5

1769 Words
PINIGILAN ni Iñaki ang kagustuhang suntukin ang sarili. What was up? What could be lamer than that? Nais ba talaga niyang malaman ang sagot sa tanong na iyon? Umaasa ba siya sa ibang sagot bukod sa pinagsarhan ang dalaga ng alaga nito? Bahagya siyang nagulat nang mabatid na oo ang sagot sa mga katanungan na iyon. Nang unang beses silang magkita ni AJ, kailangan niyang aminin na hindi niya sigurado kung ano ang magiging reaksiyon. May bahagi sa kanya ang bahagyang naaliw ngunit kaagad niya iyong pinalis dahil pakiramdam niya ay hindi ganoon ang dapat niyang maramdaman. Hindi siya maaaring matawa sa sitwasyong ganoon kahit na parang may munting bahagi sa kanya ang natatawa. Kung magiging tapat siya sa kanyang sarili, hindi na niya gaanong naisip ang dalaga pagkatapos ng insidente sa elevator. Saglit lang dumadaan si AJ sa kanyang isipan tuwing mapapadaan siya sa unit ng mga ito o minsan ay kapag nakasakay siya sa elevator pababa. Bakit niya nilapitan ngayon ang dalaga? Iñaki had a bad day in the hospital. When he came up and saw AJ he realized she also had a bad day. Habang pinagmamasdan niya ang dalaga ay nabatid niyang mas malala pa ang nangyari sa araw nito. Yes, she looked that bad. She looked so lost and so miserable. Waring ilang araw nang hindi nakakatulog ang dalaga. Hindi niya nais malaman kung kailan ang huling beses na nadaanan ng suklay ang buhok nito. Marungis ang mukha, pati na rin ang unipormeng suot. She looked like a complete mess. Surprisingly, she was still so lovely in his eyes. “Iniisip ko kung uuwi na lang ako ng Tarlac at maghahanap ng ibang trabaho,” ani AJ sa munting tinig. Bahagya pang naguluhan si Iñaki dahil hindi niya alam kung bakit sinasabi nito sa kanya ang ganoong bagay. Hanggang sa maalala niya ang kanyang tanong. Hindi niya inasahan na sasagutin siya nito ng seryoso. Gayumpaman ay handa pa rin siyang makinig. Kahit man lang maalis sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya sa araw na iyon. “Isa akong nurse. Registered nurse.” Bahagyang nagsalubong ang mga kilay ni Iñaki sa kanyang nalaman. Kung gayon ay bakit isang yaya ang dalaga kung rehistradong nars naman pala ito? “Dahil hindi ako matanggap sa trabahong gusto ko. May choices naman ako, kung tutuusin. Maaari akong mag-apply bilang volunteer sa isang ospital. Pero matindi rin ang kompetisyon doon. Marami rin ang gustong mag-volunteer. Minsan ay wala ng lugar ang volunteer nurses sa ospital. May waiting list. May mga ospital na nagpapabayad. May waiting list din yata roon. Puwede rin akong mag-review at kunin ang napakarami pang exams na kailangan para makapangibang bansa. Ang suma, kailangan ko ng pera para magawa ang choices na iyon. At malayo kami sa pagiging mayaman.” “You wanna quit this job?” Tumango si AJ. “Hindi naman siguro masamang aminin na hindi ako masaya. Bukod sa hindi ito ang pinangarap kong trabaho, parang hindi ko kakayanin kung magtatagal ang ganito.” “Kung ganoon naman pala, quit,” payo ni Iñaki. Maybe he was not in a position to casually advice such a thing but she seemed to know what she did not want to do. She seemed so miserable. Napatingin si AJ sa kanya. “Hindi ganoon kadali ang lahat.” “Bakit?” Napapangiti na napapailing si AJ. “Hindi kayang intindihin ng isang taong hindi nakakaranas ng financial crisis ang sitwasyon ko.” “May punto ka siguro. Buong buhay ko ay ibinigay sa akin ang mga kailangan ko. Pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi ko pinaghihirapan ang ilang mga bagay-bagay. Sa pamantayan ng marami, maituturing na privileged ako. But I also know you can never be good doing something you don’t love. You can never be productive because you’d never find any satisfaction or fulfillment. Then you’d start hating all the people around you. You’d eventually hate yourself for settling.” Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila. Hinayaan lang ni Iñaki si AJ sa pananahimik nito dahil waring mataman na nag-iisip ang dalaga. “Tama ka,” anito mayamaya. “Tama ka.” Tumango-tango pa si AJ. Natuwa si Iñaki nang makita ang pag-aliwalas ng mukha ng dalaga. Nabasa niya sa mga mata nito ang kalinawan at determinasyon. “I’m a doctor,” halos wala sa loob na nasabi ni Iñaki. “I wanna be a good pediatrician.” Napangiti si AJ. Kumislap sa mga mata nito ang interes. “Talaga? Gusto mo ba ang ginagawa mo?” “Very. Bata pa lang ako ay gusto ko nang maging doktor. I love what I’m doing. Pero may mga pagkakataon na mahirap. May mga pagkakataon na naitatanong ko kung bakit ginusto ko ang isang propesyon na nakasalalay sa `yo ang buhay ng isang tao, isang bata o minor.” “Pero masaya ka pa rin sa ginagawa mo. Hindi mo pa rin iiwanan sa kabila ng mga negatibong bagay na iniisip o nararamdaman mo. Sa kabila kasi ng lahat ng iyon ay may nararamdaman kang satisfaction, fulfillment. Love.” Tumango-tango si Iñaki. “May dahilan kung bakit nila tinawag na ‘trabaho’ ang isang trabaho.” Hindi siya sigurado kung malinaw ang kanyang sinasabi ngunit waring naunawaan naman siya ni AJ dahil tumango ang dalaga. “Hindi tatawaging trabaho kung hindi mahirap. Pero mas maigi nang mahirapan sa isang bagay na mahal mo kaysa sa isang bagay na hindi, `di ba?” It made perfect sense to him. Aaminin niyang hindi niya naiisip sumuko at magbitiw sa trabaho dahil nahihirapan siya. Alam naman niya na magiging mahirap ang residency niya sa DRMMH ngunit hindi niya inakala ang tindi ng hirap na kanyang pagdadaanan. The emotional torture was unbelievable. Hindi siya gaanong sanay at komportable sa competitive environment sa ospital. Everyone should be the best. Everyone in their department was not allowed to do any mistake. “You are too soft to be a good doctor, Salvador.” Marami ang nagsasabi na bagay sa kanya na maging pediatrician. Maamo daw ang kanyang mukha. Mabait daw siya at madaling makakasundo ng mga bata. Hindi raw matatakot sa kanya ang mga bata. Ngunit upang maging isang mahusay na doktor ng mga bata, kailangang maging matatag. Kailangan ng mas matibay na sikmura. Kailangang maging matapang. Iyon ang nabatid ni Iñaki pagkatapos ng isang linggong pagtatrabaho sa DRMMH. Nais niyang magalit kay Dr. Andrew Mendoza sa pagsasabing hindi siya magiging mahusay na doktor dahil masyado siyang mabait ngunit hindi niya magawa dahil sa kanyang kaibuturan ay tama nang bahagya ang kasamahang doktor. Marami ang naiinis kay Dr. Mendoza at kabilang na roon si Iñaki, hirap man siyang aminin sa kanyang sarili. Dr. Andrew Mendoza was a pediatric surgeon—a very good one. He was arrogant and mean. Halos lahat ng residente sa peds ay namumuhi sa doktor. Ngunit kailangan din nilang aminin na lumalago ang kanilang respeto sa doktor sa paglipas ng mga araw. He was that good. Hindi man makasundo ni Dr. Mendoza ang maraming adults at kapwa doktor, madali naman nitong nakakasundo ang mga batang pasyente. Madali nitong nakukuha ang tiwala ng mga ito. But Andrew was never soft. He was always firm and in control. Pareho sila ni Andrew na mahusay sa mga bata. Madaling makapalagayan ng loob, madaling mapagkatiwalaan, ngunit kayang-kaya si Iñaki ng bata. “I almost lost a patient today,” pagkukuwento ni Iñaki, huli na upang mapigilan niya ang sarili. “I misdiagnosed. I misdiagnosed because I gave the control to the patient. I was not objective.” “Naitama mo naman siguro ang misdiagnosis mo?” “Yeah.” Marahas na nagpakawala ng buntong-hininga si Iñaki. Ang sabi ng ilan sa kanyang kasamahang doktor ay munti kung maituturing ang kanyang pagkakamali. He just missed some of the symptoms of a heart problem because the kid was vibrant. Pinaniwalaan niya ang lahat ng sinabi ng bata. He became too involved. “It’s okay to be involved as long as you stay objective. You can be their friend but you can never forget that you are their doctor. You are their doctor first.” Iyon ang sinabi sa kanya ni Dr. Andrew Mendoza matapos nitong sabihin na hindi na niya pasyente ang bata. He needed a heart transplant and he had become a surgical case. “Children are simple and complex beings at the same time,” ani Iñaki. Kailangan niyang aminin na mas magaan na ang kanyang pakiramdam ngayon. Mas magaan na niyang natanggap ang mga sinabi sa kanya ni Dr. Mendoza. “Minsan, mahirap alamin ang paraan ng pakikitungo sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko naisip na magiging madali ang pagiging isang pediatrician.” “Hindi ko rin malaman kung paano ko naisip na magiging okay ako sa pagiging yaya.” “I’m not gonna give up because it has become hard and challenging.” May indigent wing ang DRMMH. Dinadala sa kanila ang mga pinakamalalalang kaso ng mga taong walang kakayahang magpagamot sa buong bansa. Pinakamalaki ang donasyon na nakukuha ng pediatrics kaya marami silang pediatric cases na dumarating. Mas madalas na malala na ang mga kaso pagdating sa ospital nila. Mataas ang mortality rate sa department ng indigent pediatrics at ginagawa ng lahat ang paraan upang mapababa iyon. Kaya alam niya na hindi kailanman magiging madali ang residency niya, lalo na kung mas pipiliin niyang magtrabaho sa mga indigent cases. “Susuko na ako at uuwi,” ani AJ sa munting tinig. May bahagi kay Iñaki ang bahagyang nadismaya dahil ibig sabihin niyon ay hindi na niya makikita ang dalaga. Ito na ang una at huli nilang pag-uusap. Hindi na niya nilimi kung bakit nadismaya siya at kung bakit pakiramdam niya ay nais na mas makilala pa ang dalaga. Wala naman nang saysay dahil hindi na marahil sila magkikita. Isa pa, tama naman ang naging desisyon nito. She deserved a better job. Hindi dahil hinahamak niya ang pagiging yaya ng dalaga kundi dahil inamin nito mismo na hindi ito masaya sa ginagawa. Why make herself miserable when she had other choices? “Ikinagagalak kong makilala ka, Iñaki,” nakangiting sabi ni AJ. May bahid din ng panghihinayang sa mga mata nitong nakatingin sa kanya. Ginawaran ni Iñaki ng ngiti ang dalaga. “It’s nice meeting you, too, AJ.” Hindi na marahil niya malalaman ang buo nitong pangalan. He may never know what AJ stood for. Nakakapanghinayang ngunit wala naman na siyang magagawa. Hindi rin niya alam, baka magkrus uli ang mga landas nila sa hinaharap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD