Boong araw akong nag momokmok sa kwarto at umiiyak. Masakit padin ang boong katawan ko dulot ng pang bobogbog ni Ninong Harry,
"mama ko, kunin nyo na po ako dito, ayoko na po dito mama."Huhuhu iyak ko na tinatawag si mama. Namamaga na ang mga mata ko dahil sa walang tigil na pag iyak.
Maya maya ay biglang bumokas ang pinto at pumasok si Ninong, "wag po, maawa ka sakin."
Takot na takot ako habang pilit isinisiksik ang katawan ko sa headboard ng kama.
"Ito ang una at huling pagkakataon na hahatidan kita ng pagkain."
Wika ni Ninong Harry, saka inilapag ang supot ng pagkain sa maliit na mesa na katabi ng higaan ko,
"pag balik ko ay dapat naubos mona ang pagkaing dala ko, kung hindi…" lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Wag po,"
umiiling iling na wika ko, "kumain ka na!" wika ni Ninong Harry saka nag lakad palayo,
"sya nga pala, subra akong nag enjoy kagabi subra akong nasarapan sa ginawa natin."
Saka nakakalokong ngumiti at tuloyan nang lumabas ng kwarto.
Kinikilabotan na lalo kong binalot ang sarili sa kumot na hawak ko.
Maya maya ay kinuha ko ang pagkaing dala ni Ninong Harry, dalawang stiro iyon na may tatak ng sikat na mamahaling restaurant na madalas naming kainan noon sa tuwing susundoin niya ako.
Wala akong ganang kumain, pero kaylangan kong ubosin ang pagkain na nasa stiro dahil kung hindi ay baka magalit si Ninong Harry at gawan na naman ako ng masama. Nang matapos ay maayos kong ibinalik sa plastic bag ang stirong pinag lagyan ng pagkain saka ininom ang bottled water na kasama sa plastic na dala ni ninong, hindi naman nag tagal ay bumalik si ninong sa kwarto ko upang alamin kung kinain ko ang pag kaing dinala niya.
"Good girl! Sya nga pala, pinabalik ko dito si Paning, dalawang beses sa isang lingo syang pupunta dito para mag linis ng bahay at mag luto ng pagkain natin, kung wala naman si Paning para mag luto, ay, don’t worry, mag o order na lang ako o di kaya naman ay kakain na lang tayo sa labas para hindi ka na mapagod. Kita mo na, kung gaano ako kabait? Basta maging masunorin ka lang sa akin ay mag bubuhay princesa ka sa bahay ko, wala kang ibang iisipin kundi mag aral ng mabuti at paligayahin ako."
Nakangising wika ni Ninong Harry saka lumabas dala ang supot ng pagkaing dinala niya kanina. Kinabukasan, naalala ko ang sinabi ni ninong kagabi na yon na ang una at huling dadalhan nya ako ng pagkain, kailang kong lumabas at kumain ng hindi magalit sa akin si Ninong.
"Good morning!" Mabuti naman at lumabas ka na ng kwarto mo para kumain," kaswal na pakikipag usap sa akin ni Ninong Harry.
"Oo nga pala, alas nwebe ang dating ni Paning, wag na wag kang mag ku kwento sa kanya ng mga nangyayari dito dahil bukod sa wala naman syang magagawa eh, pariho kayong malilintikan sa akin. Maliwanag?!"
" O- opo,"
takot na takot kung sagot,
"good!" Naka ngising wika ni Ninong Harry saka tumayo dala ang kanyang bag ay umalis ng bahay.
Kahit alam kung mamaya pang gabi ang balik ni Ninong ay natatakot padin akong tumakas dahil ayon kay ninong ay may mga tauhan siya na naka bantay sa di kalayuan.
Matapos kumain ay muli akong pumasok ng kwarto, maya maya ay may narinig akong kumakalampag sa sala na tila nag lilinis.
"Ma’am? Magandang araw po, ako po si Paning, ang kasambahay po dito, mag luluto na po ako ng tanghalian may gusto po ba kayong ipa luto na ulam sa akin?" Tinig iyon ni Aling Paning sa may pinto ng aking kwarto,
"ma’am?"
Muling tawag ni Aling Paning pero hindi padin ako sumagot, maya maya ay may narinig akong mga yabag papalayo marahil ay nagsawa na siyang kakatanong sakin.
"Ma’am, nag luto po ako ng kalderita sana po ay magustuhan nyo po, mag papaalam na po akong uuwi na ma’am," wika ng tinig sa kabilang pinto. Ilang minuto pa ang naka lipas bago muli akong naka rinig ng mga yabag papalayo.
Nang masiguro kong umalis na si Aling paning ay saka pa lamang ako lumabas ng kwarto para kumain.
Sa tuwing araw ng pag lilinis ni Aling Paning ay sinisiguro ko na nasa loob ako ng kwarto upang hindi niya ako makita.
Dahil natatakot akong makita sa mga mata niya ang pang didiri sa akin, katulad ng pang didiring nararamdaman ko sa tuwing makikita ko ang sarili ko sa salamin.
Matapos ang gabing pang aaboso ni ninong ay naulit pa iyon ng maraming bisis at tulad ng dati, ay wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak at mag makaawa na kahit kaylan ay hindi niya pinakingan.
Sa kabila ng dinaranas ko, ay pinili kong pumasok at ipag patuloy ang aking pag- aaral para sa amin ni mama. Dahil umaasa akong balang araw ay makakatakas ako kay Ninong Harry at makakapag simula kami ng bagong buhay.
"Ninong, sige na po, kaylangan kaylangan ko po ng pera, nasa ospital po ang anak ko, at kaylangan po nyang salinan ng dugo kahit ano po ay gagawin ko, pautangin nyo lang po ako ng pera para sa pag papagamot ng anak ko, maawa po kayo ninong."
Narinig kong pag mamakaawa ni Aling Paning habang umiiyak.
'Tumahimik ka Paning! Hindi mo pa nga nababayaran ng sebisyo mo ang dalawang buwang bali mo sa sweldo mo tapos ngayon uutang ka na naman?"
Sigaw ni Ninong Harry, "ninong, sige na po, maawa na po kayo, kaylangan nya pong masalinan ng dugo ng anak ko kaylangan ko po ng pera."
"kahit anong Pagmamakaawa mo, wala kang makukuha sakin. Leche!"
Nag momorang umalis si Ninong Harry.
Napakuyom ako, habang naka silip sa maliit na butas sa pinto ng kwarto ko.
"Magandang araw po ma’am, mag luluto na po ako ng tanghalian, may gusto po ba kayong ipa luto na ulam?"
Narinig kong tanong ni Aling Paning sa kabilang pinto.
Kahit papano ay na aapreciate ko ang pagiging thoughtful ni Aling Paning na kahit pa ni minsan ay wala siyang narinig na sagot mula sa akin ay palagi padin niya akong tinatanong kong ano ang gusto kong ulam.
Kahit masigla ang tinig ni Aling Paning ay halata sa kanyang tinig na galing siya sa pag iyak.
Pinalusot ko ang tinuping papel na may pera sa maliit na awang sa ibaba ng pinto ng aking kwarto bahagya ko ding kinatok ang ibabang bahagi ng pinto upang kunin ang atenyon niya, hindi naman ako nabigo ng naramdaman kong hinila ni Aling Paning ang papel na hawak ko.
‘’Gamitin nyo po ang maliit na halagang ito para sa pag papa gamot ng anak nyo’’.
Naka saad sa sulat na ginawa ko, kasama ang limang libong pisong papel. "Naku ma’am! Maraming salamat po! Malaking tulong po talaga ito para sa pag papa ospital ng anak ko, maraming Salamat po ma’am" wika ni Aling Paning na bagaman hindi ko nakikita ay alam kong umiiyak ito sa labis na tuwa at pagpapasalamat.
"Paano ko po babayaran sayo ito ma’am?"
Maya maya ay tanong ni Aling Paning,"
"hindi po yan utang, bigay ko po yan sa inyo, bilang pasasalamat sa masasarap na ulam na inihahanda nyo para sa akin," tugon ko, sa pamamagitan ng sulat. "Maraming, maraming salamat po ma’am," naiiyak na wika ni Aling Paning.
Wala naman akong pinag kakagastusan dahil hatid sundo naman ako ni ninong at binibili naman nito ang lahat ng pangangailangan ko kaya hindi ko na nababawasan ang 20,000 pesos na monthly alloance ko.
