CHAPTER 13
Fragile
Maraming taong naiintriga sa nangyari. May mga pulis na din para mag linis sa ginawa ni Rafa. Nilinis. Nilinis lang nga mga pulis ang ginagawang pagpatay ni Rafa sa isa sa mga taong nagbabalak na dumukot sa akin.
That's how strong his power is. Instead of investigating the case, they just cleaned up and pretended that someone else did it.
Parang takot na takot ang mga pulis sa kanya. Na kahit anong iutos niya nakahanda ang mga ito na sundin ‘yon.
Makapangyarihan. Sobrang makapangyarihan ang taong pinapakasalan ko.
Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit palaging sinasambit ni Terrence sa harap ko ang salitang 'Mag ingat' dahil ganun kalakas ang impluwensya ni Rafa. At dahil malakas ang impluwensya niya, hindi maiiwasang may mga kaaway siya.
“Juliana.” nakita ko si Terrence na humahakbang patungo dito sa kotse ni Rafa.
Nakasandal ako sa kotse habang hinihintay si Rafa na hindi pa din tapos makikipag-usap sa mga pulis.
“Terrence.” sambit ko sa pangalan niya. I feel relieved when he is by my side.
“Okay ka na? Baka gusto mo nang umuwi. Sasabihin ko kay kuya na mauna na tayong umuwi.” he said in a calm voice.
Sobra siyang nag-alala sa akin. Maliban sa pag-alala, nakikitaan ko din siya ng awa at takot.
Bumuntong hininga ako. “Sorry, dahil hindi ako nakinig sayo.”
Mabilis siyang umiling.
“Hindi. Ako dapat ang mag sorry sayo. Sorry dahil dinala kita dito. Sorry dahil hinayaan kitang magpunta ng cr na mag-isa. Sorry dahil hindi kita naprotektahan kanina.” ginanap niya ang dalawang kamay ko sabay yuko.
“Terrence hindi mo-” I couldn't continue what I was about to say because I felt something dripping from my hand. Hot and wet.
Luha? Umiiyak si Terrence?
I immediately lifted his head. “Terrence? Why are you crying?"
“I'm sorry. I'm sorry Juliana.” narinig kong humagulgol na siya kaya niyakap ko siya agad.
Nasasaktan akong makitang umiiyak siya ng dahil sa akin. Bakit siya ganyan? Hindi naman niya kasalanan.
“Terrence, listen. Hindi mo kasalanan ‘yon. Ako ang may kasalanan dahil hindi ako nakinig sayo.” hinaplos ko ang likod niya upang patahanin siya.
Hindi ko alam kung paano magpapatahan ng tao, lalo na ng lalaki dahil ngayon lang ako nakakita ng lalaking umiiyak. At hindi pala madali. Masakit.
Kumalas siya sa pagkayakap sa akin at tumingin sa ibang direction. Pinahid niya ang basang pisngi niya.
“Juliana, Terrence.” tawag ni Rafa sa amin. Humahakbang siya patungo sa dito sa gawi namin. “Let's go.”
Tumingin ako saglit kay Terrence. Nakatingin din siya sa akin at tinanguan ako.
Bumuntong hininga ako at pumasok sa kotse pagkatapos buksan ni Rafa ang pintuan. Pumasok din siya at umupo sa driver sit at pinapaandar ang sasakyan.
Tahimik lang kami sa buong byahe. He doesn't speak and I don't feel like talking to him either. Hindi naman mangyayari ang nangyari kanina kung hindi ko siya nakita kasama ng impaktang Kim na ‘yon.
Sabi niya faithful siya sa akin. Hindi naman pala totoo. Sana kahit pagpapanggap lang, ipapakita at ipaparamdam niya 'yon sa akin.
Pero bakit kahit nahahalata ko, hindi siya nagpapaliwanag. Hinahayaan lang niya na mag-iisip ako ng masama.
Nakarating kami sa bahay ng hindi ko namamalayan. Pagbaba ko ng sasakyan ay siya ding pagdating ni Terrence. Nakasunod lang pala siya sa amin.
Tuloy-tuloy lang ang paghakbang ko papasok sa bahay. Ang sama ng pakiramdam ko. Kahit nawala ang pagkalasing ko dahil sa nangyari kanina, nandito pa din ‘yung masamang pakiramdam.
I felt dizzy and at any time I would be nauseous. It was as if my stomach was being dug up.
Lakad-takbo ang ginawa ko upang makaabot agad sa room namin. Parang hindi ko na mapipigilan. Nahihilo ako ng sobra. Sumakit din ang ulo ko.
Mabilis akong nakarating sa taas at agad tinungo ang room namin ni Rafa. Pagpasok ko sa loob ay agad kong tinungo ang banyo. Saktong pagpasok ko ay siya ding paglabas sa lalamunan ko lahat ng kinain ko.
Unti-unti na ding lumabo ang paningin ko. I feel like I'm going to lose consciousness. Sumuka lang ako ng sumuka. Hindi naman ako nagkakaganito nung nalasing ako. Bakit ngayon kakaiba?
Ano ba 'to? Wala naman akong kinaing kakaiba kanina.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sumisikdo ito. Hanggang sa bumigay na ang talukap ko nang hindi ko alam kung anong dahilan.
Unti-unti kong minulat ang aking mga mata. Masama pa din ang pakiramdam ko pero hindi na kagaya nung una.
Naramdaman kong parang bumigat ang baywang ko at may nakapatong dito. Pagtingin ko ay nakayakap pala si Rafa sa akin.
Tulog na tulog siya. Humihilik. Napaka-inosenting tingnan. Pero kayang pumatay ng tao. Kayang linisin ang pangalan sa isang iglap lang.
Anong klaseng tao ka, Rafael?
Tama bang ipagkatiwala ko ang buhay ko sa kanya? Tama bang mananatili ako sa puder niya gayung kaya niyang paikutin lahat?
Gumalaw siya at nalanghap ko ang amoy niya dahilan para maramdaman ko ang naramdaman kanina. Nagsimula na naman 'yung pakiramdam na parang hinalukay ang sikmura ko.
Mabilis akong bumangon at nagtatakbo patungo sa banyo. Dahil sa hindi na ako nakakain pagkatapos kong dumuwal kanina dahil nakatulog pala ako sa loob ng banyo, puro laway nalang ang naisuka ko ngayon.
Siguro dinala nalang ako ni Rafa sa kama. Buti naman at concerned pa din siya sa akin.
Naluluha na ako habang patuloy na sumuka sa bowl. Bakit ganito? Bakit hindi ko gusto ang amoy ng buong kwarto? Pati ang amoy ni Rafa.
Shit! Hindi kaya..
“Juliana? What happened?” naramdaman kong nagmamadaling pumasok si Rafa sa banyo upang lapitan ako.
Lumingon ako at mabilis ko siyang tinulak. “Lumayo ka sa akin.”
Bahgyang umawang ang labi niya. “What? What's your problem?"
“Ang baho mo. Hindi ko gusto ang amoy mo. Nakakasuka.” tinakpan ko ang ilong ko at tumayo upang bumaba. Gusto kong uminom ng tubig.
“Juliana, how are you feeling? Are you sick? Say it, Or I'll take you to the doctor.” sumunod pa din siya sa akin kaya mas lalo ko lang binilisan ang paghakbang ko.
Bakit ba siya sumusunod? Hindi ba siya nakakaintindi sa sinasabi kong mabaho siya? Lintik. Nagkarelasyon lang sa iba hindi na naliligo.
Pagdating ko sa kusina ay agad akong lumapit sa refrigerator upang uminom ng malamig na malamig na tubig. Kinuha ko ang pitsel na may lamang tubig at agad nilagok ang tubig na laman nito.
“Juliana what happened to you? Tell me ... do you have a problem?” naasar na naman ako sa boses ni Rafa. Sumunod pala talaga siya sa akin.
Iniiwasan ko na nga. Inis na inis ako sa kanya kanina dahil ibang babae ang kasama niya. Dinagdagan pa niya sa amoy niya. Ang baho.
