Nagising si Janet sa kanilang honeymoon suite na mag-isa. Mabigat ang katawang tumayo siya at nag-ayos ng sarili, pagkuwan ay nakahanap ng mga paper bag na naglalaman ng mga bagong damit. Sa kabila ng bigat na nararamdaman ay nagawa niyang ngumiti dahil sigurado siyang ang lola Beth niya ang namili ng mga damit. Matapos makapagpalit ay narinig niya ang pagtunog ng bago niyang cellphone na latest version ng Apple Iphone. Hindi pa niya ito gano'n kagamay gamitin, ngunit nahiya na lang din kasi siyang tanggihan ito dahil regalo ito sa kaniya ng kaniyang biyenan na si Michael. Noong una ay nagulat pa nga siya nang ibigay sa kaniya ito ng isang kasambahay at sabihing regalo ito ng nag-iisang anak ni lola Beth. Nakita ni Janet ang pangalan ni Paulina at alam na niya kaagad kung ano ang itina

