TAHIMIK ang loob ng condo pagkaalis ng lalaki. Tanging mahinang ugong ng aircon at paglalakad ni Zen ang maririnig habang paikot-ikot siya sa sala, hindi mapakali. Paulit-ulit niyang hinahaplos ang gilid ng kanyang sentido, ramdam ang bigat ng sitwasyon dahil sa kanyang kapabayaan. Sa bawat segundo na lumilipas, mas lalong kumakabog ang dibdib niya, hindi lang dahil sa kaba, kundi dahil sa galit na matagal na niyang pinipigil but this time, pati ang pusop niya ay kasama sa takot na kanyang nararamdaman. Huminto siya sa paglalakad at marahas na kinuha ang cellphone sa bulsa. Agad niyang tinawagan si Harry. “Harry, kailangan ko na umalis dito sa condo ni Angelo,” mariin niyang sabi, mahigpit ang pagkakahawak sa cellphone. “Kilala niya na kung sino ako. Alam niya na kapatid ko si Lyka at

