Special Chapter for the TYLIE (Tyler + Natalie)

500 Words
Third Person's POV Tumunog ang alarm clock nina Natalie at Tyler. Pinatay naman ni Natalie yung alarm clock tapos yumakap ulit sa asawa na siya naming paghalik ni Tyler sa kanyang noo. "Good morning Hon." Minulat naman ni Natalie ang mga mata niya. "Happy anniversary Hon!" masayang bati ni Tyler kay Natalie sa 17th anniversary nila. Ngumiti naman si Natalie tsaka hinalikan si Tyler sa cheeks. "Happy anniversary rin Hon! I love you as always.” Natalie "Si Lauren muna ang mag-aasikaso sa kompanya natin Hon kasi aalis tayo." "Paano naman yung school?" Natalie "Kakausapin ko sina Aphrodite at Tristan. Malaki na naman sila kaya makakaya na nilang asikasuhin ang school ng isang linggo." "Okay." *** Kumatok si Tyler sa pintuan ng anak nitong si Aphrodite. "Pasok." Aphrodte "Oh Dad, may kailangan po ba kayo?" tanong ni Aphrodite. "May ipapakiusap lang sana ako sayo Aphro." "Ano naman po yun?" "Gusto ko sanang tumulong ka sa pagmanage ng University kasi aalis kami ng Mommy mo ng isang linggo." "Sure Dad saka happy anniversary rin sa inyo ni Mom." "Salamant anak. Sige aalis muna ako." "Okay po." Tyler's POV Tinawagan ko na yung tauhan ko para mahanda yung private jet namin. Pagkatapos namin mag-impake, bumaba na kami at pinalagay yung mga gamit sa likod ng sasakyan. "Bye Mom, Dad." Aphrodite at Tristan. Humalik sila sa pisngi namin ni Natalie. "Mag-ingat kayo." bilin ko sa kanila. "Kayo rin po." Aphrodite. "Bye mga anak!" Natalie *** Natalie's POV Sumakay na kami sa private jet namin tapos umupo na at may ihahanda na pagkain. "Hon, tingin ka sa gilid mo after.. 15 minutes." sabay tingin ni Tyler sa relo niya. "Bakit naman?" "Basta." Sabi niya ng nakangiti. Ano naman kayang pakulo nito? Kahit kailan talaga ‘tong asawa ko. Hindi talaga nagbago. Ang sweet pa rin tapos ang gwapo. Walang kupas. Dumating yung pagkain namin. "Enjoy youe meal Ma'am, Sir." "Thank you." ako Tinanggal ni Tyler yung cover sa pagkain pero instead na pagkain ang makita ko, kwintas na ang pendant ay heart shaped tapos sa gitna ay '17th' na pinorma ng maliliit na diamonds. Napangiti naman ako. "Tingin kana sa gilid mo." Dagdag ni Tyler. Tumingin naman ako. Nagulat naman ako sa nakita ko kasi sa ibaba, sa may grass ay nagform ang 'I LOVE YOU MRS. GARCIA.' na tanaw na tanaw rito. Awwee. Hindi ko pa rin maiwasan ang kiligin. Sino ba namang hindi? Napangiti talaga ako ng malapad. "Hindi ka talaga mauubusan ng mga pakulo Hon ano?" sabi ko sa kanya. "Syempre basta para sayo." Tas hinalikan niya ako ng smack. “I love you forever Mrs. Garcia.” Bulong niya sakin. “I love you most Mr. Garcia.” And I smiled back. Ang destination namin ay sa Singapore. Mamamasyal dun tapos bibisita pa kami sa ibang lugar. Hayst. Ang sarap talaga pag ganito. Sarap pag inlove pero mas masarap magmahal sa tamang tao. Kahit libutan pa natin ang mundo, basta kasama ang mahal natin ay masaya talaga tayo. Hindi ba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD