HINDI KO alam pero bigla ko na namang naramdaman ang guilt sa akin dahil sa sinabi ko kay Zandy no'ng nakaraang araw. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang konsensiya at ang tila pagkadismaya sa mukha niya nang araw na iyon. Naramdaman ko rin na para bang iniiwasan niya ako. Ni hindi niya ako tinitingnan o kinakausap man lang. Pakiramdam ko rin, ako na ngayon ang may kasalanan sa kaniya na dapat kong ihingi ng sorry kahit pilit kong iniisip na siya ang may kasalanan sa akin. Gumugulo rin sa isip ko si Beverly. Gusto kong tanungin si Zandy tungkol rito pero pakiramdam ko, wala ako sa lugar para magtanong. Mula sa pinto ng silid ko, nakita ko si Zandy sa terrace habang nakaharap sa laptop niya habang nagkakape. Ilang araw na siyang abala sa kung anuman ang ginagawa niya. Napanguso ako. May bu

