“In future reference, in case na magkaroon ka ng makulit na anak, hindi iyon myth,” ang sabi ni AJ kay Sybilla. Seryoso ang mukha ni Sybilla. “Gilbert has a condition. isn’t it?” Dahan-dahan na tumango si AJ. “But it is still not a myth.” DALAWANG oras makalipas maghiwalay nina AJ at Iñaki ay waring nais maglaho ng lahat ng masarap na pakiramdam na dulot ng binata. Napapabuntong-hininga si AJ habang nakatingin sa mga kalat na nilikha ni Gilbert sa loob ng unit. Mula nang pumasok sila sa loob ay hindi na halos tumigil sa kakatakbo at kakakulit ang alaga. Natumba na yata ang lahat ng mga kagamitang maaaring matumba. Kanina ay sinabi ni Ate Ana na may dumating na package para kay Gilbert galing sa ama nito. Isang malaking kahon ang package na punong-puno ng mga laruan. Dalawa sa mga iyo