"Ma’am aalis na po ako, nag luto po ako ng adobong baboy sana po ay magustohan nyo, kumain po kayong mabuti ma’am at maraming salamat po ulit wika ni Aling Paning bago umalis."
katulad ng dati ay sinigurado ko monang naka alis na si Aling Paning bago ako lumabas para kumain.
Nang sumonod na mga araw ay naging busy na ako sa pag aaral, kahit papaano ay nalilibang ako sa klasi at nakakalimutan ko saglit ang mga pagdurosa ko, bagaman natatakot padin ako sa tuwing sasakay sa sasakyan kasama si Ninong Harry ay wala naman akong magagawa pinipilit ko na lang kalmahin ang sarili ko.
Araw ng Sabado, walang pasok katulad ng dati ay nag momokmok padin ako sa kwarto, lagi din wala sa bahay si Ninong Harry dahil abala sa kanyang mga negosyo na labis kong pinagpapasalamat.
"Ma’am, may dala po akong suman dito masarap po ito lalo at mainit pa, masarap po itong isama sa mainit na chocolate niloto ko po ito para sa inyo, sana po ay matikman nyo po ito habang mainit pa, iiwan ko po ito sa labas ng pinto ng kwarto nyo ma’am, sige po, mag wawalis na po muna ako sa labas ng bahay nyo."
Nang marinig ko ang mga yabag pa layo ay agad kong binoksan ang pinto upang kunin ang iniwang pagkain ni Aling Paning napangiti ako ng maamoy ang mabangong amoy ng chocolate agad ko itong kinuha at mabilis na pumasok sa kwarto.
"Maraming Salamat po sa tulong na ibinigay nyo, okay na po ang anak ko, maraming salamat po," sulat iyon ni Aling Paning kasabay ng 2,000 pesos na naka ipit sa sulat ani niya ay subra daw iyon sa pangbayad sa ospital kaya isinauli niya.
Napangiti ako at nagpasalamat na okay na ang anak ni Aling Paning at kahit papaano ay nakatulong ako.
Doon nag simula ang pagkakaibigan namin ni Aling Paning. Nalaman niyang paborito ko ang suman at chocolate kaya lagi niya akong dinadalhan nito, naikwento nya din na paborito din ng anak niya iyon at doon ko din nalaman ang sakit ng kanyang anak, kaya lagi kong nilalagyan ng pera ang mga sulat na inilulusot ko sa siwang ng pinto ng kwarto ko, na madalas ay ibinabalik ni Aling Paning hanggang sa binantaan ko siyang hindi ko na siya kakausapin sa pamamagitan ng sulat kapag binalik nya ang perang ibinibigay ko, kaya wala nang nagawa ang huli kundi magpasalamat.
Masaya ako kapay ibinabalita ni Aling Paning na bumobuti na ang kondisyon ng kanyang anak. Isa sa sulat na hinding hindi ko makakalimotan ay noong kinomusta ako ni Aling Paning, sana daw ay lagi akong okay at masaya dahil desserve ko daw ang maging masaya dahil mabuti daw akong tao. Iyak ako ng iyak dahil sa tagal ng panahon mula ng mamatay ang aking ama ay wala nang nag tatanong kung kumosta na ako? Pakiramdam ko ay walang may pakialam sa nararamdaman ko maging si mama, na matapos akong iwan dito sa bahay ni Ninong ay ni minsan ay hindi man lang naisip na dalawin ako at alamin ang kalagayan ko. Kaya ang sulat na iyon ang labis na nakapag paiyak sa akin, napaka laking tulong at masarap palang malaman na may roong may paki sa nararamdaman ko, may roon pa palang tao na naghahangad na sana ay okay ako. Totoong tinuring niya akong tunay na anak.
Laging sinasabi ni Aling Paning kung gaano sya nag papasalamat sa mga tulong ko, ang totoo ay ako ang labis labis na nagpapasalamat dahil si Aling Paning ang naging sandalan ko noong mga araw na logmok na logmok ako at pakiramdam ko ay hindi ko na kakayanin ang mga pasakit na naranasan ko.
"Kung nasaan ka man Aling Paning, maraming salamat sa kabutihan at sa pagmamahal na ipinaramdam mo sa akin sa pamamagitan ng iyong mga sulat at masasarap mong luto."