4

1071 Words
Napangiti si AJ nang makitang natatawa si Sybilla sa ikinuwento niya. “No kidding?” tanong nito sa kanya. Umiling si AJ. “No kidding. Nangyari talaga iyon. It was really the most embarrassing moment of my life. But definitely memorable.” Kung kaya niyang bumalik sa nakaraan at maaari niyang baguhin ang ilang bagay sa kanyang buhay, hindi niya kailanman pakikialaman ang paraan ng pagtatagpo nila ni Iñaki. “Parang gusto kong mainis sa amo mo at sa anak niya.” “Don’t. May dahilan ang lahat. May kuwento kung bakit ganoon.” “Tell me.” Nagpatuloy sa pagkukuwento si AJ...   ISANG linggo na sa trabaho si AJ at araw-araw na mas sumisidhi ang kagustuhan niyang sumuko at umalis na. Nais na niyang umuwi ng Tarlac. Waring mas nais na niyang mag-volunteer sa ospital kahit na wala siyang sahod o allowance. Habang lumilipas kasi ang mga araw ay mas lumalala ang kakulitan ni Gilbert. Unti-unti nang nawawala ang awa na nadama niya para sa alaga. He loved doing pranks and she was currently his favorite person on whom to test those pranks. Naidikit na ni Gilbert ang puwetan ni AJ sa isang silya gamit ang isang super mighty glue. Naisip niya na kailangan niyang magpasalamat kahit na paano na hindi nito naisip ilagay ang glue sa toilet seat kundi kawawa ang balat niya sa adhesive. Tuwing papasok siya sa loob ng silid nito ay mayroong patibong. Nakaugalian na niyang tumingala muna bago tumuloy sa kuwarto ni Gilbert para siguruhin na walang babagsak sa kanya. Tubig, pintura, itlog, harina, shampoo at kung ano-ano pang maaaring paghalu-haluin sa loob ng banyo. Nakaugalian na rin ni AJ na tumingin sa kanyang daraanan dahil baka may pumatid sa kanya o kaya ay bagay na ikadudulas niya. Naiinis na rin si AJ tuwing maririnig niya ang “I hate you” mula kay Gilbert. Sa loob ng isang linggo ay hindi man lang nabawasan ang sidhi ng disgusto sa mga mata ng bata kapag binubulyawan siya nito ng “I hate you.” Naisip niya na maaaring deflection ang ginagawa ni Gilbert. Ang talagang kinamumuhian ng bata ay ang ina nito na walang panahon na makipaglaro o makipag-usap paminsan-minsan. Naisip din niya na baka nais paalisin ni Gilbert ang lahat ng yaya nito upang mapilitan ang ina sa pag-aalaga rito. Ngunit hindi niya maaaring isipin ang mga ganoon sa isang limang taong gulang na bata. Natural sa bata na maghangad ng pagmamahal ngunit may mga pagkakataon na naiisip niyang may hindi natural kay Gilbert. Sa kasalukuyan ay nakaupo sa hallway si AJ. Nakasandal siya sa pinto ng unit. Kanina ay kumakatok at nakikiusap siya ngunit sumuko na rin siya nang mapagod. Alam naman niyang hindi siya pakikinggan ni Gilbert. Ini-lock ng bata ang pinto at hindi siya makapasok. Nagtungo sa grocery store si Ate Ana at kasama ni Madam Isabel si Gretchen sa taping. Sa kanyang pagkakaalam ay kinabukasan pa makakauwi ang mga ito. Napabuntong-hininga siya nang makarinig ng mga kalabog mula sa loob. May bahagi sa kanya ang nag-aalala ngunit mas naghahari ang nadarama niyang inis. Sisikapin ba niyang intindihin ang takbo ng isipan ng isang limang taong gulang? O susuko na lang siya at uuwi ng Tarlac? Siguro, senyales iyon na hindi ang ganitong trabaho ang nararapat para sa kanya. AJ was trying to decide what to do in her life in a hallway. “Hey.” Napapitlag siya nang marinig ang isang tinig ng lalaki. Napatingala siya at kaagad namilog ang kanyang mga mata nang makilala ang nagsalita. Ang lalaking nakasaksi ng pinakanakakahiyang tagpo sa kanyang buhay. Mabilis na nag-init ang kanyang buong mukha at leeg. Kahit na hindi nakaharap sa salamin ay nasisiguro niya ang labis na pamumula sa kanyang mukha. Isang banayad na ngiti ang iginawad sa kanya ng lalaki. “`You okay?” Hindi makapagsalita si AJ kaya tumango na lang siya. Hindi niya maalis ang kanyang mga matang nakatingin sa guwapong lalaki. Mas tumingkad ang kaguwapuhan nito nang ngitian siya. Mukha ng mabait ang hitsura ng lalaki. Iyong tipo na waring hindi kayang gumawa ng masama. Mababait ang mga mata nito. Malinis at masinop tingnan. Waring ang bango-bango. Tisoy ang guwapong lalaki at matangkad. Tumingin ang lalaki sa nakasarang pinto na sinasandalan ni AJ. “Kailangan ko pa bang magtanong kung ano ang nangyari?” Napangiti na rin siya. “Pinagsarhan ako ng alaga ko. Napagod na akong makiusap na pagbuksan niya ako.” Nagkibit siya ng mga balikat. “Kailangan ko sigurong magpasalamat na hindi niya ako hinubuan bago niya ako ni-lock-an ng pinto.” Nag-iinit pa rin ang kanyang mga pisngi ngunit napagpasyahan niyang iyon ang paraan para mawala ang awkwardness sa pagitan nila ng lalaki. Hindi naman siya maaaring magkunwari na hindi nangyari ang bagay na iyon. Mas lumapad ang ngiti sa mga labi nito. “Iñaki. Iñaki Salvador.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. Nakita marahil nito ang pag-aalangan sa kanyang mukha dahil bago pa man niya mabigkas ang kanyang pangalan ay muli itong nagsalita. “You don’t have to tell me your name if you’re not comfortable.” “AJ. Iyon ang tawag ng lahat sa akin,” mabilis na sagot niya. Mabilis din niyang tinanggap ang pakikipagkamay ni Iñaki bago pa man magbago ang isipan nito. Nais niyang makilala ang lalaki. Hindi na niya kailangang pag-isipan ang bagay na iyon. Kailangan niya ng kaibigan. May isang bahagi sa kanyang isipan ang waring kaagad umismid. May tinig na nagsasabi na hindi siya nagpapakatotoo sa kanyang sarili. Kaibigan na niyang itinuturing sina Ate Ana at Gretchen. Fine, kailangan ko ng kaibigan sa labas ng household ng mga Briones. Ngunit bakit niya kailangan? Lalo na kung nais na niyang sumuko at umalis? Nais pa ring makilala ni AJ si Iñaki. “Do you mind if I join you?” Kaswal siyang nagkibit ng mga balikat kahit na bahagya siyang naiintriga kung bakit siya nito nilalapitan at nais pang samahan. Nais niyang isipin ang magandang posibilidad na may crush sa kanya ang lalaki ngunit kahit na hindi niya nakikita sa kasalukuyan ang kanyang sarili ay nasisiguro niyang malayo siya sa pagiging maganda at kaakit-akit nang mga sandaling iyon. Naupo na rin sa sahig si Iñaki at isinandal ang sarili sa pinto. Siniguro ng binata na malaki-laki ang agwat sa pagitan nilang dalawa. “What’s up?” kaswal nitong tanong na waring matagal na silang magkaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD