CHAPTER 14

2240 Words
CHAPTER 14 Mood Swing Pinagbuksan ako ng pintuan ni Terrence. Sa kanya kasi ako sumabay dahil hindi ko talaga kinaya ang amoy ni Rafa. Ang sakit sa ilong. Nakakapanibago. Hindi naman ganyan ang amoy ni Rafa kahapon. Ang bango kaya niya, pero bakit bigla ko nalang hindi nagugustuhan ang amoy niya? Nakakapagtaka. “Oh, ingat.” inalalayan ako ni Terrence sa kamay. Matamlay pa din siya at hindi masyadong umimik. Anong problema ng batang 'to? Nakarating kami sa living room nang hindi pa din umimik si Terrence. “Terrence.” tawag ko sa kanya nang huminto kami sa gitna. Matagal bago siya tumingin sa akin. “Bakit?” “May problema ka ba? Bakit parang ang tamlay mo ngayon?” Ngumiti naman siya ng tipid. “It’s nothing. Maybe I'm just tired. I finished my thesis last night.” Tumango ako ng alanganin. “Okay. May pasok ka ba ngayon?” “Oo. Sige, aakyat na muna ako sa taas. Maghahanda lang ako.” I just nodded at him again. Pinagmasdan ko siyang umakyat sa hagdan. I don’t believe what he says. Alam kong may ibang dahilan kung bakit siya malungkot. Nakakaawa. "Baby, what do you want to eat?" Rafa suddenly appeared beside me. Aakbayan niya sana ako subalit agad akong lumayo. “Lumayo ka nga muna. Masyado ka talagang mabaho.” “Pero-” “Rafa naman.” I stomped one foot on the floor and suddenly burst into tears. “Sinabi ko naman kasi sayo na mabaho ka e. Ang tigas mo.” “Damn!” hinaplos niya ang mukha niya at akmang aalis ngunit lalo lang akong nainis. “Huwag ka ngang gumalaw!” sigaw kong muli. Parang mas lalong nakakainis siya kapag gumagalaw siya. Magsisikip ang dibdib ko. “Ano? Pati ba naman ang pag-galaw ko?” his narrowed eyes widen. “Oo. Pati ang pagsasalita at paghinga mo. Hindi mo dapat gawin 'yon. Dapat hinaan mo ang paghinga mo at dapat hindi ka magsasalita.” deri-deritsong saad ko. I could no longer understand myself. I am disgusted with things about him. I was disgusted with what he would do, including the way he looked. “Fvck! Juliana, will you kill me?” “Sinabing 'wag kang magsasalita at gumalaw e!” bigla nalang tumulo ang luha ko. Parang gusto kong magwala sa harap niya. Ang tigas ng ulo niya. Asar! Hindi na siya nagsasalita at gumalaw ngunit sobrang talim ang kakaibang tingin niya sa akin. Parang hindi makapaniwala sa inasta ko. Unti-unti nang humupa ang pagdaloy ng mga luha ko. Normal na din ang paghinga ko. Pinahid ko ang aking basang pisngi at tumayo ng tuwid. “Rafa, 'yung mga kaibigan mo. Patitirahin mo sila dito.” “What-” “Sinabing 'wag magsasalita e.” sumigaw na naman ako. Hindi kasi nakakaintindi e. “Fvck!” narinig kong bulong niya kaya hinayaan ko nalang siya. Nakakaawa pero nakakaasar naman kasi. “Do what I want. Let your friends live here. I want them here later. ” I remind him again. I looked at him before I left him. Nakakaasar na pagmumukha na 'yan. Umakyat ako sa hagdan ngunit agad akong huminto. Kumunot ang noo ko dahil parang ngayon pa lang namiss ko na siya. Parang hindi ko kayang hindi siya makita. Shit, ano bang nangyari sa akin? Kung naglilihi man ako, bakit ganito? Hinaplos ko ang sinapupunan ko. Sobrang paghihirap naman nito, baby. Nakakaasar ang daddy mo, pero nakakaawa din naman. Ipinagpatuloy ko nalang ang pag-akyat ko sa hagdan upang magtungo sa kwarto. Maaga pa naman, at wala din akong ganang kumain. Gusto ko matulog pero mamaya nalang. May gagawin pa ako. Pagkatapos kong mag bihis ay kinuha ko ang mga gamit ni Rafa at balak kong ilagay sa labas ng kwarto. Ayaw kong maamoy 'yon. Pati ang amoy ng mga kwarto niya hindi ko gusto. Parang nakakahilo lang lalo. Pero papalitan ko nalang mamaya. Lahat ng gamit na pag-aari niya ay niligpit ko at kinuha ko ang malaking box sa tabi ng drawer niya. Dun ko nilagay ang mga gamit niya. Sorry Rafa, pero hindi muna kita gustong makasama dito sa kwarto. