
Hindi naniniwala si Jeriemie sa pag-ibig. Matagal na niyang inalis sa isip niya na may tao pang magmamahal at magmamalasakit sa kanya. Wala siyang tiwala na may makakatagpo pa siyang tao na uunawa sa sitwasyon niya. Taong hindi huhusga sa kalagayan niya.
Isang masakit na katotohanang matagal na niyang tinanggap.
Okay na siya sa buhay niya, pero isang araw bigla na lang siyang natisod sa isang babae na may matinis na boses. Okay na talaga siya, tapos bigla na lang niyang maririnig sa babae ang salitang.
"Bulag ka ba?"
