"L-Lola." nanginginig ang boses na tawag ni Janet sa kaniyang lola na hindi gumagalaw. "Lola?" Nanghihina man ang mga tuhod ay pinilit na maglakad ni Janet palapit sa katawan nito at parang nauupos na kandilang napaluhod sa tabi nito. Ang kaniyang puso ay halos tumigil na sa pagtibok. "Lola." muli niyang tawag at doon na kumilos. Walang pagdadalawang-isip niyang ikinalong ang ulo nito sa kaniyang kabdungan at sinimulang tapik-tapikin ang pisngi. Ang mga mata'y nanlalabo na at halos hindi makita ang paligid. "Lola. Lola gising. P-Paano—Anong nangyari?" "Tulong!" buong lakas na sigaw ni Janet nang sa wakas ay mahanap na niya ang boses niya. "Tulungan niyo kami!" Halos maglumpasay na niyang sigaw habang niyayakap ang katawan ni Beth at inaalog-alog ito, ngunit walang mababakas na pagg

