CHAPTER 8

2399 Words
CHAPTER 8 WARNING: I'm not good because I'm just a new aspiring writer. There are many errors in this story so if you are looking for stories that without any errors, you will not find them here. I mean, I'm not good so don't expect too much, because I'm still learning. This story contains angles that do not fit and your young age. SELOS? JULIANA'S POV Selos? “Juliana?” kita ko sa mga mata ni Terrence ang gulat habang pinagbuksan ako ng pinto. Gulat dahil nakikita akong mag-isang umuwi. “Saan si kuya? Saan ang asawa mo? Why is he sending you home alone?” “May kailangan daw siyang gawin.” walang ganang sagot ko. Nalulungkot lang ako, iniwan ba naman ako para sa sinasabi niyang importante, and what's worse, he's still with the woman he talked to earlier. “Why didn't he take you with him?” “Hindi ko alam.” pumasok ako sa loob at agad hinubad ang suot kong heels. Medyo dim ang buong bahay dahil ang ilaw lang na nagmula sa kitchen ang nakabukas. “Juliana, listen. Now that you and my brother are married, you are part of his world. Hindi naman siguro lingid sa kaalaman mo kung ano siya, hindi ba?” Matamlay akong tumingin sa kanya. “Alam ko.” “Alam mo. Alam mo din ba na mapapahamak ka?” umiling lang ako sa tanong niya at tinungo ang mini bar ni Rafa dito sa bahay niya. Hindi ako umiinom pero sa gabing ‘to, susubukan ko. Hindi naman siguro nakamamatay kapag umiinom kahit kaunti lang. “Juliana.” sumunod siya sa akin. Nginitian ko lang siya. Kumuha ako ng isang bote ng Grenache. Branded ang mga alak niya dito. I don't know anything about wines, but I'm not a fool to not know what is branded or not. Kumuha ako ng dalawang baso sa divider pagkatapos umupo sa upuan sa may counter dito sa loob ng mini bar at binuksan ang alak. “Ililigtas mo naman ako, diba?” tanong ko sa kanya habang nilagyan ng alak ang dalawang baso. Binigay ko sa kanya ang isang baso at nakikita ko sa mukha niya ang gulat, dahil siguro sa tanong ko. “J-Juliana.” “You will save me because I am your brother's wife and I am your family now.” ngumiti ako pagkatapos kong sabihin ‘yon sabay tungga ng alak. Napapikit ako ng maramdaman kong dumaloy ang alcohol sa lalamunan ko. Ang sarap naman pala nito. Lalo na't may dinaramdam ka. Pagmulat ko nang mata ay nakita kong tinungga din ni Terrence ang isang basong alak. “S-Syempre naman.” sabi niya pagkatapos niyang ibaba ang baso. Napailing nalang ako nang makita ko na parang naiilang siya. Ang gwapo niya ngayon. Bagong ligo at smooth cloth ang suot niya na pang-ibaba. Simpleng kulay itim lang ang suot niya pang-itaas pero ang gwapo niya pa din. “Kamusta pag-aaral mo?” pag-iiba ko sa usapan. Nakikita ko kasing naiilang siya, sa akin. He glanced at me before looking back at the glass he was holding. “Okay naman.” Tumango ako at nagsalin uli ng alak at walang anu-ano'y tinungga ito. Muli ko namang nilasap ang alcohol ma dumaloy sa lalamunan ko. Masarap din pala ang wine. “Ikaw? Bakit ka pumayag na magpakasal kay kuya?” saglit akong natigilan sa tanong niya. Bakit nga ba? “Let say, I have no choice?” patanong na sagot ko. Hindi naman kasi ako sigurado kung ano ba talaga ang dahilan. “You have no choice? But you are not sure. Juliana kasal ‘yon. You tied yourself to someone you don't know very well.” Ngumiti ako ng mapait. “Alin ba sa mundong ito ang pwede kong tanggihan?” “Ano?” “Terrence, nabuhay ako sa mundong ito na hindi alam ang ibig sabihin ng sariling desisyon. Ito na ako e. Alipin.” hindi ko maiwasang matawa sa naging kapalaran ko. Ang lupit. “But Juliana you have the right to refuse!” Nginitian ko siya. “Terrence, tapos na. Parte na ako ng pamilya niyo. Ate mo na ako. Suportahan mo nalang si ate.” “Pero-” “Please. Cheers nalang tayo.” itinaas ko ang basong hawak ko at ganun din siya at sabay naming ipinag-untog ito na parang ulo lang. Hindi ko alam kung nakailang baso na ako, basta ang alam ko tipsy na ako. Dahil hindi naman ako sanay uminom, kaya mabilis akong natamaan ng alak. “So, tell me about your yourself.” pagbubukas ko ulit ng panibagong paksa. Ewan ko, pero naging madaldal ako ngayon. Umayos siya ng upo at muling tumingin sa baso niya. “My name is Terrencio Miranda. 