Pagkaalis ni Angelo mula sa opisina niya, nanatiling nakasandal si Alejandro sa kanyang upuan, nakatitig sa baso ng whisky sa kamay.. Bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Angelo sa kanya. Isang pangalan lang ang paulit-ulit na pumapasok sa isip ni Alejandro. Kung hindi kaaway sa negosyo ay sino? Lyka. Si Lyka ang babaeng minahal ni Angelo noon pero patay na ito. Sa pagkakaalam ni Alejandro, wala nang natirang pamilya si Lyka. Kaya nga para sa kanya, matagal nang sarado ang kabanatang iyon. Hanggang sa dumating ang impormasyong nakuha niya ilang linggo na ang nakalipas. May kapatid pala si Lyka, isang lalaki at sa ibang bansa nakatira na ngayon ay nasa Pilipinas na rin. Sigurado siyang inaalam nito kung sino ang pumatay kay Lyka at si Angelo ang binabalikan. Kung siya nga ang nasa lik

