24

1879 Words

Natawa si AJ sa ekspresyon ni Sybilla. She looked so confused and a little disappointed. “That’s just so... lame. And sad.” Siguro ay inasahan nitong malaking drama ang naganap, o mas malalim ang dahilan. Kapag binabalikan niya ngayon ang naging desisyon niya, dama pa rin niya ang pagsisisi. Nahihiling pa rin niya na sana hindi siya kaagad bumitiw, sana ay mas ipinaglaban niya ang nadarama, mas ginawan niya ng paraan. Hindi sana siya nagsayang ng panahon. “I was young,” depensa ni AJ. “Kapag nasa ganoon kang edad, masyadong napapairal ang emosyon, madalas kaysa sa hindi. Ang sabi ko sa sarili ko, naging realist ako. We wouldn’t last. We were two different people with different priorities. Magkaiba ang tatahakin naming landas.” Sybilla chuckled. “You’re a doctor, AJ. Just like he said.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD