"Aalis na ba kayo mommy, daddy? Aba'y nandito pa naman ako ah." "Kailan ka pa naging artista, anak? Aba'y hindi ka naman namin aabandunahin ah. We're just going to Baguio to gather some information about your sister." "Tama ang daddy mo anak aba'y himalang nandito ka sa bahay. Nag-away ba kayo ng best friend mo?" Tuloy, napakamot sa ulo ang binata. Ang pagpapasaway niya early in the morning became back fired. Imbes na siya ang mang-aasar hindi na dahil siya na ang inaasar ng mga magulang. "Mag-ingat kayo sa daan mommy, daddy. Aba'y nararamdaman kong buhay ang kapre and I'm sure of that dahil kailan man ay hindi ako pumalpak sa instinct ko." "Yes, son. That's what we feel too and in God's will may malalaman na tayong balita tungkol sa kaniya." Nang nawala na sa paningin niya ang mga

