Chapter II

2023 Words
Pera, kapangyarihan at impluwensya. Ang tatlong bagay na magka-kakonekta at pinaka-importante sa buhay para kay Warren Ancheta. Kung may pera ka, hindi na mahalaga kung hindi kumpleto ang pamilya mo. F*** family. All he needs is himself and his girlfriend. Kalusugan? Ano ba naman ang hindi mabibili ng pera? At kung oras mo na, oras mo na. End of. Impluwensya at kapangyarihan, ang dalawang bagay na pinakagusto ni Warren. Ang dalawang bagay na nagpapatakbo sa buhay ng tao. Ang dahilan para tingalain at kainggitan ka ng karamihan. Napakadaling pakilusin ng pera para makontrol mo ang mga tao sa paligid mo. Napakadaling paikutin ng batas kung gugustuhin niya lang. Maraming bagay na kinatatakutan ng mga mahihirap ang napakadali para sa kanya. Bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Ancheta, hindi naman niya na talaga kailangan pang magtrabaho. Kung tutuusin ay nakahiga na siya sa pera at hanggang sa siya'y mamatay ay hindi pa rin mauubos ang pera nila. Ang kanyang ama ay isang President sa pag-aari nilang Publishing Company at broadcasting station. Ang kaniyang nasirang ina ay nagmamay-ari naman ng ilang Mall at grocery store na ngayon ay pinamamahalaan ng kanyang lola na si Beth Ancheta. At ang lahat ng mga pag-aari ng mga ito ay sa kaniya nakatakdang mapunta. Ang panganay at nag-iisang lehitimong anak ng kanyang mga magulang. Siya na isa na ring Presidente ng pagmamay-ari nilang Private School at wala na ring kailangang patunayan pa. Simple lang naman ang trabaho niya bilang isang Presidente kung tutuusin, nakaupo lang siyang maghapon at nagbabasa o pipirma at mag-oobserba sa buong ekswelahan. Kapag may mabigat na gawain ay ipinapasa na lang niya ito sa iba para magkasilbi naman ang mga ito. Kasalukuyan siyang nakaharap ngayon sa kanyang lola na hindi maipinta ang mukha habang may hawak na papel. Mahal na mahal siya nito at siya ang paborito sa kanila ng kanyang step-brother na si Henry, ngunit hindi rin maikakaila na siya ang pangunahing sakit ng ulo ng kanyang eighty five years old na lola. "How are you this fine morning, lola? Teka, bakit parang bumabata yata kayo?" pang-uuto niya sa pag-asang mabawasan ang lukot sa mukha nito. Umismid naman si Beth, ang pinaka-puno ng pamilyang Ancheta. Ang taong nagsipag at nagtiyaga para maiangat ang kanyang pamilya. Ang taong dapat na pasalamatan ni Warren dahil sa lahat ng mga luhong tinatamo nito ngayon. Sa kanyang kamay ay hawak niya ang account statement ng apo sa bangko na pinapa-monitor niya. Mahal niya ang lahat ng miyembro ng kanyang pamilya pwera na lamang kay Julie Crisostomo na dating bayarang babae at naging kabit ng kanyang nag-iisang anak. Noon pa man ay hindi na siya sang-ayon sa babae. Hindi dahil sa mahirap lamang ito, kung hindi dahil kumabit ito noon kay Michael bago mamatay ang kanyang manugang na si Marissa dahil sa Leukemia. Ang dahilan lamang kung bakit pinayagan niya pang tumira si Michael sa kaniyang pamamahay ay dahil na rin anak pa rin naman niya ito kahit pa kasuklam-suklam ang ginawa nito. Habang ang kabit naman nito ay ina pa rin naman ng kanyang adopted grandson na si Henry, isang masipag, maalalahanin, matalino at mabait na apo kahit na hindi niya ito kadugo. At sa bunsong si Mildred na nag-iisang apo niyang babae. Mahal niya si Warren, ngunit sa edad na beinte-otso ay tila pasarap pa rin sa buhay ito. Walang ibang ginawa kung hindi gumastos nang gumastos na tila ba hindi nauubos ang pera. Tamad din itong magtrabaho at halos iasa na sa iba ang lahat. Higit pa sa lahat ay wala itong pakialam sa kapwa tao. Wala itong pakialam sa nararamdaman o iisipin ng iba kung hindi ang sarili lang niya. Napapabuntong-hininga at nahiling na lamang ni Beth na sana ay magbago ang kanyang pamilya. Hindi niya ring maiwasang hilingin na sana ay makatagpo na ng disenteng babae si Warren na magpapabago rito. Bago man lamang siya mawala sa mundong ibabaw. Inihagis ng lola niya ang papel sa kaniyang paanan at tama nga siya ng hinala na ang binili niyang sasakyan ang ikinakagalit ng butsi nito. Umungot kasi ang kanyang nobyang si Niccola ng isang bago at kalalabas lang na pulang kotse. At matapos ang isang mainit na pagniniig nila kagabi, paano ba naman niya ito tatanggihan? Pa-inosente siyang ngumiti bago kinamot ang batok. "Eh, lola. It's the newest edition kasi. I'm sorry I couldn't stop myself." sabi niya sa tonong kadalasang niyang ginagamit upang pawiin ang galit nito. Pasasaan ba at lagi naman siyang patatawarin ng kanyang lola? "Sinabi mo rin iyan three months ago lang, Warren. Another three million for a car when the car you bought is not even a year old! Akala mo ba ay hindi mauubos ang pera? Akala mo ba ay napupulot lang ito, ha?!" "Lola, please calm down. I'll make sure that I will work for it, okay? I promise to make it up to it." Lumuhod siya sa harap ng lola at kinuha malalambot nitong mga kamay. "Ilang beses ko na ba iyang narinig mula sayo, Warren? Pero hanggang ngayon naman ay ang Vice President mo lang ang talagang nagtatrabaho. Kailan ka ba magbabago, apo? Kailan mo ba makikita ang buhay mula sa kapantay ng mga mata mo at hindi sa pedestral na kinauupuan mo?" Nag-umpisang litanya ng kanyang lola at doon na niya sinimulang magbingi-bingihan. Kabisado na niya halos ang litanya nito, ngunit dahil alam naman niya na hanggang salita lang ito ay hindi niya ito sineseryoso. "Oh, would you look at that? I'm sorry, lola. Pero may meeting pa kami at baka ma-late na ako." Tumayo siya mula sa kinaluluhuran at ginawaran ng masuyong halik sa noo ang kanyang lola. "I love you, 'la." paglalambing niya bago mabilis na lumabas at sumakay sa kanyang sasakyan. Paano na lamang kapag nalaman ng kanyang lola na para kay Niccola ang binili niyang kotse at hindi para sa kanya? Lagot na siya kapag nagkataon. Naiiling at nanlulumo na lamang na sinundan ng tingin ni Beth ang papalabas na si Warren. "Tubig po, Ma'am?" tanong ng kanyang nurse na si Danica at marahan siyang tumango. "Diyos ko, Danica. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa batang iyan. Kung nabubuhay pa ang kanyang ina ay siguradong alam niya ang gagawin." hapong sabi niya sabay sapo sa noo. "Kapag ganiyan nang ganiyan ay mukhang mas mauuna pa yata akong pumanaw dahil sa kunsomisyon dahil sa batang iyan." Nakaramdamam ng awa si Danica, ang tumayong nurse ng Donya sa nakalipas na dalawangpung taon. Halos ang apo nitong si Warren ang nagbibigay ng sakit ng loob at altapresyon sa lola nito, ngunit hanggang ngayon ay hindi ito nagbabago. "Huwag ho kayong magsalita ng ganiyan. May awa ho ang Diyos at nasisiguro kong hindi niya kayo hahayaang maghirap. Pasasaan ba't darating din ang sagot sa dasal ninyo." Marahang hinimas ni Danica ang balikat ng donya upang maibsan ang sama ng loob nito. "Sana nga, naku. Unti-unti nang nauubos ang pasensya ko sa batang iyan. Kuh. Kung tutuusin nga ay hindi naman na siya bata talaga. Sa edad niyang iyan ay dapat may plano na siya sa buhay at hindi puro katamaran at paggastos ang pinapairal. Dismayado ako sa naging paglaki niya, ngunit hindi pa naman ako tuluyang nawawalan ng pag-asang magbabago pa siya." ipinikit ni Beth ang mga mata bago sumandal. "Dahil kapag hindi siya nagbago ay mapipilitan akong turuan siya ng leksyon." "KAILAN MO ba ako ipapakilala sa pamilya mo, babe? Halos isang taon na rin tayong magkarelasyon, ngunit hanggang ngayon ay hindi mo pa ako naipapakilala sa kanila. I feel like a mistress. Tell me, are you actually married and there's a wife at home kaya hindi mo ako maipakilala sa pamilya mo?" intrimitidang demand ni Niccola Magpayo, ang nobya ni Warren na isang designer na unti-unting gumagawa ng pangalan sa industriya. Sa tulong ng kanyang mayaman at makapangyarihang nobyo. Aminado naman si Niccola na wala siyang pangalan at isang struggling designer hanggang sa magkita sila ni Warren sa isang cruise. Isinama lang siya noon ng kanyang kaibigan at nang malaman niya kung sino ang binata at hayagan itong magpakita ng interes ay kaagad niya itong kinapitan at hindi na pinakawalan pa. Bakit