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto pagkatapos kong ligpitin ang mga gamit niya. Kumikinang ang mga mata ko dahil parang napakalinis ng buong kwarto. Ang sarap sa pakiramdam. “What? What did my things do here?” I looked at the door when I heard Rafa's startled voice. Since I didn’t close the door I could see him while gaping staring at his belongings. Lumapit ako sa kanya. “Naglalakad sila palabas ng kwarto.” “Juliana! Anong trip 'to?” nakalukot ang mukhang aniya. Parang ewan. “Dahil hindi mo naman kayang hindi gumalaw, magsalita at huminga, mabuti pang lumipat ka muna sa ibang kwarto. I don't want you to sleep here, with me. And I don't like your smell. Pasensya na.” kalmadong tugon ko sa kanya. Tinitiis ko ang amoy niya dahil hindi naman na siya magtatagal dito sa kwarto. “Juliana. I can do what you want me to do, just don't drive me away. I want to sleep next to you.” halos mangiyak-ngiyak na aniya at bago 'yon sa paningin ko. Natawa naman ako. “Hindi nga. Ayaw sayo ng baby. Anong magagawa ko?” “Sino naman ang patatabihin mo sa pagtulog?” I acted like I was thinking. Then I flicked my two fingers in the air. "Si Orio." “SINONG ORIO?” halos mabingi ako sa sigaw niya. Para siyang kakain ng tao sa sobrang sama ng pagkatitig niya sa akin. “BAKIT KA BA NAGTATANONG?” ganting sigaw ko sa kanya. Nakakainis. Bakit hindi nalang susundin ang gusto ko. “Juliana, who is Orio? If you don't tell me I'm going to burn down this whole house!” pagbabanta niya na kasabay ng pag-igting ng panga niya. “Subukan mo! I will burn you too.” Biglang nag-iba ang expression niya. Mula sa nakakatakot na expression ay bigla nalang itong umamo na parang tuta. Ilang beses siyang lumunok. "When ... when I see that Orio, I will really kill him in front of you, remember that." Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Tapos ka na, pwede ka nang umalis.” He looked at me almost in tears before leaving with his belongings. He kept coming down the stairs so I felt sorry for him. I let out a deep breath before I closed the bedroom door. Then I went to bed and lay down. Ang sarap matulog. Makatulog na nga muna. Nagising ako dahil sa tunog ng sikmura ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulog, basta naramdaman kong gutom na gutom na ako. Bumangon ako at tumingin sa orasan. Ala-una na pala. Kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom. Naisipan kong lumabas ng kwarto at bumaba ng living room. Pagdating ko sa baba ay nakita ko ang tatlong barkada ni Rafa. Nakaupo sila pareho sa sofa at parehong nakayuko. “O, anong nangyari?” I asked the three of them. Para kasi silang pinagsakluban ng langit at lupa. Nag-angat ng tingin si Paris. “Hindi na ako binigyan ng allowance ni mommy.” “Huh? Bakit?” takang tanong ko. “Nagsumbong si Rafa kay mommy na may binahay daw akong babae.” parang batang sumbong niya sa akin. Ang cute. “Bakit naman niya ginawa 'yon?” “Ayaw ko kasing sundin ang gusto niya.” “Gusto na ano?” “Na dito ako titira pansamantala.” umawang ang labi ko dahil sa narinig. Hutangina! Nambablackmail si Rafa sa mga kaibigan niya para lang sundin ang gusto ko? Not bad. May pakinabang din. Tumingin ako kay Theron. “Ikaw naman Theron? Ano naman ang problema mo?” Napakamot siya sa ulo. “Hiniwalayan ako ng girlfriend ko.” “Dahil ba binlackmail ka din ni Rafa?” tumango siya sa tanong ko. Kawawa. “At ikaw Morpheus? Anong problema mo?” “Wala. Sinabayan ko lang sila.” ay tangina. Akala ko pa naman may problema. Siraulo. “O siya,” pumalakpak ako. “Dahil nandito na kayong lahat, ang gutso ko, kayo ang gagawa sa gawaing bahay.” “ANO?” sabay-sabay na tanong nilang tatlo. Tumayo din sila ng sabay at magkatulad din ang expression ng mga mukha nila. Nakanganga habang nanlaki ang mga mata. Parang mga siraulong aso. “Oh, bakit gulat na gulat kayo? Sa tingin ko hindi naman kayo bingi.” taas kilay kong sabi. “So ibig sabihin-” “Oo. Yun na nga.” Pinutol ko ang sasabihin ni Paris. Todo taas pa ang mga kilay ko. “Anak ng. Juliana naman!” iyon lang ang sinasabi ni Theron pero halatang gusto niyang magreklamo. “Bakit ayaw niyo? Sabihin niyo lang.” nagtungo ako sa single na sofa at umupo. Pinagkrus ko din ang mga hita ko na