HABANG nag-uusap si Zen at Angelo ay may biglang tumawag kay Angelo. Nilabas niya ang phone mula sa bulsa at tumingin sa screen ng cellphone. Walang nakasulat na pangalan. “Hindi mo sasagutin?” tanong ni Zen, nakakunot ang noo nito. Huminga siya ng malalim at sinagot ang tawag. “Villarin…” malamig na boses ng lalaki sa kabilang linya, halos parang pabulong ngunit malinaw. “Hindi pa tapos ito. Kung akala mo ligtas ka na, nagkakamali ka. At ‘yung kasama mo she’s already marked. Sinusubok lang kita kaya kung ako sayo mag-iingat ka.” Mabilis tumayo ang balahibo ni Angelo. “Anong gusto mo?” madiin niyang tanong. “Sino ka?” sigaw niya. Isang malakas na halakhak ang kanyang narinig mula sa kabilang linya bago nito pinatay ang tawag. Napatingin si Angelo sa telepono na parang gusto niyang b

