Tumingin si AJ kay Dr. Sybilla Torres na inaayusan pa rin ng make-up artist. Sinemento nito ang kagustuhan niyang maging isang heart surgeon. NAGBAGO ang internship life ni AJ sa DRMMH nang dumating si Dr. Sybilla Torres, ang hotshot cardiothoracic surgeon mula Baltimore. She was starstruck. She had read about her in some medical journals. Nang makita niya sa loob ng operating room ang babaeng siruhano ay labis siyang humanga. She was absolutely brilliant. She suddenly wanted to worship the ground she walked on. She wanted to be as brilliant as her. Hindi lang siya ang nagkaroon ng ganoong reaksiyon. Iilan lang ang mga babaeng napasama sa surgical internship program ng ospital ngunit lahat ng iyon ay labis na humanga kay Dr. Sybilla Torres. Every single female intern wanted to be in h

