MARIING naipikit ni AJ ang mga mata nang tumunog ang fire alarm sa buong ospital. Walang sunog. Sadyang binasag lang ng pasyente niya ang glass para pindutin ang buton ng alarm. Kinatuwaan lang nito. The kid had the nerve to smile dubiously. “We are so dead,” sabi ni Jack, kasamahang surgical intern ni AJ. Sila ang naka-assign sa pediatric patient na waring tuwang-tuwa sa mga nagkakagulong tao sa paligid. The kid was a hellion. Nasapo ni AJ ang kanyang noo. She was having a bad day on her first day being an intern. Maganda naman ang simula ng shift niya. Mabait ang residente na humahawak sa kanila. Mababait din ang mga kagrupo niya at sa palagay niya ay madali silang magkakasundo. Pagkatapos ng orientation ay nabigyan kaagad sila ng pasyente. Mga pasyente for minor surgeries bilang “warm

