bc

LUST AND LIES

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
forbidden
love-triangle
one-night stand
opposites attract
heir/heiress
drama
tragedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

naka one night stand niya ang play boy dahil sa pera

chap-preview
Free preview
LUST AND LIES
chapter 1 ang simula Maagang nagising si Sofia, at sa kanyang pagbubukas ng mata, agad niyang naramdaman ang bigat ng responsibilidad na nag-aabang sa kanya. Ang sinag ng araw ay tumatagos sa bintana, nagdadala ng liwanag sa madilim na silid. Sa isang sulok, nakita niya ang mga gamot ng kanyang ina na nakaayos sa mesa. Kailangan niyang kumilos nang mabilis; may bagong trabaho siyang sisimulan sa bar sa hapon. Habang nag-aalmusal, naisip niya ang mga pagkakataon na nag-aalaga siya sa kanyang ina, na kasalukuyang sumasailalim sa dialysis. Napakahirap para sa kanya na makita ang kanyang ina na may sakit, ngunit alam niyang kailangan niyang maging matatag. Isang araw, habang nag-uusap sila ng kanyang kaibigan na si Mara, tinanong ni Sofia, “Mara, anong trabaho ‘yung sinasabi mo?” “Waitress sa bar,” sagot ni Mara, ngunit nag-alinlangan si Sofia nang marinig ito. “Mukhang hindi ko kaya ang trabaho na 'yan,” sabi niya, nagdadalawang isip. “Bakit naman? Kaya mo ‘yan, Sofia! Para sa nanay mo ‘to,” pilit ni Mara. “At isa pa, malaki ang kikitain mo! Makakatulong ka sa mga gastusin.” Dahil sa pagtutok ni Mara at sa pangarap na makapagbigay ng magandang buhay para sa kanyang ina, napag-isip-isip ni Sofia na baka nga ito na ang pagkakataon na hinahanap niya. “Sige na nga, subukan ko,” sabi niya sa sarili, kahit na may takot sa kanyang puso. Nang matapos siyang kumain, nag-ayos siya ng kanyang sarili sa harap ng salamin. Tumingin siya sa kanyang repleksyon at umisip, “Sofia, kakayanin mo ito. Bagong simula, bagong pagkakataon.” Sa paglabas ng bahay, dinala niya ang kanyang mga pangarap at ang bigat ng kanyang responsibilidad. Sumiksik siya sa puso ng mga tao sa paligid, umaasang makakahanap siya ng lakas sa mga tingin ng iba habang naglalakad patungo sa bagong hamon Nakatayo si Sofia sa gilid ng kalsada, nararamdaman ang simoy ng hangin habang naghihintay ng jeep na masasakyan. Ang schedule niya ay pang-gabi, kaya't maaga pa lang ay naghanda na siya upang hindi malate sa kanyang unang trabaho bilang waitress sa bar. May takot at kaba siyang nararamdaman, ngunit hindi siya nagpatalo. "Kaya mo 'yan, Sofia! Fighting!" sabi niya sa sarili. "At isa pa, para rin ito kay Nanay. Kung hindi ako magpupursige, paano na si Nanay? Kaya kailangan kong lumaban," dagdag pa niya, sabay buntong hininga. Ilang sandali pa, may jeep na huminto, at sumakay na siya patungo sa kanyang trabaho. Medyo malayo rin ang biyahe.nang makarating na siya sa bar, isang malawak at mukhang mamahaling establisyemento.ang tumambad sa kanya Hindi kataka-taka na mataas ang pasahod nila sa kanilang mga trabahador. “Mukhang mayayaman ang pumupunta rito at unfairness mukhang expensive Ang bar na ito. " Saad ni Sofia sa kanyang Sarili Pumasok si Sofia sa bar at agad siyang kinausap siya ng manager na si Sir Gustavo, isang lalaking nasa mga 40 pataas. Ang edad "Ikaw ba ang bagong waitress na inirekomenda ni Mara?" tanong ni Sir Gustavo kay Sofia. "Ahmm, opo sir, ako nga po," sagot ni Sofia, na may halong kaba sa kanyang mukha. "Well,Ako ako nga Pala SI Gustavo pedrito you can call me sir Gustavo..by the way ano nga pala ang pangalan mo, iha?" tanong ni Sir Gustavo. "Ako po si Sofia Sir Gustavo, 23 years old na po ako," ani Sofia, na may ngiti sa labi. "Okay, so mag-uumpisa ka na ngayong gabing ito. Ayoko ng sakit sa ulo, ayoko rin ng may nalalate sa trabaho. Understood?" mahinahon na sabi ni Sir Gustavo. "Yes po, sir. Wag po kayong mag-aalala, gagawin ko po ang best ko!" nakangiting sagot ni Sofia. "That's good to hear. Pumunta ka na sa dressing room at magpalit ka rin ng damit mo," dagdag pa niyang sinabi sabay abot sa kanya ng unipormeng susuotin. "Okay po, sir. Thank you po!" masiglang wika ni Sofia, kahit na may halong kaba sa kanyang mukha. Agad na nagtungo si Sofia sa dressing room upang makapagpalit at makapag-ayos ng sarili. Nang matapos magpalit si Sofia, agad siyang nagtungo sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Suot niya ang puting blouse na nakatuck in at black fitted na skirt na hanggang tuhod ang haba. Kitang-kita ang makinis niyang mga legs, at naka-suot siya ng black shoes na may heels. Nakatali ang buhok niya na pa-bun. Napaka-ganda ni Sofia, bagay na bagay ang kanyang uniporme. Kahit ano mang isuot niya, bagay lahat sa kanya dahil sa mala-anghel at attractive niyang mukha. Maganda rin ang hubog ng katawan niya. Nag-makeup na rin siya, at kaunti lang ang inilagay niya sa kanyang mukha dahil maganda naman ito kahit walang makeup. Habang siya’y nag-aayos ng sarili, hindi niya maiiwasang malungkot at matakot. Kabado siya sa posibleng mangyari sa kanya ngayong unang gabi ng pagiging waitress niya sa bar. Ngunit hindi ito nagpatinag. "Wag kang matakot, Sofia. Kayanin mo para kay Nanay! Fighting!" sabi niya sa kanyang sarili. Nang matapos na siyang mag ayos ay nagpabango narin Siya upang mas maging presentable siyang tignan Nilakasan ni Sofia ang loob niya at kinuha ang tray na puno ng mga alak at pulutan, mga mamahaling wine at pagkain, habang naglalakad siya patungo kina Max at Brix. Habang naglalakad, ramdam niya ang kaba dulot ng kanyang bagong trabaho. Napapalibutan siya ng mga mayayamang lalaki na nakaupo, ang ilan ay abala sa kanilang mga gawain at nag-eenjoy sa musika na talagang pang-bar. Hindi maikakaila na may ilang mga tingin ang nakatuon sa kanya, lalo na mula kay Max, na hindi niya alam kung paano iwasan. Nang makarating si Sofia sa table nina Max at Brix kasama ang kanilang grupo, siya'y medyo kinakabahan. Ang tanging nasabi niya ay, “Mga sir, narito po ang order na inyong hiniling.” Habang naglalapag siya ng mga wine, napalingon si Max sa kanya, taas-baba ang tingin, at tila pinag-aaralan siya. Si Brix naman, na sa una'y nakatingin din, ay mabilis na umiwas ng tingin. Napansin niyang nakatitig si Max kay Sofia at nag-smirk siya, na parang alam na niya ang iniisip ni Max. Nang matapos si Sofia sa kanyang ginagawa, agad siyang tumalikod at mabilis na naglakad palayo sa mesa, tila sinusubukan niyang itaboy ang kanyang kabang dulot ng atensyon. Narinig niya ang boses ni Max sa kanyang likuran, “Is she new here?” “Who?” tanong ni Brix na kunwari'y walang alam. “Yung girl na nagdadala ng wine!” ani ni Max na may pagnanasa sa kanyang tinig na makilala si Sofia. “Ahhh, yung girl kanina? ... Hindi ko alam, baka bago siya dito!” sagot ni Brix na may halong ngiti sa kanyang labi. Napainom si Max ng beer, may halong curiosity sa kanyang mukha. “Bakit? Interesado ka ba sa kanya?” tanong ni Brix, tila may kasiyahan sa kanyang tono. Napatawa si Max at sabay sabing, “Nagtatanong lang ako, bro!” sabay smirk sa kanyang labi. Nawala ang usapan ng dalawa nang may sumigaw na tropa nila, “Cheers!!! Mga bro, mag-enjoy tayo tonight!! Woohoo!!” Sigaw nito at sabay-sabay silang uminom ng beer kasama ang kani-kanilang mga babae Habang naglalakad si Sofia palayo, hindi niya maiwasang isipin ang mga tingin na ibinabato sa kanya. “Kaya ko 'to,” bulong niya sa sarili, kahit na may mga luha sa kanyang mga mata. Ang trabaho sa bar ay hindi madali, ngunit kailangan niyang gawin ito para sa kanyang ina, na kasalukuyang sumasailalim sa dialysis. Ramdam niya ang bigat ng responsibilidad sa kanyang mga balikat, ngunit nangako siya sa sarili na hindi siya susuko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
9.7K
bc

The Lone Alpha

read
125.2K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
813.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.1K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
608.9K
bc

Bad Boy Biker

read
8.6K
bc

The CEO'S Plaything

read
18.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook