BUONG araw ay abala si Zen sa kusina. Simula pa lang ng umaga, naglista na siya ng mga lulutuin para sa kanilang first monthsary ni Angelo. Ayaw niyang bumili lang ng pagkain sa labas, gusto niya mula sa puso, mula sa kanya mismo ng sa ganun ay makita ni Angelo na pinapahalagahan niya ito. Habang hinihiwa niya ang mga gulay, hindi niya mapigilang ngumiti habang nakaangat ang kanyang kilala. Isang buwan na pala mula nang maging sila ni Angelo. Isang buwan mula nang bumigay siya sa init ng kanilang unang gabi, at ngayon, muling bumabalik ang kaba at baka hindi niya na naman mapigilan ang sarili at maging mahina na naman pagdating sa lalaki. Naglagay siya ng romantic music sa sala, nagsindi ng ilang scented candles, at inayos ang mesa na para bang nasa isang maliit na fine dining restaurant

