“That’s it?” bulalas ni Sybilla, mababakas ang masidhing dismaya sa tinig nito. “Iyon na ang past na sinabi mo dati?” Napangiti si AJ. “Of course not.” MAKALIPAS ang isang linggo ay nagkaroon ng katuparan ang kagustuhan ni Iñaki. Muli niyang nakaharap si AJ. Palabas ang dalaga sa elevator kasama ang alaga nito. Siya naman ay papasok na sa trabaho. Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ni Iñaki sa pagtataka. Sa mga nakalipas na araw ay aminado siyang mas madalas niyang naiisip ang dalaga ngunit pinagsusumikapan niyang huwag ugaliin. Dahil iyon sa inakala niyang nagbitiw na nga si AJ sa trabaho at baka hindi na muling magsalubong ang kanilang mga landas. May bahagi sa kanya ang masayang makita ito, ngunit mas malaki ang bahaging nagtataka. “Hey,” bati niya, bakas sa tinig ang pagtatanon

