City Jail "Ano'ng ginagawa mo rito? Matapos mo akong ipaaresto ay may gana ka pang dalawin ako rito?" Hindi naitago ni Mitchell ang inis sa ama. Ilang araw na rin siyang nasa City Jail simula noong inareato siya. Kaya nga hindi niya napigilan ang sariling huwag itong sagutin ng ganoon. "Sa pag-aakala mo ba ay kagustuhan kong ipakulong ka? Maari bang mag-isip ka muna bago ka pumutak nang pumutak!" mahina pero mariing saad ng Ginoo. "Ikaw, ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nandito ngayon! Huwag mo ng ipagkaila. Kaya't kung ako sa iyo ay umalis ka na!" malakas pa ring tugon ng dalaga. Dahil dito ay napatingin sa kanila ang ilang kapwa preso at visitors. Kaya naman ay pasimpleng hinablot ni Ginoong Williams ang anak. "Hindi ka ba talaga titigil, Mitchell? Maari bang gamitin mo naman