Naglakad ako patungo sa sink at ibinagsak doon ang pitsel na hawak ko. “Oo, may problema ako. Iyang amoy mo. Maligo ka naman, Rafa.”
Biglang kumunot ang noo niya. “What? What are you saying? I take a bath Twice a day. You know that."
Oo nga no...pero...
“Pero bakit ang baho mo? Hindi ko gusto ang amoy mo..teka-" napahawak na naman ako sa aking ulo dahil sumakit na naman ito at parang may sumikdo na naman.
“R-Rafa.” mahinang sambit ko sa pangalan niya hanggang sa naramdaman kong bigla nalang nawala ang lakas ko kasabay ng pagdilim ng paningin ko.
Pag-gising ko umaga na. Pero hindi pamilyar sa akin ang lugar. Puti ang kisame, at ang buong kwarto. Meron ding nakasabit na dextrose sa kamay ko.
Wait! Dextrose? Anong nangyari sa akin?
Gulat akong bumangon at nakita ko si Terrence na nakaupo sa sofa na parang natutulog. At ang lalaking nakayuko sa gilid ng bed ko. Rafa.
Muli kong inilibot ang paningin ko sa buong kwarto at mas lalo lang nadagdagan ang gulat ko dahil hindi lang pala si Rafa at Terrence ang nandito. Pati na din ang tatlong barkada ni Rafa. Hindi ko alam kung ano ang mga pangalan.
“Rafa.” tinapik ko ang pisngi niya. Bakit nandito ang mga lalaking ‘to?
Nakita kong gumalaw siya at unti-unting nag-angat ng tingin. Kinusot muna niya ang mga mata niya bago siya tumingin sa akin.
“Baby,” he immediately stood up and held my hand. "How are you feeling?"
“Okay naman ako. Bakit ba?” naguguluhan ako sa inasta niya. Bakit niya ako dinala dito? Saan ba ang babae niya?
Psh. Pakitang tao na naman.
"I have something to tell you." he said in a low voice.
Hindi naman siya mukhang problemado dahil kahit pokerface siya, kumikislap pa din ang mga mata niya.
“Ano ‘yon?” kinakabahang tanong ko. Paano kung ipagtatapat na niya sa akin na nakabuntis siya ng ibang babae? Kakayanin ko ba?
“Buntis-”
“Tama na!” itinaas ko ang isang kamay ko hudyat na manahimik siya. “Hindi ko kayang marinig ‘yan. Alam ko naman e.”
“Juliana-”
“Shut up, Rafa! Hindi mo na kailangan na magtapat sa akin dahil alam ko na. Narinig ko kayo,” huli na nang maramdaman kong may luhang tumulo sa pisngi ko. “Ang masakit, hindi mo sinabi sa akin agad. Hinayaan mo pang makasal tayo, hinayaan mo pang tumagal.”
“Juliana listen first. You don't understand the situation.”
“Hindi nga. Dahil tinatanong ko sa sarili ko kung bakit mo pa ako pinakasalan, kaya mo naman palang buntisin ang iba.”
Kumunot ang noo niya. Nag-iba ang expression ng mukha niya na para bang naguguluhan sa pinagsasabi ko. Tibay. Ang galing talaga umarte. Nakapaka convincing.
"What are you talking about?" halata sa boses niya ang inis. Kapal talaga. Siya pa itong may ganang magalit samantalang siya ang may kasalanan.
“Bakit? Tanggihan acting ka ngayon? Sige lang, push mo pa para damang-dama. Diyan ka naman magaling e. Ang mag deny at maglihim.” pinahid ko ang basa kong pisngi dahil tama na ang tatlong butil ng luha.
Hindi niya dapat makita na desperada ako sa kanya. Kapal lang talaga..kalalaking tao, plastik.
“FVCK! JULIANA, SHUT UP!” napa-igtad ako dahil sa pagsigaw niya. Halos lalabas na ang ugat sa noo niya.
Naiinis. Nalilito. Nagtataka. Iyang ang mga nakikita ko sa mga mata niya. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng 'yan o palabas lang niya para hindi ko siya mahuhuli. Tindi talaga ng sikmura ng Rafa na 'to. Ang kakapal.
Nagising tuloy ang mga barkada niya at si Terrence. Nagtataka silang lahat habang nakatingin sa amin. Basto kasi ang lalaking 'to. Kitang may natulog.
"Can you be quiet first and listen to me?" hindi na siya sumisigaw pero matigas pa din ang pananalita niya. “Whatever you're saying, I don't know anything about that. I care about you, and our future baby.”
Unti-unting nagtagpo ang mga kilay ko. Ang inis na nararamdaman ko kanina ay napapalitan ng pagkalito.
“A-Anong sinabi mo?" naguguluhang tanong ko. Si Kim ang buntis tapos kaming dalawa ang magka-baby? Siraulo!
“You are pregnant, Juliana. You are one month pregnant. We're going to have a baby.” sabi niya at unti-unting nagbago ang kanyang expression. Halata sa kislap ng mga mata niya ang kasiyahan.
Habang ako, gulat na gulat pa din. Hindi makapaniwala. Kaya ba ako nagsusuka dahil buntis ako? Kaya ba napaka-emosyonal ko sa mga panahong ito dahil buntis ako? Kaya ba mabilis akong naiinis dahil nga buntis ako?
“Oh my God!” sinapo ko ang mukha ko. Hindi ko mapigilang makaramdam ng saya.
But there is also a part of me that is sad. It was as if someone was whispering that I shouldn't be happy. A Strange feeling.
Maybe I was just sad because of what I found out about Rafa. Maybe it's also because he's always with another woman. Ewan, hindi ko na alam.
Tumingin ako sa gawi ni Terrence. Gising na siya pero hindi siya lumapit sa akin para kumustahin ako. Parang ang tamlay-tamlay niya. Nakayuko lang kasi siya habang nakikinig sa pinag-uusapan namin.
May problema na naman siguro siya.
“Come.” ibinuka ni Rafa ang magkabilang braso niya, na alam ko kung anong ibig sabihin.
Umusog ako para sana magpapayakap sa kanya ngunit naamoy ko na naman ang amoy niya.
“Arghh, ang baho mo talaga. Maligo ka na kasi.” lumayo ako kaagad sa kanya sabay takip ng ilong ko. Hindi ko talaga kaya ang baho ng amoy niya.
Narinig kong nagtawanan ang mga barkada niya, at sinamaan naman niya ito ng tingin. “Manahimik kayo, o mananahimik kayo!”
“Bakit ka nagagalit? Dapat magsaya ka dahil alam mong buntis nga ang asawa mo. Nakakaamoy e.” pang-aasar nung red hair. Gwapo din. Lahat naman sila gwapo.
"You want to die right away?" galit na sigaw ni Rafa. Pikon.
“Chill lang Rafa. Naiinggit lang kasi si Theron sayo dahil baog siya. Hindi siya makakabuo.” sabat naman nung isa. Singkit at maputi.
“Gago ka Morpheus!” binatukan nung Theron 'yung huling nagsasalita. “Hindi ako nagmamadali.”
“Asus, hindi daw. Kaya pala nangayayat 'yung girlfriend mo dahil hindi ka pala nagmamadali.” dugtong naman nung isa na katabi ni Theron. Pareho pala silang maloko.
“Isa ka pa Paris. Kung makaasar, parang hindi torpe.”
“At least, gwapo.” sabi nito sabay himas sa baba niya. Totoo naman talagang gwapo sila, mapang-asar lang.
“Gusto ko nang umuwi.” inagawa ko ang atensyon ni Rafa. Nababagot ako dito sa loob. Wala naman akong sakit.
“Sige. Lalabas na tayo. Hinintay lang namin na magising ka.” inilapit niya ang mukha niya sa akin at pinagdikit ang noo namin. “Thank you. Promise, I will take care of you and our baby.”
Parang hinaplos ang puso ko sa sinasabi lang niyang 'yon. Ang rupok ko talaga.