bibitaw ka pa kung ang nahuli mo na ay malaking isda? She loves Warren with all her heart, nonetheless. Hindi naman niya lang ito ginagamit para sa pansariling kapakanan lang. Give and take kumbaga. Pinagsisilbihan niya ito sa lahat ng pangangailangan nito bilang isang lalaki, at kapalit naman ang pag-pamper sa kaniya nito. Napangiti si Warren sa nakangusong nobya bago ito hinalikan sa pisngi at hinaplos ang pisngi. "I'm sorry, baby. You know how problematic my family is, right? At ano ka ba? Sa ganda mong iyan ay gagawin ba kitang kabit? You know I'm willing to do anything for you." malambing at masuyong sabi niya sa nobya bago kinintalan ng halik ang balikat nito. "Soon, okay? I promise." Kasalukuyang kumakain sa isang five-star hotel ang dalawa. Kung titignan mo sila mula sa malayo ay talaga namang lalanggamin ka at maiinggit ang kung sino. Masama man ang loob at dismayado ay hindi nagpahalata si Niccola at pilit na ngumiti. "Punta lang ako sa ladies' room." "Take your time, baby." Tumayo na si Niccola at nang bahagyang makalayo ay unti-unting nawaglit ang pekeng ngiti. Bahagya siyang sumimangot dahil muli ay wala siyang maipagmamalaki sa kanyang mga kaibigan na nakasalamuha na niya ang pamilyang Ancheta. Dahil marahil malalim ang iniisip ay hindi na niya napansin pa ang isang ginang at ito ay nabunggo. "Oh, I'm sorry. I wasn't paying attention to where I was going." Matabang at hindi sinsero niyang paumanhin at maglalakad na sana ng hindi man lang tinatapunan ng tingin ang nakabanggaan. Hindi naman makapaniwala si Julie Crisostomo sa inasal ng babaeng nakabunggo sa kaniya. Hindi man lamang nga siya nilingon nito at tinanong kung nasaktan ba ang mga daliri niya sa paa na natapakan nito. "Hoy. Gano'n na lang ba iyon? Tignan mo ang ginawa mo sa paa ko, bruhilda. Namumula na! Where is your manners?" Trying hard na pagsasalita ng ingles na sabi ni Julie. Palibhasa'y hindi nakatapos ng high school at kaagad na sumabak sa p**********n upang isalba ang pamilya at sarili ay siya ang matatawag mong walang pinag-aralang tao. Idagdag pa riyan na sadyang magaspang talaga ang ugali nito. Ang tanging maipagmamalaki lamang ni Julie marahil ay ang kanyang ganda na nasungkit ang isang Michael Ancheta. 'Yuck. Makakabunggo na lang din ay iyong wala pang class.' Naririmarim na sabi ni Niccola sa kanyang isipan sa mga sandaling iyon at tinignan ang ginang na nabunggo mula ulo hanggang paa. Mukha pa lamang nito ay masasabi mo na wala talaga itong breeding at class na hindi katulad niya. "Pasensya na ho, Manang. Masakit ho ba? Dalhin ko na ba kayo sa hospital?" nanunuya niyang tanong. "At 'are' ho iyon at hindi 'is'. Kapag kasi hindi kaya ay huwag pilitin ang sariling mag-english." dagdag niya na hindi na itinago ang magaspang na ugali at pagiging maldita. Bahagya namang napasinghap sa narinig si Julie at nakaramdam ng pagkapahiya. "How dare you!" kumuha ito ng baso ng tubig mula sa papadaang waiter at walang sabi-sabing ibinuhos ito sa babae. Napatili at hindi kaagad na nakaiwas si Niccola. Nabasa na ang mamahalin niyang dress na Gucci pa man din ang tatak! "You! Do you know how much this cost?!" galit niyang sigaw sa kaharap at dahil hindi naman kalayuan ang pwesto nila mula sa kinaroroonan ay narinig ni Warren ang pagsigaw ng nobya. Agad siyang tumayo at nagulat nang makita ang girlfriend na basa ang buhok, mukha at damit, ngunit mas nagulat siya nang makita kung sino ang kaharap nito. "Julie?" tawag niya sa madrasta. Mula nang tumira rin ito sa bahay nila ay hindi niya ito tinawag o tinuring na ina. At bakit naman gayung hindi ito kasal sa kanyang Daddy at lalong hindi nito mapapalitan ang kanyang Mommy sa buhay niya? Napatanga naman si Niccola sa narinig at nagpabalik-balik ang tingin sa dalawa. "Kilala mo itong ill-mannered b**** na ito, babe?" "Anong sinabi mong gaga ka?!" Akmang susugod si Julie ng mula sa likuran ng tatlo ay may nagsalita. "Warren? Julie? Anong kaguluhan ito at bakit kayo gumagawa ng eksena?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD