CHAPTER 15
Dread
Para akong lantang gulay habang nakaupo kaharap ng table dito sa kitchen. Bumalik kasi ako dito dahil dito ko nalang hihintayin si Rafa.
Sobrang dikit ng sikmura ko dahil wala nang laman ito. Nailabas ko na lahat.
"Excuse me, madam." dumaan si Theron sa harap ko bitbit ang malinis na utensils.
Nandito din kasi siya sa kitchen dahil siya ang tumapos sa naiwang trabaho ni manang. After I vomited earlier I saw manang outside the bathroom who was very worried about me.
Dun ko din siya kinausap at sinabi na mag leave muna siya para naman makapagpahinga na din. Matanda na kasi si manang. Nakakaawa na.
Pinangako ko din sa kanya na may matatanggap pa din siyang sahod kahit nakaleave siya. Gusto ko lang talagang tulungan si manang.
“Ah madam, I'm done. What should I do next?” magalang na tanong ni Theron sa akin. Mabilis niyang natapos ang ginagawa niya.
Nag-isip naman ako kung anong pwede kong ipapagawa sa kanya. Ah tama.
"Ibili mo ako ng saging." utos ko sa kanya.
"Okay po madam." yumuko pa siya na para bang prinsesa ang kaharap niya.
"Samahan mo ng ketchup." pahabol kong utos.
"Okay po." sabi niya sabay alis.
Bumalik ako sa pangalumbaba dahil nanghihina ako. Asar naman. Ang tagal din ni Rafa. Kanina ko pa nagugutom. Kung hindi ako makapagpigil baka itong mga barkada niya ang kakainin ko. Asar.
"Baby." humahangos si Rafa pagpasok sa kitchen bitbit ang mga pinamili niya.
Kumuha siya ng lagayan at nilabas isa-isa ang pinamili niyang pagkain. May burger. Chicken joy. Fries. May milk tea pa.
Imbes na kainin ang mga 'yon ay tinitigan ko lang.
“Baby why? Don't you like these foods?” takang tanong niya sa akin.
Dahan-dahan akong lumingon. "Hindi. Ibalik mo 'yan."
"WHAT? JULIANA NAMAN!"
"Bakit ka ba sumisigaw ha? Ikaw ba naglilihi?" pinandilatan ko siya ng mata.
"Sorry. E kasi naman. Nilakad ko lang kasi ang pinagbilhan ko niyan." nahalata ko sa boses niya ang lungkot.
Naawa naman ako kaya dinampot ko ang burger. Isusubo ko na sana ito ngunit hindi ko talaga nagugustuhan ang amoy.
"Ayaw." sabi ko sabay lapag ng burger sa plate.
"What do you want to eat?" mahinahong tanong niya. Nakakaawa.
"Tinapay at Ice cream." nakangiting ani ko. Nagpuppy eyes pa ako sa harap niya. Sumunod ka please.
"Okay. Basta kainin mo na a." mabilis akong tumango. Nilaparan ko pa ang ngiti ko.
Sinundan ko siya ng tingin paglabas niya ng kitchen. Laylay ang balikat niya at nakakaramdaman na naman ako ng awa.
Bahala na nga.
Tatayo na sana ko upang lumabas ng kitchen ngunit pumasok naman si Theron dala ang binilis niyang saging at ketchup.
Biglang kumislap ang mga mata. "Wow, buti naman at nandito ka na."
Kinuha ko ang dala niya at nilabas ang mga ito sa plastik. "Kumuha ka ng saucer."
Agad naman niyang sinunod ang utos ko. Nagmamadali siyang nagtungo sa lagayan ng mga plate at kumuha ng saucer.
"Ito po madam." he placed the saucer in front of me and bowed.
Nainis naman ako. "Bakit ka ba yuko ng yuko? Kapag ikaw nadapuan ng masamang hangin, baka tuluyan kang ma-kuba."
"Juliana naman." pagmamaktol niya na may halong takot. Psh, takot makuba.
Binuksan ko ang ketchup at naglagay ng kaunti sa saucer. Binalatan ko din ang saging at sinawsaw ko sa ketchup.
Isusubo ko na sana ang saging na may ketchup ngunit nawala nalang bigla ang pagkatakam na nararamdaman ko kanina.
Ibinalik ko ito sa lalagyan at tumingin kay Theron. "Umupo ka."
"Ha?" tumingin siya sa akin na may pagtataka.
"Umupo ka." kahit naguguluhan ay sinunod naman niya ang utos ko.
Umupo siya sa kaharap na upuan ko habang hindi maalis-alis ang pagtataka sa mukha. Nakikitaan ko din siya ng takot.
"Kumain ka." inusog ko ang saucer at saging na binili niya sa kanyang harap.
"Pardon?"
"Kainin mo." taas noong utos ko sa kanya. Nawala kasi ang gana kong kumain. Mas gusto ko siyang tingnan habang kinain ang mga 'yan.
"P-Pero-"
"THERON!" nagulat naman siya sa sigaw ko.
Mabilis niyang dinampot ang saging na may ketchup at dinala ito sa bibig niya. Lumukot pa ang mukha niya sabay lunok.
Sinamaan ko muna siya ng tingin kaya mabilis niya itong sinubo sabay pikit.
Natatawa naman ako sa pagmumukha niya. Para kasi siyang natatae. Kahit malaki ang saging bawat subo niya isang lunukan lang ang ginagawa niya.
"Juliana." pumasok sina Paris dito sa kitchen at kasunod niya si Morpheus.
Nakangiti silang lumapit sa akin ngunit biglang naglaho ang mga ngiting iyon nang madako ang paningin nila kay Theron na patuloy pa ding sumubo ng saging na may ketchup. Maluha-luha pa ang mga mata.
“W-What did you eat Theron? You're disgusting." nandidiring sambit ni Paris habang nakakunot ng noo.
"E kasi-"
Bigla nalang tumawa si Morpheus kaya hindi natuloy ni Theron ang sasabihin niya.
"Masarap ba Theron? Masarap ang maglihi?" pang-aasar pa ni Morpheus na sinabayan ng halakhak.
Nakikitawa na din si Paris. May pahawak-hawak pa sila sa mga tiyan nila na para bang natutuwa sa ginagawa ni Theron.
"Ano ba?" sigaw ko na ikinatahimik nila. Pati si Theron tumigil sa pagnguya. "Kumain din kayo."
They both blinked at the same time. Paris' head tilted even more, as if he was telling me to repeat what I was saying.
"Umupo kayo at kumain. Pagod kayo diba? Hala sige, kain." seninyasan ko silang dalawa.
I could see them looking at each other and seemed to have no intention of following my orders.
"Ayaw niyong kumain?" pinandilatan ko sila ng mata.
Nagsiupo naman sila agad at kanya-kanyang dumampot ng tig-isang saging, at gaya ni Theron, ganun din ang ginagawa nila.
Susunod naman pala, aarte pa.
"Baby, here's the order-" biglang huminto si Rafa at laglag ang pangang nakatingin sa tatlong kaibigan niya. "What are you guys doing?"
Lumingon si Paris kay Rafa. "Kumain ng saging na may ketchup. Gusto mo? Ang sarap. Para akong nasa alapaap."
"Siraulo, nakakadiri!" bulyaw ni Rafa kay Paris. Humakbang din siya at bago umupo kumuha muna siya ng kutsara pagkatapos umupo sa tabi ko.
Binuksan ko naman 'yung isang gallon na ice cream at inagaw ko sa kamay ni Rafa ang kutsara.
"Hmp, sarap nito." kumuha ako ng isang pirasong tinapay at hinati ko ito sa dalawa. Pagkatapos nilagyan ko ng ice cream sa gitna.
Tinapay na may palaman na ice cream.
"Hmp, yummy." sabi ko sabay nguya nung tinapay na may ice cream sa gitna. Pumikit pa ako upang damhin ang lasa nito.
Shit, ang sarap!
Ngiti-ngiti akong sumubo't ngumunguya. Ngunit natigil ang pagnguya ko nang madako ang paningin ko sa tatlong na lalaking nasa harapan ko.
Ginilid ko ang aking ulo upang tingnan din si Rafa. Ganun din ang expression niya.
Nakanganga sila habang nakatingin sa akin. Para silang nakakita ng bagay na ngayon lang nila nakita.
Si Theron, nanatili sa bibig niya ang saging na may ketchup habang kumukurap-kurap. Si Paris, kahit nakanganga hindi pa din nagawang isubo ang saging dahil nasa akin ang atensyon niya.
Si Morpheus, lumukot ang mukha at parang naiiyak na nakatingin sa akin. At sii Rafa naman, plain lang ang mukha ngunit halatang nagpipigil. Kung ano man hindi ko alam.
"Bakit?" inosenteng tanong ko sa kanilang tatlo. Ang sarap ng pakiramdam ko tapos ang weird pa nila.
Bahala kayo, Duh.
Sinubo ko ulit ang natitirang tinapay na hawak ko habang nakatingin sa kanilang apat. Sinadya kong dilaan ang tinapay na may ice cream na parang sarap na sarap ako.
Nagulat nalang ako nang sabay-sabay silang tumayo at mabilis na nagtungo sa sink at dun dumuwal.
Ay nakakaputangina!
HINARANG ko ang kaliwang paa ko sa labas ng pintuan ng kwarto ni Rafa. Nakita ko kasi siyang nagbihis.
"San ka pupunta?" malambing na tanong ko sa kanya. Baka pwede akong sumama.
"Opisina, hindi ako nakapasok kahapon because of what you were doing." mahinang tugon niya. Halata pa din sa boses ang pagtatampo.
Psh, arte.
"Sama ako."
Mabilis siyang bumaling sa akin. “What? What are you going to do there?”
"Magtatrabaho? Bakit ba?"
"Ano namang trabaho?"
"Secretary." hyper na sagot ko. But I didn’t approach him too much because I still didn’t like the smell of him.
"Baby, I already have a secretary."
Bigla naman akong nakakaramdam ng inis kaya pinaningkinitan ko siya ng mata. "So ayaw mo akong kasama?"
"Not like that. Maybe it's just because you're stressed out. All you have to do is stay at home. You can't get tired.”
"Are you hiding something from me?" sa wakas, naitanong ko na din sa kanya ang matagal ko nang gustong itanong.
He stared at me for a moment. He also stepped towards me but I backed away. My mood changed suddenly. Kaasar naman kasi.
"Baby, do you trust me?" tanong niya sa mahinahong boses.
"O-Of course." that's all I could answer even if something else wanted to come out of my mouth.
I remember what he was doing. Yes I don't know what really happened. But what else should I think about in such a situation?
Lalaki siya, at may kasamang babae. Silang dalawa. Pumasok sila sa consulting room at kung ano-ano pa ang mga pinagsasabi ng doctor tungkol sa babaeng buntis.
Anong iisipin ko dun?
Tumungo nalang ako at humakbang upang umalis sa harapan niya. Nag iba na ang mood ko.
"Tara na nga." medyo nagulat nalang ako dahil hinila niya ang kamay ko at magkasabay na kaming naglakad.
Unti-unti namang napawi ang inis ko at unti-unti ding sumilay ang ngiti sa labi ko. Hindi niya talaga ako matitiis. Dahil buntis ako. Iyon lang naman ang dahilan.
Agad kaming nakarating sa RZM company. Ang isa sa pinakamalaking company sa bansa na pag-aari ni Rafa. Ayun kay Terrence, maraming business na legal si Rafa. Pero dito palang ako sa RZM nakapunta.
"Dahan-dahan baby a." huminto pa siya upang alalayan ako pero umiling ako.
Ang kulit.
"Mauna kana kasi. Hindi nga ako didikit sayo dahil ayaw ko sa amoy mo."
"Pero-"
"Rafa!"
Aist," he scratched his forehead. "Follow me."
"Oo nga."
Nagsimula na ulit siyang humakbang pero panay lang ang lingon niya sa akin. Hanggang sa sa elevator panay pa din ang tingin niya.
"Usog ka dun." senenyasan ko siya na umusog sa kabilang side.
Sinunod naman niya ang gusto ko. Buti naman. Madaling kausap.
Tahimik kami sa elevator hanggang sa bumukas ito. Nauna siyang lumabas at sumunod pa din ako.
Nagtungo kami sa opisina niya. Binuksan niya ito at nanunang pumasok sa loob. Sumunod pa din ako at umupo sa sofa na kaharap ng desk niya.
I've only been here twice. When we got married and now.
Umupo siya sa swivel chair niya pero hindi niya inalis ang tingin sa alin. Kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ba't ganyan ka makatingin?" pagtataray ko sa kanya. Nakakakilabot.
Parang may binabalak na naman.
"Na miss na kita." pinalungkot pa niya ang boses niya. Tingin niya maapektuhan ako.
Asa siya.
"Okay." simpleng tugon ko at tumayo. "San ba ang table ng secretary mo?"
Bumuntong hininga siya at tinuro ang kabilang pinto. "Diyan."
"Pwedeng, dito nalang?" malambing kong sabi.
"Sige." walang anu-ano'y tumayo siya at tinungo ang pintuan kung saan ang kwarto ng secretary niya.
Wow, sosyal. May kwarto din ang secretary niya. Ano 'yon, pinasadya?
He came out carrying his secretary's desk and placed it near his desk. There are papers that are also over the desk.
Pagkatapos niyang ayusin ang desk ko ay lumapit siya sa akin. Good thing he already knew.
"Baby, do you really have to do this?" the worry was obvious in his voice.
Napairap ako. “Yes, until I give birth.”
"Ano ba kasing pumasok diyan sa utak mo. Juliana, hindi dahil buntis ka masusunod na ang gusto mo. You can't be stubborn. ”
"Whatever." nagtungo ako sa desk ko at umupo. Pag-upo ko ay siya namang pagtunog ng telephone na nasa ibabaw ng desk ko.
Agad ko itong dinampot ang sinagot. "RZN company, speaking."
"Nandiyan ba si Mr. Miranda?" Aba, babae? Sino na naman ito?
"Nandito, bakit? Sino ba 'to?" tumaas ang isang kilay ko.
"Pakisabi si Ms. Molina 'to. Sabihin mo din na kailangan namin mag meet ng lunch. Thank you." wow, binabaan ako ng telepono. Asar!
Ibinagsak ko ang telepono at tumingin ng diretso kay Rafa. "May meeting ka daw mamayang lunch."
"Who is it?" tanong niya sa akin. Tinungo niya ang desk niya at umupo.
"Ms. Molina." walang ganang sagot sabay buklat ng mga papeles na nasa ibabaw ng desk ko. Nagbago na naman ang mood.
Hindi ko narinig na nagsasalita siya kaya nilingon ko siya. Nakatungo siya at kita ko sa mukha niya na parang may problema siya.
Nawala kasi 'yung sigla niya kanina. Pagkatapos niyang marinig kung sino ang tumawag, bigla nalang nag-iba ang mood niya.