ZEN looked at him. Hindi niya alam kung maniniwala ba siya o hindi. Hindi siya sigurado kung may dapat ba siyang ipag-alala o kung sinasadyang pinaparamdam lang sa kanya ni Angelo ang bigat ng isang madilim na nakaraan nito upang pigilan siya sa gusto nitong relasyon nila. "Kung wala kang kasalanan, Angelo…" basag ni Zen sa katahimikan…"Wala kang dapat na ikatakot. Hindi ba, wala ka namang ginawang masama?” tanong niyang titig na titig sa lalaki. Saglit na napatigil si Angelo. Napalunok ito. "Zen, hindi gano'n kadaling ipaliwanag ang lahat. Kahit wala akong ginawang masama, hindi ibig sabihin na ligtas na ako. Minsan kasi, kahit inosente ka kapag may namatay na tao, lahat ng mata ituturo sa’yo. Lalo na kung ikaw ang huling nakasama niya." "Ang ibig mong sabihin, " mariing tanong ni Zen

