ISANG linggo na ang lumipas, gabi gabi na lasing si Ely. Hindi niya matanggap na tuluyan ng lumayo ang kanyang mag ina sa kanya. Ayaw pa niyang bumalik ng Maynila. Hinihintayin niya ang kanyang mag ina. Nagbabakasakali siyang uuwi silang muli sa bahay nito. Nag aalala na din si Bryan sa amo. Kahit anong pigil niya ay ayaw nitong magpaawat sa pag inom at pagwawala. Kaya nagpasya na siyang tawagan si Mr. Allen Andrew. Hindi niya kaya ang amo. Lalo lang itong nagwawala kapag inaawat niya ito. Mabilis na tumakbo papuntang pintuan si Bryan. Nakatanggap siya ng mensahe na papunta na raw sina Mr. and Mrs. Andrew. "Where is Ely?" bungad na tanong ni Lester kay Bryan pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan. Napasugod kaagad sila papuntang Samar dahil sa itinawag ni Bryan ang nangyayari sa

