Nagising si Warren na bahagyang masakit ang ulo kaya naman hindi naiwasang uminit ng ulo niya. Padaskol siyang tumayo at dumaing bago sinapo ang ulo. "F***." mahinang mura niya dahil sa pinaghalong sakit ng ulo at irita. Kung dati ay nananamnam niya ang oras niya na hindi kailangang tumayo nang maaga para pumasok, ngayon ay hindi na ito maaari dahil nga sa goal niya. Ngayon ay kailangan na niyang pumasok sa oras, gawin nang maayos ang trabaho at huwag lumiban. Idagdag pa na nitong mga nakaraang araw ay hindi nawawala ang sakit ng ulo niya, ngunit wala naman siyang oras na ipatingin ito. Marahil ay dahil sa stress dahil sa kaniyang trabaho at sitwasyon. Dahil iritable ay hindi naging tahimik ang bawat galaw ni Warren dahilan para magising niya ang natutulog pang si Niccola. "Babe,

