Pinag masdan ko ang hubad kong katawan sa salamin. Saka mabilis na dumaloy ang alaala ng aking nakaraan.
Nangingitim ang gilid ng labi at kaliwang dibdip ko dulot ng sampal at pang gigigil ni ninong. Subrang sakit din ng bahaging iyon sa pagitan ng dalawang h!ta ko, pakiramdam ko ay napaka dumi ko.
Dahan dahan akong umopo at isinandig ang likod ko sa dingding at niyakap ang tuhod ko, saka ako umiyak ng umiyak.
"Mama ko, kunin nyo na po ako dito," huhuhu patuloy ako sa pag iyak habang yakap yakap ang tuhod ko.
Sampong taon, na ang nakakalipas mula nang maka laya ako kay ninong at sa iba pang taong umaboso sa akin pero araw araw padin akong binabalikan ng masakit na alala ng aking nakaraan.
"Kaya hindi ako papayag na hindi maka ganti! Sisiguraduhin kong mag babayad silang lahat!" Nanglilisik ang mga mata kong naka tingin sa salamin.
Maaga kaming nagising kinabukasan para mag handa sa gaganaping medical mission.
May limitadong access sa basic health care services ang barangay na ito kaya ito ang napili ng aming organisasyon para mag bigay ng libring serbisyo sa mga kalalakihang nais magpatuli. Pag dating namin ay madami nang tao sa covered court, may mga pasyenting dumayo galing kabilang barangay, matyaga silang nakapila kasama ang kanilang mga magulang na nag aalala para sa kanilang mga anak.
Sa kabila ng limitadong kagamitan at oras, nag tulong tulong ang aming grupo at mga opisyal ng barangay upang mapatupad ang kaayosan ng operasyon gayon din ang kaligtasan at kagalingan ng bawat pasyente.
Natapos ang araw ay madaming nabigyan ng serbisyong libring tuli. Bago umowi ay binibigyan namin ng gamot ang bawat pasyenting na tuli at pinangaralan ng tamang paglinis ng sugat. Ang mga pasyenting nasa pila na hindi naabot ay binigyan naming ng numero upang ma prioritize bukas.
"Haayyyy, nakakapagod ang araw na ito doc. No? pero masaya, dahil madami tayong natulongan" wika ni Doc. Sarah na naka ngiti.
Inanyayahan kami ni Kagawad Ariel na doon na mag hapunan sa kanila, nag handa daw siya ng sinigang na native na manok para sa haponan na agad naman naming pina unlakan.
Kung may mabuti mang nangyari sa akin sa pag tira ko kay Ninong Harry ay yon ay nakapag aral ako, at nagkaroon ng maginhawang pamumuhay.
Katulad ni Tiyo Raynan ay naging mabuti din sa umpisa si Ninong Harry sa akin subalit di nag tagal ay ginawan din ako ng masama.
"Wag kang mag alala, hindi ako masamang tao, katulad ng sabi ng nanay mo, tawagin mo akong Ninong Harry nais lamang ng nanay mo na mapabuti ka, kaya iniwan ka nya sa akin, nangako ako sa kanya na papag aralin kita.
Sabi ng nanay mo eh, pangarap mo daw maging nurse?" Tanong ni Ninong Harry sa akin.
"O-opo"
Naka yukong sakot ko, "sige, may alam akong magandang skwelahan na midyo malapit dito, sasamahan kita bukas upang maka habol ka sa first semester."
"Ta- talaga po? Papag aralin nyo po ako?" Namimilog ang mga matang tanong ko, "oo, basta maging mabait ka lang at maging masunorin sa akin ay magiging mabait ako sayo at ibibigay ko lahat ng gusto mo." wika ni Ninong Harry na naka ngiti.
"Bweno! May pagkain sa lamesa, sinadya kong huwag ipa lagay kay Paning sa ref ang pagkain inihanda niya dahil alam kong hindi ka pa kumakain. Pagkatapos mong kumain ay iligpit mo nalang ang iyong pinag kainan at maaari ka nang mag pahinga."
