Maliban sa mabibilang na pagkakataong nagkakasama-sama ang pamilyang Ancheta kasama si Janet ay hindi na niya muli pang nakasalamuha ang mga ito. Dahil na rin sa katotohanang ramdam naman ni Janet na hindi siya ganoon ka-welcome sa pamilya. Bukod sa kaniyang lola beth na naging mabait sa kaniya at ang isang beses na pagre-regalo sa kaniya ng cellphone ng kaniyang biyenang lalaki ay wala na siyang interaksyon sa iba. Sa tuwing magkakaroon kasi sila ng salo-salo na kinakailangang magkakasamang kumain ay kumo-konti ang kain ni Janet. Paano ba naman siya gaganahan kung maya't-maya ang tinging natatanggap niya mula kay Julie Crisostomo at nag-iisa nitong anak na babae na si Mildred? Tila ba binibilang ng mga ito ang bawat pagsubo niya at tinitimbang ang bawat butil na kinakain niya. May par

