36

1121 Words

"Nanay, may star po ako," buong pagmamalaki na ipinakita ng pitong taong gulang na si Calli ang star na nakatatak sa pulso niya. Kauuwi lang ni Calli galing eskwelahan at dumiretso kaagad ng uwi sa bahay. Tiningnan naman ni Cory ang kamay ni Calli. "Wow! Ang galing naman ng anak ko," saka niyakap niya si Calli. Iniharap ni Cory ang anak sa kanya. "Anong gusto mong premyo, anak?" magiliw na tanong ni Cory. Nag isip naman si Calli. "Gusto ko pong kumain sa bayan, Nanay," masayang sagot ni Calli. "Okay. Iyon lang ba?" "Opo." "Sige, pupunta tayo sa bayan mamaya," sabi ni Cory. Tuwang tuwa naman na tumalon talon pa si Calli. "Nanay, sama ko," sabi naman ni Elias. Ang bunsong anak ni Cory. Yumuko si Cory para makalapit ang mukha niya sa bunsong si Elias. "Siyempre kasama si Elias

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD