Aphrodite's POV
Ngayon ay Monday at tulad nga ng sabi ni Daddy, tutulong ako sa pag-manage ng school. Sabi sakin ng principal, ako raw yung mag s-sign kung may kailangang aprubahan tapos gagawa kung ano mang events ang maaring I-handle ng school.
Hindi naman siya ganun kabigat na trabaho para sakin. Pumasok na ako sa classroom namin tapos nagsimula ng mag-discuss si ma'am. Nasa kalagitnaan kami ng diskusyon ng may kumatok kaya napatigil si ma;am.
"Excuse me class." Binuksan niya ang pinto at may pinag-usapan sila.
"Ms. Garcia, you’ll be excused in my class. You are called by the principal for a special matter to discuss with."
Tumango ako tapos kinuha yung bag ko at lumabas na. Sinundan ko yung assistant patungong principal's office.
"Maupo ka Miss Garcia." sabi sakin ni Mrs. Manansala. Umupo naman ako sa upuan na nasa harap ng table niya.
"Ano po bang kailangan nating pag-usapan Mrs. Manansala?" tanong ko sa kanya.
"Kasi may tatlong students ang mag t-transfer galing raw sa states."
States?
Could it be?
Pero ayoko namang mag assume agad.
"Pwede ko bang makita ang files nila ma'am?"
"Actually, wala pa sakin ang files. Tinawagan lang ‘tong school para ma-inform and they will be arriving on Wednesday so probably on Thursday, pwede na silang magsimula. Is that okay with you Ms. Garcia?"
"Yes. That would be fine. Is there any furthur discusions ma'am?"
"Yes. May i-heheld kasi sanang event next week."
"Anong event po ‘yon?"
"Mr. and Ms. C.U."
"Hmm. Okay. I-rereview ko muna ang detalse saka ko i-aapprove. "
"Sige po Ms. Garcia. You may now leave."
"Okay." tapos tumayo na ako at lumabas na.
Afternoon, 5pm…
Pagkatapos ng klase, inutusan ko naman si Tristan na siya ang pumunta para i-check yung kompanya namin at pumayag naman ito.
Si Corinne naman ay nakalabas na ng hospital at nandito kami ngayon ng g**g ko sa aming headquarters maliban kay Tristan.
"Uy Prince kung maka alaga ka kay Corinne parang nanay lang ah." Suway ni Ray.
"Concern lang noh." Prince. Sus. Kunyari pa.
"Weh? Sinong niloko mo tol?" Ray
"Totoo nga eh. Uy ikaw, okay naba talaga yang sugat mo?" Prince
"Okay na nga ako sabi. Kulit!" Corinne
"Wag na kayong magpakipot. Halata namang gusto niyo ang isa't-sa." sabi ko habang nakatingin kina Prince at Corinne. Ang bagal kasi.
"A..ano bang sinasabi mo diyan Aphro!" in denial si Corinne.
"Oo nga. N-nagkakamali ka leader." Isa pa ‘to.
"Sinong niloloko niyo? Pag-untugin ko kayo eh."
Habang nagkukulitan sila, nagpaalam muna ako na pupunta muna ako sa kwarto saglit. Kinuha ko ang cellphone at tinawagan ang isa sa mga tauhan namin.
"Naturuan mo na ba ng leksyon ang Wolf g**g?" tanong ko.
(Opo Princess. Nautusan ako ng Mommy niyo na tanggalan sila ng rank at tatanggalin rin ang pagiging gangster nila.)
"Good. Saan na yung leader nila?"
(Nasa hospital po. Pati na rin yung gangmates niya. Gusto niyo po bang iligpit na?)
"Huwag na. ‘Yun lang. Sige. Bye.” Then I hung up. Di pa naman ako ganoon kasama para iligpit agad.
Tristan's POV
Tapos ko ng puntahan yung kompanya namin at okay naman. Biglang nag ring yung phone ko.
"Hello?"
(Hey baby!) eto pala yung oe week girlfriend ko. Si Ella at bukas na ang dedline ng break-up namin.
"Oh hey babe, may kailangan ka?"
(Punta ka naman dito sa bar mo. Let's have some fun.)
"Hmm.. sure."
(Okay. See ya later. Love you!)
"Thanks." sabay end ko ng call. Pagbigyan na, last na naman niya bukas.
***
Pumasok na ako sa loob ng Bar at agad naman akong sinalubong ni Ella.
"Hey baby."
"Hey babe." tapos hinalikan ko siya sa labi. Natural na sakin ang mga ganyan. Hinawakan ko ang bewang niya tapos pumunta kami sa table nila.
"This is my boyfriend. Babe, eto nga pala ang mga kaibigan ko."
"Hey ladies." bati ko.
"Hi. Tristan right? I'm Arianne." sabi sakin nung isang babae at nakipag shake hands pero ayaw na ata bitawan ang kamay ko.
"Arianne. Girlfriend here." Nakapamewang na sambit ni Ella.
"Oh, sorry. Hahaha. Ang gwapo kasi ng boyfriend mo." Sabi nito at nakatitig pa rin sakin.
Umupo na kami tapos may babaeng biglang dumating.
"Sorry na-late ako."
Teka.. familiar siya.
"Diba ikaw yung.." sabi ko habang nakaturo sa kanya.
"Ohh, ikaw yung lalaking walang modo na bumangga sakin?"
Ang taray neto ah.
"Hey Krystal, watch your words. Boyfriend ko siya." Ella
"Boyfriend? ‘Yan? Malas mo naman ate."
Ate? so magkapatid pala sila.
"Miss, kung makapagsalita ka naman parang kilalang kilala mo na ako ha." sabi ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at umupo sa harapan namin.
Kumain kami at uminom ng konti maliban sa Krystal na ‘yun.
Nagkita kaming muli at tulad nga ng sabi ko, no one can resist my charms and not even her.
Aphrodite's POV
Pumunta ako sa website ng school namin. Tumingin tingin ako sa mga posts at yung ibang mga news tungkol sa mga nangyayari sa school.
'3 STUDENTS FROM THE UNITED STATES WILL BE TRANSFERING IN C.U. THIS WEEK.'
Kinlick ko yun.
And to my surprise..nandun na pala yung mga files nila.
Ang tatlong students na yon ay sina Nathaniel Lopez, Angelica Tan at….
Si..
Dylan Mendoza.