Nakatitig lamang si Zen sa kisame. Hindi makapaniwala sa kanyang mga nagawa. Nakatakip sa kanya ang kumot… Nasaa tabi niya, si Angelo mahimbing na natutulog habang ang isang kamay ay nakayakap sa kanya…Napalingon siya rito. Tahimik ang mukha nito, parang inosente. Parang walang tinatagong lihim. Pero hindi niya basta-basta malilimutan. Ito pa rin ang lalaking pinaghihinalaan niyang may kinalaman sa pagkamatay ni Lyka. Napakagat siya sa labi, pilit pinipigil ang pagbagsak ng luha. Hindi niya alam kung galit siya sa sarili, sa sitwasyon, o sa kanya. Ang sigurado lang niya, may isang tanong na paulit-ulit na sumisigaw sa kanyang isipan: “Bakit ako nagpadala?” Ilang taon na niyang iniingatan ang sarili. Ipinangako niya sa sarili na hindi niya basta-basta ibibigay ang kanyang p********e sa