"Oo nga pala, hindi na babalik dito si Paning para mag linis at mag luto kinoha na sya ng kanyang anak kaya ikaw na lamang ang inaasahan kong gumawa ng gawaing bahay,"
"opo," nakangiti nang sagot ko.
Bagaman natatakot at may pag aalinlanagan padin sa puso ko ay pinili ko na lang mag tiwala, dahil wala din naman akong pag pipilian, saka mukhang mabait namn si Ninog Harry dahil papag arali ako. Marahil ito ang naging paraan ni mama upang mapabuti ako.
Tinupad ni Ninong Harry ang pangako niya sa akin, sinamahan niya ako sa skwelahan upang makapag enroll.
Nang mag simula ang klase ay hatid sundo ako ni ninong sa skwelahan.
Hindi daw safe na mag commute ako dahil hindi ko pa daw kabisado ang lugar at marami daw masasamang tao sa paligid at pinoprotektahan lamang niya ako na labis kong pinag papasalamat sa kanya.
Hanggang isang gabi ay pumasok siya sa kwarto ko, at pilinit akong nakipag talik sa kanya.
Nang gabi ding iyon ay narialize ko na prinotiktahan lang ako ni Ninong Harry upang siguraduhing walang lalaking makakalapit sa akin dahil noon pa man ay may balak na siyang masama sa akin.
Napa hinga ako ng malalim sa alaalang iyon.
"Pasok po kayo! Pag pasensyahan nyo na po itong bahay namin" nahihiyang wika ni Kagawad Ariel, _nako! wala pong kaso yan kagawad! Ang totoo po nyan kagawad eh, excited po kaming matikman ang sinigang na native na manok!" wika ni Nurse Nora na sinang ayonan naman naming lahat.
Matapos mag haponan ay agad kaming nagpaalam na babalik na sa bahay na tinotoloyan namin na hindi din kalayoan sa bahay ni kagawad.
Marami na ang nag bago sa lugar na ito, madami na ang mga bahay na naka tayo hindi tulad noon na tanging ang bahay lamang ni Ninong Harry ang naka tayo doon.
"kung ganito sana noon na madami kaming kapit bahay ay siguro naka hingi ako ng tulong at hindi naituloy ni Ninong Harry ang pang aaboso sa akin." Malongkot na naisip ko.
Kwento ni Kapitan Marlyn ay ang panganay niyang kapatid na si Aling Paning ang nag mamay ari ng bahay na tinutoloyan namin, ipinamana daw ito sa kanya ng kanyang dating amo na kung tawagin ay Ninong Harry, nabalitaan nya na lang daw na namatay ito sa pamamagitan ng kanyang abogado noong pinatawag siya upang ipaalam na iniwan ang bahay at lupang ito sa kanya, samantala ang ibang ari arian ni Ninong ay ipinamana daw niya sa kanyang nag iisang pamangkin.
"Sana all!" Wika ni Nurse Nora, "siguro po eh, ang bait bait po ng Ninong Harry na yon?" Usisa ni Doc. Bea,
"hindi ko sya personal na nakita pero ang kwento sa akin ni Ate eh, malupit at gahaman daw si Ninong Harry, ang totoo nga nyan eh, nong namatay si Ninong Harry saka lang may nakapag patayo ng bahay sa lugar na ito dahil inangkin lahat ito ni Ninong Harry, midyo malayo din ang kubo na tinitirhan ni ate katunayan nyan eh, sumasakay pa siya ng tricycle para maka punta dito.
Pero ang kagandahan naman, pumopunta lang dito si ate dalawang beses sa isang linggo para mag linis, ang sabi sakin ni ate, sa tuwing may dadalhin daw na babae si Ninong sa bahay na ito ay hindi siya pinapa punta, binabayaran naman din daw ang buwanang sahod niya kahit hindi siya nag ta trabaho basta kapag ipinatawag siya, ay dapat na pumonta siya."
"Oh! Masama naman pala ang ugali ng Ninong Harry na yon! Saka babaero pa! Dapat lang siyang mamatay." Singit naman ni Nurse Myla. "Affected?!" Bulalas ni Nurse Jen na nagulat sa reakyon ni Nurse Myla.
"Eh, nasan na po si Aling Paning?" Hindi naka tiis na tanon ko,"
"patay na po sya Doc. Noong naka raang taon, inataki sa puso, pero bago sya namatay, ay inilipat nya sa akin ang titolo ng bahay na ito, eh, may bahay naman ako, kaya napag pasyahan ko nalang na gawing bahay bakasyonan nalang ang bahay na ito."
"Eh, nasan na po ang anak ni Aling Paning?" Usisa ko,
"pano mo po nalaman na may anak si ate?" Nag tatakang tanong ni Kapitan Marlyn sa akin.
"Ah, eh, diba sabi nyo po, nakaka tandang kapatid nyo si Aling Paning? Idi ibig sabihin eh, may anak at asawa na po siya,"
pag papalusot ko,
"ah, oo, may isang anak na babae si ate, pero wala siyang asawa, iniwan siya ng kanyang asawa noong ipinanganak ni ate si Ana, kaya tinaguyod na ni ateng mag isa ang anak. kaya lang eh, may malubhang sakit si Ana, may leukemia siya. Nang namatay si Ana, naging malongkutin na si ate, parang nawalan na sya ng ganang mabuhay kaya ayon, hindi rin nag tagal eh, namatay na din si ate."
Malongkot na kwento ni Kapitan. "Sinubukan ko ding kumbinsihin si ate na tumira nalang sa amin at ipag bili nalang niya itong bahay para sana gamitin niya sa kanyang pag papagamot pero hindi siya pumayag.
Ang sabi ni ate, malaki daw ang utang na loob niya sa huling babaeng dinala dito ni Ninong Harry, palagi daw siya nitong sinusulatan at binibigyan ng pera na dinadagdag niya sa mga gamutan ng kanyang anak. Sabi ni ate, naging kaibigan nya daw ang babaeng yon, bagamat hindi daw siya nagkaroon ng pagkakataon na makita ang babaeng iyon eh, ramdam na ramdam daw niya ang kalongkutan sa bawat sulat ng babae, ni minsan daw eh, hindi lumabas ang babae sa kwarto nya, kaya hindi nya ito nakita. Pinapa lusot lamang niya ang mga sulat na may lamang pera sa maliit na awang sa baba ng kanyang pinto. Ganon din daw ang ginagawa niya, sumusulat din siya sa babae at pinapasok nya din iyon sa maliit na butas ng pinto niya sa baba.
Alam mo ba doc., Kaya hindi pumayag si ate na tumira sa bahay namin at ipag bili ang bahay na ito, dahil umaasa siyang isang araw eh, pupunta dito ang babaeng iyon, at pag dumating daw ang araw na iyon eh, yayakapin niya ng mahigpit ang babaeng iyon at personal siyang magpapasalamat. Gusto nya daw sanang sabihin sa babaeng yon na, napaka buti nyang tao, at sana daw maging maligaya siya pag dating ng panahon. Kaya lang eh, hindi na dumating ang araw na iyon dahil namatay na si ate na hindi man lang sila nagkikita."
Sige po, kapitan, bukas nalang po natin ituloy ang kwentuhan natin midyo late na din po, saka maaga pa tayo bukas," agad na paalam ko, habang pinipigil ang sarili kong huwag umiyak. Hindi ko na din hinintay ang kanilang sagot dali dali na akong nag lakad pa punta sa kwarto dahil hindi ko na kayang pigilan ang pag patak ng aking mga luha.