Sampung araw. Sampung araw na pabalik-balik si Warren sa Vet Clinic habang ginagamot si Sam. Nagagawa pa rin naman niya ang kaniyang trabaho, ngunit nariyang matatagpuan na lang niya ang sariling natutulala. Sa sampung araw na iyon ay salitan ang dalawa sa pagdalaw kay Sam. Maka-ilang beses din na halos magkasabay silang dumarating galing sa trabaho para silipin ang lumalabang aso. Hindi man kasi alaga ni Janet si Sam ay napalapit na ang loob niya rito. Lalo pa at sa tuwing dadalawin niya ito ay kumakawag ang buntot at nagsusumamo ang mga mata. At ganoon na lamang ang saya niya nang pang-walong araw ay ginulat siya ni Sam nang makitang nakatayo na ito at tumahol nang makita siya. Isang tanda ng pagbati at paggaling daw nito sabi ng Vet. At matapos nga ang sampung araw ay masayang ibi

