"TAMA sila, hija pagkakataon mo na rin ito to relax with Zandy," ani Tita Mandy. Wala na nga ata akong magagawa kung 'di ang pumayag sa gusto nila. Ano pa nga bang gagawin ko kung 'di tumango at pumayag sa gusto nila. "And you, Zandy ano'ng balak mong gawin sa buhay? Ipilit 'yang pagtatayo mo ng restaurant? After your vacation with Miles, kailangan mo nang bumalik sa kompanya," maawtoridad na ani Tito andrew. Nagulat ako at sumeryoso sa sinabi ni Tito Andrew, ganoon din silang nandoon. Nakita ko ang pagngisi ni Zandy at bumakas ang ang seryoso niyang mukha. "We talked about it, 'Pa at hindi pa tapos ang limang buwan ko para bumalik sa kompanya. I have one month left, hindi mo na po ba kayang hintayin iyon?" pangangatuwiran ni Zandy. "I gave you five months, Zandy pero until now wala p

