“Naging perfect ang lahat hanggang sa makauwi kami ng bahay.” Kaagad nakuha ni Sybilla ang nais niyang sabihin. Bumalatay ang dismaya sa mukha nito. “Oh. You got fired?” Tumango si AJ. “Poor boy. Poor, poor boy. I hope you didn’t go without a fight.” “I didn’t,” nakangiting tugon niya. NAKANGITI pa rin si AJ habang papasok sa unit. Hindi niya alintana ang bigat ni Gilbert na karga-karga niya. Si Iñaki naman kasi ang bumuhat sa alaga niya mula sa parking lot hanggang sa tapat ng pintuan. Biglang nabura ang ngiti sa kanyang mga labi nang makitang nakaabang sa kanyang pagpasok si Madam Isabel. Kasama nito si Ate Ana na mukhang aligaga at alalang-alala. Alam ni AJ na wala siyang ginagawang masama ngunit hindi pa rin niya maiwasang makaramdam ng takot. Noon lang kasi niya nakita na nagal

