"Sleeping beauty na talaga ang ampon mo Valdez baka naman maaring gisingin na natin siya?" "Mas mabuti na iyon bossing kaysa naman lagi kang lumalagalag. Okay nga iyon dahil may dahilan kang magtambay dito ng mas matagal para sa processing ng mga honey so sweet." "Hmmm I guess dito na muna tayo Valdez para makalanghap naman tayo ng sariwang hangin kaysa sa kabahayan na puro usok---pero ano ba naman ang ampon mo Valdez wala na bang kapaguran iyan sa pagtulog?" Yamot na sabi ng binata na panay ang tingin sa kinaroroonan ng dalaga na simula dumating siya ilang oras na ang nakakaraan ay mahimbing pa rin ang tulog. "Bossing naman, kaysa mayamot ka riyan na parang mga wild wolf na naghihintay ng makakain. Lapitan mo na lang kaya at ikaw na ang gigising sa kanya." Nakatawa pa ring sagot n