16 years old, Grade 11 and my strand is STEM. I love to create a song. I love to play guitar. Favorite food ko ay Zucchini Slice and pumpkin soap. Ang gusto ko sa babae ay ‘yung simple, mabait, hindi masyadong maganda, at matatag. I have a girlfriend before but I'm single for now.” Ilang sandali akong hindi nagpakita ng kahit anong emosyon sa mukha. I want to laugh but I just hold back. I want to confuse him. “What?” he asked when he didn't hear a single word from me after he introduced himself to me. “Nasa paaralan ba tayo?” sabi ko at sinabayan ng malutong na halakhak. Biglang kumunot ang noo niya. “Juliana!” “Ang cute mo.” I pinched his right cheek. “Why are you laughing at me?” tanong niya ngunit hindi naman siya mukhang galit. Nalilito lang talaga siya sa inasta ko. Great. “Dahil ang cute mo. Para kang bata na pinag-introduce ng teacher sa harapan ng buong klase.” Muling nagsalubong ang mga kilay niya. “Bata?” “Yes, why?” “I'm not bata.” matigas na aniya. Patay! Naiinis na ang bata. “You are.” pang-iinis ko pa lalo sa kanya. “I'm binata not bata. And I will prove it to you.” “You are bata and you can't deny that. Si Terrence Miranda ay bata pa.” “Really? Kaya mo bang panindigan ang sinasabi mo? Dahil ako, kaya kong panindigan ang sinasabi ko that I am not bata.” Muli akong natawa sa mga words niya. This is how the real Terrence is when he gets annoyed. His expression was funny. Tumaas ang isang kilay ko. “Wala kang dapat i-prove because you are still bata, Terrencio.” “Hinahamon mo ba ako Juliana?” naging plain na uli ang expression ng mukha niya kaya dahan-dahan akong natigilan. Shit! Ginalit ko ba siya? Ganyan ba siya magalit? O may mas igagalit pa diyan? “Why can't you speak? Are you challenging me? You want me to prove that I am not bata? Tell me, because I will not hesitate to do that.” “A-Ah, I was just kidding.” kumurap ako at agad iniwas ang tingin sa kanya. Muli akong nagsalin ng alak sa baso at agad tinungga ito. Hayop! Ba't ko ba naisip na asarin siya? Narinig kong tumawa siya ng mahina. “Takot ka pala e. You don't even know what I'm going to do.” Biglang nahamon ang kalooban ko dahil sa sinasabi niya kaya taas noo ko siyang tiningnan. “Ako? Takot? Kanino?” “Hindi kanino. Kundi sa gagawin ko.” he smirked. “Ano bang kayang gawin ng isang bata, Terrencio?” muling sumilay sa labi ko ang mapang-asar kong ngiti. Hinahamon ako ng batang ‘to a. “In a normal child, maybe nothing. But like me you called bata. Many, Juliana. This kid knows how to make a child.” sabi niya sabay kindat. Nanlaki ang mga mata ko sa sinasabi niya at hindi ko din mabilang kung ilang beses akong napakurap. Busit! Mana pala sa kuya ang bata'ng 'to e. “M-Manahimik ka nga Terrence.” muli akong tumingin sa harapan upang maiwasan ang mga titig niya. Masyadong nakakailang. “Ang lakas mong mang-asar pero kapag inaasar napipikon ka na agad. Matapang ka na niyan?” sabi niya at sinundan ng tawa. “Hindi kasi nakakatuwa ‘yang pang-aasar mo!” “May pang-aasar ba na nakakatuwa? Ibang klase.” Nakita sa peripheral view ko na umiling siya at inagaw ang bote ng alak na hawak ko. Hayop mang-asar. Napakamarunong. “So what's your plan?” pag-iiba niya sa usapan. Nilingon ko siya. “Saan?” “Do your parents already know you're married?" Umiling ako sabay buntong hininga. “Wala akong mga magulang.” “Ano?” “Wala akong mga magulang.” pag-uulit ko. “Pwede ba ‘yon?” naguguluhang aniya. Ilang sigundo ko siyang tinitigan. “Pwede, at nangyari sa akin ‘yon.” “Kaya ba pumapayag ka na magpakasal kay kuya?” nakakaramdam ako ng guilt sa tanong niya. Hindi naman ‘yon ang totoong dahilan kung bakit ako pumayag. “Siguro.” pagsisinungaling ko. Hindi na dapat nila malaman kung anong dahilan. Na-guilty ako dahil ginamit ko ang pamilya nila upang matupad ang matagal ko nang gusto. Ang magkaroon ng sariling pamilya. Na simula bata palang ako hindi ko nararanasan at nararadaman. “Hey, are you crying?” “Huh? Ah.” agad kong ibinaling sa ibang direction ang paningin ko at kinapa ang mata ko. Oo nga, may luha nga. “Juliana, are you okay?” Umiling ako at tumango. Hindi ko malaman kung anong pwedeng i-react ko. Masyado akong nawala sa sarili. “S-Sige na, pupunta na ako sa kwarto ko. Kailangan ko nang magpahinga.” sinubukan kong tumayo pero gumigiwang ako. Muntikan pa akong malaglag sa upuan. “O, dahan-dahan.” agad niya akong inaalalayan. Binawi ko ang aking braso na hawak niya. “Okay lang ako. Huwag mo akong alalahanin.” “Ihahatid kita sa room mo.” tatanggi pa sana ako sa alok niya pero nahihilo na talaga ako. Hinahayaan ko nalang siyang alalayan ako hanggang sa makalabas kami ng pintuan dito sa mini bar. “Juliana?” huminto ako sa paghakbang at humarap sa lalaking kararating lang na tumawag sa akin. Si Rafa. “Kuya. Saan ka galing?” tanong ni Terrence sa kanya ngunit hindi ako binitawan. “May inaasikaso lang.” humakbang siya upang lapitan kami. "I'll take her to the room.” Dahan-dahang lumayo sa akin si Terrence habang pilit siniksik ni Rafa ang sarili niya sa pagitan namin ni Terrence. Galing. “Let's go.” dahan-dahan niya akong hinila at sinabayan na maglakad. Magtataka pa sana ako dahil sa room niya kami patungo pero naalala kong kasal na pala kami. Mag-asawa. Sa hindi alam na paraan. Tibay. Ibang klase ka, Rafael. “Why are you getting drunk?” agaran niyang tanong sa akin pagpasok namin sa room. Dahan-dahan niya akong pinahiga sa kama. “Bakit ka nagpapaiwan?” balik na tanong ko sa kanya. Kahit umiikot sa paningin ko ang paligid ko ay sinubukan ko pa ding tingnan siya sa mata. “Something important is just being taken care of. You, what went into your brain and you got drunk?” ramdam ko sa boses niya ang inis. Hmp, plastik. “May importante'ng dahilan lang din.” sagot ko at bumaling sa kabilang side. “Importante tapos naglalasing? Juliana, that’s not a woman’s job!” napairap nalang ako dahil sa sinasabi niya. Napakaplastik mo, Rafa. Sagad sa buto ang kaplastikan mo. Hindi ko nalang siya sinagot. Gustohin ko man pero bumibigat na ang mga talukap ko. Nakakaantok pala kapag lasing. Ang gaan din sa katawan kaya palagi nalang akong nagpabiling-biling dito sa kama kahit gusto ko nang matulog. First time kong uminom kaya siguro ganito ang pakiramdam. “Huwag ka nga malikot!” ayt, may tao pa pala akong kasama. Akala ko ba umalis na ang mokong. Naramdaman kong hinila niya ang paa ko upang makalapit ako sa kanya. Hindi ko na inalam o tiningnan man lang ang ginagawa niya dahil hindi ko na kayang ibuka ang mga mata ko. “Rafa.” I said softly. I was very sleepy but I wanted to talk to him. Bahala na. “Rafa.” “Hmp?” malambing na sagot niya. Ayan, lasing na lasing na talaga ako. Pati ang pandinig ko dinaya ako. Hindi naman ganun ka lambing ang boses niya. Di bale na nga lang. Wala akong pakialam kung gaano pa kalambing ang boses niya. Aawayin ko pa din siya. “W-Who was with you earlier?” lakas loob na tanong ko. Bakit ba? Asawa ako e. “It's just nothing.” Napairap nalang ako sa isipan dahil hindi ko na kayang gawin sa bigat ng mga talukap ko. “Bakit mukha kang pagod? Anong ginagawa niyo?” nagtunog selos ba ako? Hindi naman siguro. Wala kang karapatan Juliana. “Some important matter, baby.” wow baby. Sarap sapakin! Tibay talagang kaplastikan ng talipandas na ‘to. “Why don't you tell me? I'm your wife, aren't I?” patuloy kong tanong kahit nakapikit at hinahayaan siyang gawin ang ginagawa niya sa katawan ko. Parang binihisan niya ako. Oo lasing ako, pero hindi ako nawala sa katinuan kaya alam ko kung anong ginagawa niya sa katawan ko. “We will talk about that tomorrow. You're drunk. You have to sleep.” naramdaman kong umuga ang kama at kasunod nun ang pagbuhat niya sa akin upang ihiga ng maayos. Isang sampung kaplastikan. “Bakit kailangan pang ipapabukas kung pwede naman ngayon?” sabi ko. “Because you're drunk.” “I was drunk but I never forgot. Rafa, why don't you tell me you have another woman? It's okay with me because I'm just your wife on paper.” mahinang saad ko dulot ng kalasingan. Ganito pala ako kapag nalasing. Naging madaldal. “Juliana, I don’t have another woman. I am faithful to you, I am faithful to my wife. So please, take a rest.” sabi niya at naramdaman kong dumampi ang labi niya sa noo ko. Sinungaling. “Have you eaten?” tanong niya sa akin. Kanina pa kami dito ngayon lang niya ako tinanong. Ibang klase. Tumango ako. “Wala akong gana.” Naramdaman kong umuga uli ang kama, hanggang sa naramdaman kong binuhat niya ako. Kung saan man niya ako dalhin ‘yon ay hindi ko alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD