Natigil sandali si AJ sa pagbabalik-tanaw nang lumabas sa comfort room si Sybilla. Suot na nito ang unang wedding gown na kukunan ng larawan. She was made up and her hair was in a neat bun. She was the most beautiful bride she had ever seen. Napangiti si AJ, ngiting puno ng paghanga. Ngiting unti-unting nabura nang makitang hindi gaanong komportable ang siruhano. She looked so lost and unsure. Parang hindi ito ang Dr. Sybilla Torres na nakilala at hinahangaan niya nang labis. “You will not freak out,” sabi ni AJ sa mariing tinig. “Hindi ka susuko. Hindi ka tatakbo.” Ilang sandali na nalito si Sybilla bago nabatid ang sinasabi niya. “Siyempre, hindi ako susuko o tatakbo. I’m not weak. I’m not a coward.” “But you don’t think this is you.” Ilang sandali na hindi kumibo si Sybilla, mayamay

