2nd Chapter

1801 Words
PABAGSAK na binaba ni Colin ang baso ng alak sa barcounter. "That shitty old man! Talagang sineryoso niya ang pagtatakwil sa'kin!" Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwalang magagawa sa kanya ng ama niya na bawiin ang lahat ng meron siya. Wala rin naman siyang maaasahan sa mga kaibigan niya dahil galit pa sa kanya ang best friend niyang si Strike. Ang tanging meron na lang siya ay ang cash sa bulsa niya at ang ipon niya sa bank account niya. Malaki pa ang sarili niyang pera sa bangko, pero sigurado siyang hindi iyon sasapat ng matagal, lalo na't maluho siya. "Hindi mo naman kasi dapat ginalit ang daddy mo," naiiling na sermon ni Lou sa kanya, ang may-ari ng club na iyon at ex-girlfriend niya na ngayon ay kasal na sa ibang lalaki. "Tuwing may bago siyang babae, kumukulo pa rin ang dugo ko," mapait na sabi niya. "Colin, matagal nang wala ang mommy mo," paalala ni Lou sa kanya. Tumungga lang uli siya ng alak. Limang taon na ring wala ang ina niya dahil sa colon cancer, pero hindi pa rin humuhupa ang galit niya sa ama niya. Ito kasi ang naging dahilan ng pagdurusa ng ina niya noong nabubuhay pa ito. Bumuga siya ng hangin. "Ayoko nang pag-usapan si Daddy." "Okay. So, saan ka na uuwi ngayon? As much as I wanted to, hindi naman kita puwedeng kupkupin. My husband will kill you." "Lou, hindi ko rin naman maaatim na umasa sa babae. Masasaktan ang pride ko." "Then, why don't you work for me?" Muntik na siyang masamid. "Work for you as a gigolo? No way!" "Excuse me. Host club ito at host ang tawag sa mga tauhan ko at hindi gigolo," nakasimangot na pagtatama ni Lou sa kanya. Ang "LC" ay isang host club at ang trabaho ng mga lalaking "host" do'n ay ang i-entertain ang mga customer do'n na mga matrona, biyuda at matatandang dalaga. Though in LC, s****l intercourse between the host and the customer inside the club was prohibited. "Wala akong makitang pagkakaiba ng host at gigolo." Kinutusan siya ni Lou. "Malaki ang pagkakaiba. Ang mga gigolo, parang linta na pineperahan ang mga babae. Ang mga host, nagpapasaya sa malulungkot na dalaga." Natawa siya. "Hey, I'm sorry. 'Wag ka nang mapikon." "O, ano? Ayaw mo ba talagang magtrabaho para sa'kin?" Umiling siya. "No, thanks. But don't worry. I'll somehow make it through." "Or you can just apologize to your father." Natawa siya. "That's never gonna happen, Lou. Anyway, I have to go." "All right. Mag-iingat ka." Pagtayo niya ay sakto namang dumako ang tingin niya sa entrance ng club. Natigilan siya nang makilala kung sino ang babaeng kapapasok lang na pinuputakte ng tatlong hosts. "Tyra?" "Kilala mo si Miss Tyra?" Nilingon niya si Lou. "Oo. We went to the same university. Paano mo siya nakilala?" "Regular customer ng club ko si Tyra. She's a VIP." Kumunot ang noo niya. "Regular customer? Paanong hindi ko siya nakikita noon?" "Simula nang magpakasal ako three years ago, bihira ka na lang magpunta dito sa club ko. That was the time I met her. Medyo matagal ko nga rin siyang hindi nakita dahil galing siyang Europe," masayang kuwento nito habang naglalagay ng make-up. "Maiwan na muna kita, Colin. Aasikasuhin ko muna si Miss Tyra." Kumunot ang noo niya. "What do you mean? Ano bang ginagawa ni Tyra sa club mo?" "Eh di kumukuha ng host. Nagpupunta lang si Miss Tyra dito kapag may bagong batch ako ng host sa club. Pagkatapos, personal siyang mamimili sa mga host na iyon na iuuwi niya." "What?" gulat na bulalas niya. "Akala ko ba, bawal iuwi ng customer ang host mo?" "Ibang kaso si Miss Tyra. I told you, she's a VIP." Pinigilan niya ito sa braso. "Wait! Nagbago na ang isip ko. I want to be a host now." As if naman papayag siyang mag-uwi pa ng ibang lalaki si Tyra kung nando'n naman siya. *** NASA isang private room ng LC Club si Tyra at nakaupo sa pulang couch habang nagbabasa ng magazine. Naka-feature sa magazine na hawak niya ang malaking art exhibit na naganap last year sa Paris. Napangiti siya nang makita ang litrato ng ilang art pieces do'n. "Miss Tyra, nandito na ang bagong batch ng mga host ko." Nag-angat siya ng tingin kay Lou, ang may-ari ng club na iyon. Nakilala niya ito three years ago at dahil nasa club nito ang kailangan niya, naging magkaibigan na rin sila at naging regular customer siya nito. Tumayo siya. "Gusto ko na silang makita." "Of course, Miss Tyra," nakangiting sagot ni Lou. Binuksan nito ang pinto at isa-isang pinapasok ang mga lalaking naka-roba lang. Tumayo ang mga binata sa harap niya. Isa-isa niyang ininspeksyon ang mukha ng mga lalaki. Siyempre, ang gugustuhin niyang makasama ay iyong maganda sa paningin. Pero nang dumako na ang tingin niya sa huling lalaki sa pila, napakurap siya. Kilala niya ang kulay abo na mga matang iyon. "Ikaw?" Ngumisi si Colin. "Hey, babe. 'Missed me?" "You're a host?" gulat na tanong niya. "Well, with this handsome face and this overly gorgeous body, hell yeah I am!" mayabang na sagot nito. "Konting ligo na nga lang, papapasukin na ko sa Olympus. Kaya kung ako sa'yo, ako ang piliin mo. Paliligayahin kita." Muli, iba na naman ang iniisip ng walanghiyang msabi niyak na 'to tungkol sa kanya. Nagkatinginan sila ni Lou. The woman gave her an apologetic smile, pagkatapos ay binatukan nito si Colin. "Umayos ka nga, Colin!" sigaw ni Lou. Sumimangot si Colin. "What? Hindi ba't 'yon naman ang dahilan kung bakit nandito kami? We have to show-off to get chosen." Pinandilatan ni Lou ng mga mata si Colin. "May sariling standard si Miss Tyra ng pipiliin niyang host kaya manahimik ka na lang d'yan." "Fine, fine." Napailing na lang siya. "Lahat kayo, hubad." Mabilis na naghubad ng roba ang mga lalaki. Ngayon ay nakapantalon na lamang ang mga ito kaya malaya na niyang napagmamasdan ngayon ang pang-itaas na katawan ng mga ito. Wala siyang makitang espesyal sa mga ito na nagpapagana sa imahinasyon niya. Sa dami siguro ng katawang nakita niya, halos pare-pareho na lang ang tingin niya sa mga iyon. Dumako ang tingin niya sa katawan ni Colin. Narito ang espesyal na katangian na hinahanap niya. Hindi niya alam kung bakit naaakit siya sa pangangatawan nito. Kagaya ng una niyang beses na nakita itong naglalakad-lakad sa pamamahay niya na naka-briefs lang, gusto niyang hawakan ang iba't ibang parte ng katawan nito. Umangat ang tingin niya sa mukha ni Colin. Nakangisi ito. She wanted to rip that smirk off his arrogant face. Tumaas ang kilay niya. "Nakapili na ko." Lalong yumabang ang anyo ni Colin. Tiningnan nito ang mga kasamahan nito. "I'm sorry, guys. May itsura naman kayo, eh. Nagkataon lang na may demigod kayong kasama." Sa kanyang pagkagulat ay inakbayan siya nito. "Let's go home, babe." Natigilan siya. Ngayon ay napatunayan na niyang matitigas nga ang mga braso ng binata. At dahil wala itong damit pang-itaas, diretsong magkadikit ang mga balat nila. Hindi niya alam kung sino ang mas mainit– si Colin ba o siya? Inalis niya ang braso ni Colin sa kanya. "Sino ba nagsabing ikaw ang napili ko?" Napakurap ito. "Hindi ako ang napili mo?" Basta na lang siyang nagturo ng isa sa limang lalaking natira. "Siya ang napili ko." Ang totoo niyan, na kay Colin ang katawan na gusto niya. Pero dahil sa kayabangan nito, naiirita siya rito kaya hindi niya ito pipiliin. At isa pa, delikado siya kapag ito ang kasama niya. Kung anu-ano kasi ang nararamdaman niya. Halatang nagulat si Colin. "What? Hindi ako ang napili mo?" Tinalikuran niya si Colin, saka sinenyasan ang lalaking basta lang niyang tinuro. "Let's go." "Wait, Tyra! You have to choose me!" sigaw ni Colin. Bumuga siya ng hangin bago ito nilingon. "Show me why I should choose you instead." Nanatili lang nakatingin sa kanya si Colin. Nang ilang segundo na ang lumipas ay wala pa rin itong ginawa, tinalikuran na niya ito. Pero nang palabas na siya ng kuwarto ay narinig niyang bigla na lang kumanta si Colin. "I'm never gonna dance again. Guilty feet have got no rythm. I'm never gonna dance again. The way I danced with you..." Gulat na nilingon niya si Colin. Sa kanyang pagkagulat, nakita niyang gumigiling na ang mokong na animo'y macho dancer. Nagkatawanan na ang mga lalaking naroon, samantalang napapailing na lang si Lou. Siya naman ay naramdaman ang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi. Kahit malaki ang pangangatawan ni Colin ay nakakagulat na malambot ang katawan nito. Kumekembot ang baywang nito, pero hindi pa rin nawawala ang pagka-macho nito. At ang muscle sa mga braso nito, nakaka-tulo-laway ang pag-flex sa bawat galaw nito. Nagtama ang mga mata nila ni Colin. Nang-aakit na naman ang kulay abo nitong mga mata. Then, slowly, he licked his lower lip with his tongue. Lintik. Bakit ba ang hina ng aircon sa kuwartong 'yon? *** MABILIS na hinubad ni Colin ang T-shirt at pantalon niya. Nang naka-boxers na lang siya ay tumayo siya sa harap ng salamin. Ngumisi siya habang sumubok ng iba't ibang "sexy" pose. Sisiguraduhin niyang hindi magsisisi si Tyra na siya ang pinili nito. Oo, sa huli ay siya rin ang pinili ni Tyra kaya ngayon ay naroon siya sa bahay nito. Specifically, he was in her room. Medyo kakaiba nga lang ang kuwarto ng dalaga dahil bukod sa isang kama na may puting bed sheet at mesang may diyaryo at Toblerone sa ibabaw ay wala nang ibang furniture do'n. Well, ang mahalaga may kama kaming magagamit. Napangisi siya dahil sa mga naiisip niya. He mimicked a tiger's paws. "Rawr!" Nang marinig niya ang mga yabag ni Tyra ay humiga siya sa kama, ala Cleopatra. Nang bumukas ang pinto ay iniluwa niyon si Tyra na may bitbit na kung anong may balot na puting tela. "Anong ginagawa mo?" kunot-noong tanong ni Tyra. He faltered his eyelids, in an attempt to seduce her with his bedroom look. "I'm your slave tonight, Tyra. Puwede mong gawin sa'kin ang lahat ng gusto mong gawin," nang-aakit na sabi niya rito gamit ang bedroom voice niya. "Rawr!" "Okay. Isa lang naman ang gusto kong gawin mo – hubarin mo 'yang boxers mo. Hindi natin kailangan 'yan," sabi nito sa malamig na boses, saka siya tinalikuran. "Oh! I didn't know you're the dominant type. I like that," he moaned using his sexy bedroom voice. "So, shall we start? Rawr!" "Yep. Let's start working. Itigil mo na rin 'yang kaka-rawr-rawr mo dahil hindi naman tayo magse-sex." Nag-freeze ang ngiti niya. "What?" Hinarap siya ni Tyra. Inalis na rin nito ang puting tela na nakabalot sa bitbit nito, na isa palang canvas. "I'm not having s*x with you. I'm going to paint you nude." Ito naman ang gumaya sa galaw ng kamay niya. "Rawr."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD