindi pa humupa ang galit niya. Sa totoo lang nakakatakot talaga siya.
Para siyang criminal kung magagalit. Magkatulad kay Rafa. Ay mali, mas malala pa pala kay Rafa.
“Terrence, sandali.” huminto ako dahil naiihi ako. “Cr lang ako.”
“Ano?” kumunot ang noo niya. “Ngayon pa talaga? Paalis na tayo oh.”
“Ah, talaga? Gusto mong sa kotse mo ako iihi?” taas kilay na saad ko. Kaasar! Pati pag-ihi ko pipigilan pa niya.
Bumuntong hininga siya. “Tara, samahan na kita.”
“Ano? Siraulo ka ba ha?”
“Samahan na-”
“Shut up! Psh!” Iniwan ko siya agad dahil parang naiihi na talaga ako. Sakit na ng puson ko.
Malapit lang ang cr kung saan kami kaya hindi na ako nahihirapang hanapin ito. Lasing pa din ako kaya pagiwang-giwang bawat hakbang ko.
Pumasok agad ako sa loob at umihi. Pagkatapos ay naghugas lang ako ng kamay saglit bago lumabas ng cr.
But when I came out I was surprised when there were three men standing outside and seemed to be waiting for someone.
Nakakatakot ang mga pagmumukha nila. Para silang gangster na gusgusin.
“Hindi ba ikaw ‘yung babaeng magaling sumayaw kanina?” sabi nung isang lalaki at unti-unting lumapit sa akin.
Humakbang ako paatras at muntikan pa akong matumba dahil sa kalasingan.
“Sino kayo?” kahit kinakabahan ay pilit kong tinatagan ang aking sarili
Wala pa namang ibang tao ang nagawi dito. Paano kung may masama silang gawin sa akin?
“Pinapatawag ka ni boss.” one quickly approached me and held me tightly by the hand.
“Bitiwan mo ako, ano ba?” nagpupumiglas ako para makawala mula sa pagkahawak niya.
“Kami naman ang malalagot kapag ginawa namin ‘yon.” sabat naman nung isa at humawak na din sa kabilang braso ko.
“Bitiwan niyo ako sabi!” sinubukan ko silang sipain isa-isa pero nawalan ako ng lakas.
Babae lang ako, lasing pa. Paano ko maipagtatanggol ang sarili ko ngayon?
Sana naman pupuntahan ako ni Terrence dito. Natatakot na talaga ako. Hindi ko pa kilala ang sinasabi nilang boss. Baka mamamatay tao din at kaya ako pinadukot dahil papatayin din ako.
“Sumunod ka nalang sa-” biglang tumigil sa pagsasalita ang lalaking humawak sa akin kasabay ng putok ng baril at talsik ng dugo sa mukha ko.
Ang dalawang lalaking kasama nito ay nagulat din kagaya ko. Hindi alam kung ano ang nangyari.
Unti-unti itomg bumagsak sa sahig. Sobrang takot at pagkasindak ang nararamdaman ko dahil naliligo na ito sa sariling dugo. Marami na ding dugo ang nagkalat sa sahig.
I heard heavy footsteps coming to where I was standing. Due to the shock I could not move immediately. I don’t know what to do. I lost my intoxication.
“Juliana.” isang matipunong bisig ang yumakap sa akin. Mahigpit. Parang takot na takot. “Baby, are you okay?”
Parang hinaplos ang puso ko nang marinig ko ang mga katagang ‘yon. Unti-unti akong nabalik sa katinuan kasabay nang dahan-dahang pag-angat ko ng tingin upang tingnan siya.
“R-Rafa.” sambit ko kasabay ng pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. Imbes matuwa, iba ang nararamdaman ko.
Sakit. Pakiramdam ko, pinagkaitan ako. Pakiramdam ko, binaboy ako. Hindi lang sa mga taong gustong kumuha sa akin, kundi pati kay Rafa.