Hindi malaman ni Janet kung nasaan siya ng mga oras na iyon. Basta't pagmulat ng mga mata niya ay tanging puro usok na puti lamang ang nakikita niya at kahit na anong lakad at takbo ang gawin niya ay paikot-ikot lamang siya at hindi makalabas sa lugar na iyon. Halos mamaos na rin siya sa paghingi ng tulong at pagtawag, ngunit wala namang nakakarinig sa kaniya at bumabalik lamang sa kaniya ang boses niya. Hanggang sa isang pagliko niya ay makita niya ang isang bulto mula sa malayo. Pilit niyang inaninag kung sino ito at nabuhayan ng loob nang mapagsino ito. "Lola!" masaya niyang tawag bago tumakbo palapit dito, ngunit sa kaniyang pagtataka ay kahit na anong takbo niya ay hindi niya ito malapitan. Para bang kahit na anong takbo niya ay hindi siya umaalis sa kinatatayuan niya. Ang k

