KINAUMAGAHAN, nagulat na lang kami ni Zandy nang magkasunod na dumating sa bahay ang mga magulang naming dalawa. Naunang dumating si Tito Andrew at Tita Mandy at ilang minuto pa, dumating naman si Mama at Papa. "How are you, hija?" magiliw na tanong ni Tita Mandy sa akin habang magkatabi kami ni Zandy sa mahabang sofa. Nasa isahang sofa naman si Mama at Papa at sa isang dalawang sofa ang mag-asawang Tita Mandy at Tito Andrew na kapwa katapat namin. Ngumiti ako. "I'm fine, Ti—'Ma," nahihiya kong sagot dahil muntik ko na naman siyang tawging Tita. Hindi ko rin alam kung ano'ng pang sasabihin ko. Bigla akong na-tense at kinabahan. Nakangiti lang si Tita Mandy at Mama, samantalang seryoso lang ang dalawang lalaki sa mga tabi nila. "I'm glad to hear that, hija. I'm sorry, ngayon lang ulit k

