Tumayo si Zen sa harap ng pinto, mariing nakapikit. Ang bawat salitang binitiwan ni Angelo ay parang lason na pumapasok sa kanyang isip niya. Kailangan niyang lumabas. Kailangan niyang makawala. Hindi niya kayang matanggap na ang lalaking pumatay sa kapatid niya ay natutunan niya ng mahalin. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob, humugot ng malalim na hininga, at marahas na binuksan ang pinto. Sa labas ng pasilyo ng condo, malamig at tahimik. Walang katao-tao…Humakbang siya palabas, dala ang bag at ang baril na mahigpit pa rin ang hawak habang nasa loob ng kanyang jacket na sukat. Ngunit bago pa siya tuluyang makalayo, narinig niya ang mabigat at maingat na mga yabag mula sa loob. Sa isang iglap, nasa likuran na niya si Angelo, nakatayo sa bungad ng pintuan, at nakatingin sa kanya na

