ILANG BESES na napakuyom ng kamao si Bryan ngunit mas mainit ang dugo niya ngayon kaysa sa kape sa tasa niyang hindi niya pa ginagalaw. “Dad, kailan ba talaga balak tanggalin si Angelo sa eksena? Nauubos na ang pasensya ko sa kanya. Akala mo kung sino,” tanong ni Bryan na may halong pag-irap. “He’s getting too much attention. Kahit sa mga ‘bagman’ natin, siya na ang kinikilala. Hindi mo ba nakikita? Unti-unti siyang kumukuha ng kontrol sa lahat ng negosyo. Ang dating hawak ko ay siya na ang gumagawa.” Tahimik lang si Greg. Nakatingin ito sa isang lumang mapa ng operasyon nila sa Mindanao. Pero ramdam ni Bryan ang galit nito kalmado, pero nakakabingi. “Huwag kang mag-alala,” sagot ni Greg sa wakas. “Hindi ko kailanman pinagkatiwalaan ang batang ‘yon. Anak lang siya ng kapatid ko. Palabok

