NAGTAKA pa si Angelo ng puntahan siya ni Bryan habang nasa kumpanya sila. “Angelo,” wika ni Bryan. “Piinatawag ako ng Tito Alejandro kagabi.” Napalingon si Angelo, bahagyang kumunot ang noo. “Si Papa? Bakit?” “May gusto siyang ipaayos sa akin. May nagtangka daw sa buhay mo.” “May balita ka na ba?” “Wala pa. May nakarating na impormasyon kay Tito noon na may nagbabalak sa buhay mo. Naalala mo ba ang frame up at ikaw ang dinidiin sa pagkamatay ng ex mo? Sa tingin ko may may kinalaman dito ang kaso ni Lyka. Bahagyang nag-iba ang ekspresyon ni Angelo—parang biglang nanlamig ang paligid. “Kay Lyka? Anong koneksyon ni Lyka dito?” Saglit na natahimik si Angelo, nakatingin sa kawalan. “Alam niyo ba natin kung sino?” “Napag-alaman namin,” patuloy ni Bryan, “Na may kapatid pala si Lyka. Lal

