Tahimik si Zen habang nakaupo sa sofa, ang dalawang palad ay nakapatong sa kanyang mga tuhod, bahagyang nanginginig hindi sa takot kundi sa kaba at kaunting guilt. Akala mo ay takot na takot siya pero hindi. Ang lahat ay pagpapanggap lamang. Nasa kabilang dulo ng sala si Angelo, nakatayo, nakasandal sa dingding habang may hawak na baso ng tubig. Hindi siya nito magawang iwan..Ramdam niya ang pag-aalalang bumabalot sa katawan ng lalaki. Ang lahat ng ito ay isang palabas lang. Isang eksena na siya mismo ang nagsulat. Isang kasinungalingan, gusto niyang subukan si Angelo.Gusto niyang maisip nito na mahalaga ito sa kanya. Ang totoo ay wala talang lalaking sumusunod sa kanya. Wala siyang nakitang naka-hood. Ang pagtakbo niya papasok sa 7-Eleven, ang pagpindot sa contact name ni Angelo sa ka

