Tahimik na nagbabasa at pumipirma si Warren ng mga papeles sa sala habang maya't-mayang umiinom ng kape nang dumating si Niccola. Natigil siya sa ginagawa nang ihagis nito ang suot na sandals sa paligid. "What's the matter this time?" kalmado niyang tanong na ibinalik ang atensyon sa binabasa. "That b**** humiliated me in front of the wives! Sa mga asawa lang naman ng mga kilalang business tycoons sa bansa, Warren! Your pig of a wife embarrassed simply by not being an Ancheta!" Pabuntong-hiningang hinilot ni Warren ang sentido bago tinanggal muna ang salaming suot. "Niccola, don't make a big deal out of everything. In the first place, bakit ka a-attend doon knowing that you're not exactly an Ancheta. I mean, sige, technically, we both wanted you to be pero hindi nga, eh. Bakit hindi