parang donya. “Kung ayaw niyo, pwede kong sabihin kay Rafa na ipapalibing kayo ng buhay.” “Aba! Gusto namin. Diba boys?” umaktong nasisiyahan si Paris at sobrang lapad ng ngiti. “Oo naman. Gusto namin. Kaya namin ang mga gawaing bahay. Matibay 'to men.” sabat naman ni Theron ipinakita pa niya ang muscle niya sa braso. Raulo. “Basta ako, sang-ayon ako diyan. Wala akong reklamo.” sabi naman ni Morpheus at pabagsak na umupo sa sofa. Alam ko naman na pumapayag lang sila dahil tinatakot ko. Lihim akong napangiti dahil sa wakas nasunod din ang gusto ko. “Good.” tumayo ako at nagtungo sa kitchen. “Juliana, anong gagawin namin?” habol na tanong ni Paris. Nakangiti akong humarap sa kanila. “Ikaw ang taga-laba. Si Theron ang tagahugas ng pinggan at tagalinis ng pool. At si Morpheus ang tagalinis ng bahay, at ng cr.” “Anak ng!” sabay na sambit nilang tatlo. “Bakit? May reklamo.” “WALA!” sabay ulit nila. “Bakit kayo sumisigaw?” “Ano, masaya lang kami. Diba boys?” tanong ni Theron sa dalawa at nagsitanguan naman ang mga uto-uto. “Oo, sobrang saya.” Morpheus. “Ang saya-saya. Wuhoo!” kunwaring natutuwang saad ni Paris at may patalun-talon pa. Gago! Inirapan ko silang tatlo bago ko tinuloy ang pagpasok sa kitchen. Nagugutom ako. Gusto kong kumain. Nagtungo ako sa harap ng refrigerator at naghanap ng pagkain. May nakita akong chocolate cake. Cookies, at lasagna. Pero wala akong nagustuhan. My mouth searched for something else. I rummaged in the drawers but I could only see ramen and pasta. Ano ba naman 'to? Bakit nananadya ang pagkakataon? Bakit lahat ng mga nakikita kong pagkain hindi ko nagustuhan. Inis akong naglakad patungo sa labas ng kitchen at hinanap ng mga mata ko si Rafa. I didn’t see him down here so I went upstairs and headed to the vacant rooms. “Rafa!” tawag ko sa kanya. Nagtungo ako sa huling kwarto at kinatok ito. “Rafa.” “ANO?” ay, sumisigaw? Galit. Gagung lalaking 'yon a! Sinipa ko ng malakas ang pintuan at bumungad sa akin ang pinaghalong gulat at inis niyang mukha. “Anong ginagawa mo?” I asked him in surprise. He was topless and very sweaty. “Hindi mo ba nakikita? Naglilinis. Pinapalayas mo kasi ako.” ngumuso siya at nagpapaawa effect. Umismid lang ako. Akala niya maaawa ako sa kanya. I'm not punishing him for cheating on me, that's all I really want him to do. “O tapos? Tingin mo maawa ako sa pa-ganyan-ganyan mo? Hindi yan uubra sa akin.” lumapit ako sa kanya pero tinakpan ko ang ilong ko. Hinila ko siya. “Halika.” “Saan naman?” “Nagugutom ako. Ibili mo ako ng mangga.” utos ko sa kanya. Nung una kumunot ang noo niya pero napawi din 'yon agad. “All right. But woman, take me back to your room.” “Hindi nga kasi pwede. Nandun si Orio.” “SINO BA KASING ORIO NA 'YAN? KAPAG TALAGA NAPUNO AKO, PAG-UUMPUGIN KO TALAGA KAYONG DALAWA NG ORIO MO!” “Wee. Kaya mo?” panghahamon ko sa kanya. Tingnan lang natin kung kaya nga niya. "Do you want a sample?" “Sige nga. Tara samahan mo ako.” hinila ko na naman siya upang dalhin sa kwarto namin ngunit naaalala kong nagugutom nga pala ako. “Sandali.” huminto ako at humarap sa kanya. "Aren't I ordering you to buy something to eat?" “Inuutusan mo ba ako?” patay malisyang aniya. Bintukan ko. “Rafa naman e!” pinadyak ko ang mga paa ko sa inis. “Sorry baby. I will buy it.” sabi niya sabay halik sa noo ko at humakbang paalis. Inis ko siyang sinundan ng tingin. I can’t explain how I feel. I want to see him but I get annoyed when he is in front of me. Especially when I can smell his scent. Agad akong napatakip sa bibig ko nang maramdaman ko na naman na parang hinalukay ang sikmura ko. Ito na naman. Hutangina. I ran down the stairs again and went to the bathroom downstairs. It was as if I was about to cry because of how bad I felt. Mabilis kong binuksan ang bowl sa banyo at isinuka ang dapat isuka. Nilabas ko lahat ng laman sa tiyan ko hanggang sa naluluha na ako. Asar naman. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko. Nakakadiri!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD