Chapter 7: Same Faith?

1047 Words
Aphrodite's POV Nang nalaman ko ‘yun, bumaba ako agad para sabihin sa mga gangmates ko ang nalaman ko. Nakarating na rin pala si Tristan. "Mukha ka atang gulat ate, anong nakain mo??" tanong ni Tristan. "May balita na ako kung sino yung tatlong new students na darating this Wednesday." "Sino naman leader?" "Si Nathaniel Lopez, Angelica Tan at.." "Sino?" "Si Dylan Mendoza.." mahina kong sabi pero rinig naman nila at tulad ko, gulat din ang mga mukha nila. "Sigurado ka ba diyan??" Corinne "Oo." *** Third Person's POV (Tuesday) Hindi masyadong nakatulog si Aphrodite kaya puyat pa siya pero bumangon pa rin kasi pinipilit naman siya ng kapatid niyang si Tristan. Ginawa na nila ang mga daily routines nila at napagpasyahan nilang dumaan muna sa BTG Headquarters para makisabay na sa g**g papuntang C.U. "Ui Aphro, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Corinne. "Yeah." Pilit nililibang ni Aphrodite ang sarili kahit kinakabahan siya sa di malamang dahilan kung kaya't kinukumbinsi siya ng kapatid na magiging maayos din ang lahat. Tristan's POV Hapon na. Inimbitahan ko si Ella para kumain sa malapit na restaurant. Nakalimutan niya ata na ngayon na ang break-up namin pero di bale na. Sabi niya, pumunta raw ako sa condo para sunduin siya kaya nandito na ako sa labas ng condo. Kumatok ako ng tatlong beses. "Ikaw ba yan babe?" sabi ni Ella mula sa loob. "Oo babe." Bumukas naman yung pintuan tapos nakatuwalya lang pala siya at basang-basa ang buhok tapos nakangiti sakin. Mapang-akit na ngiti. Sh*t. Lalaki rin ako. "Pasok ka babe." Ella "Ha? Wag na. Hihintayin na lang kitang magbihis. Dito lang ako." "Aww. Eh paano kung gusto kong tulungan mokong magbihis?" sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko. TSK. "Hindi na talaga babe." Todo tanggi ko. Hindi ako bakla. Sadyang ayoko lang patulan kasi klaro naman ang pinapahiwatig niya. "Oh well, okay then." tapos sinarado na niya yung pinto. I sighed. Sumandal lang ako dito sa pader at pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na siya. "Let's go?" sabi ni Ella sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko. Tumango na ako at dumiretso na sa motor ko. Humanap kami ng bakanteng upuan sa loob ng restaurant at umorder ng pagkain. Nag-usap kami ng mga bagay bagay tapos napatingin ako sa relo ko. 7:15pm na. "Ihahatid na kita." sabi ko. "Okay babe." Pagdating namin sa condo niya, nag-insist talaga siya na pumasok kami pero tumanggi ako. "Sige na nga babe, good night." tapos hinalikan niya ako at tumugon naman ako sa halik na iyon. Isasara na sana niya ang pinto pero pinigilan ko. "Yes babe?" siya "Muntik ko na makalimutan. We're done." sabi ko tapos tumalikod na pero hinawakan niya naman ang kamay ko. "Pero Tristan. I love you." "Well, sorry but I don't." sabi ko tapos inalis yung pagkakahawak ng kamay niya at umalis na. Ganon lang talaga. Tapos bukas, iba na naman. That's what a player does. Ella's POV Nakakainis lang. Akala ko talaga hindi siya makikipag-break sakin. Nag expect na naman ako neto kasi alam kong casanova siya but still masakit rin kasi I think I love him already. Matagal ko naman na talaga siyang gusto. I won't give up yet. Humanda ka Tristan Garcia. You.will.be.mine.again. The next next day, Thursday… Aphrodite's POV Dumating narin ang araw na hinihintay ko. Pumunta na akong school pero sabi sakin ng principal, dumiretso muna ako sa opisina niya para ako raw ang unag kakausap sa mga bagong students. Trabaho sana to ni mommy eh kaso lang wala siya kaya ako ang gagawa. Sinabihan ko na ang g**g ko tungkol dito. "Maupo ka Ms. Garcia. They will be here in a few minutes." "Okay Ma'am." Umupo na ako dito. Pagkalipas ng ilang minuto, nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at may tatlong taong pumasok. Ayaw ko pang lingunin at ang langkas ng pintig ng puso ko. Kinakabahan talaga ako. "Nandito na pala sila. Ako nga pala si Mrs. Manansala. Maupo kayo." Panimula ni Ma'am. "Good morning ma'am." sabay nilang sabi tapos umupo sa sofa. Si..Dylan. Siya nga talaga. "Eto nga pala si Ms. Aphrodite Tylie Garcia, ang anak ng may-ari ng skwelahang ‘to. Siya muna ang namamahala kasi nasa bakasyon pa ang mga magulang niya." "Ohh, nice to meet you. I'm Nathaniel Lopez" sabay abot sakin ng kamay nung Nathaniel. Matangkad siya sakin ng konti. Medyo moreno pero singkit. "Nice meeting you too." "I'm Angelica Tan." maarteng sabi ng babae. Para nga siyang anghel sa kaputian niya. "And I'm Dylan Mendoza." tapos nakipagkamay siya sakin. Bakit parang..hindi niya ako kilala? "Pwede ba kitang maka-usap saglit Mr. Mendoza?" pormal kong tanong. "Sure." tapos pinasunod ko siya sakin sa kabilang room. "Dylan, hindi mo ba ako naaalala?" tanong ko sa kanya. "Huh? Rh ngayon lang kita nakita eh." "Dylan, ako to. Si Lee." Kumbinsi ko pa. "I'm sorry pero hindi talaga kita matandaan." "Pero.. bakit?" I asked desperately. "Hindi ko alam Ms. Garcia. Excuse me." tapos lumabas na siya pero hindi ako dapat panghinaan ng loob. Sumunod nalang ako sa kanya. Kailagan ko lang alamin kung bakit ganito. "Ms. Garcia, okay lang rin ba na maging kaklase mo silang tatlo?" Tumango lang ako. Gusto ko ng matapos ang araw na ‘to. "Ma'am, masama po ang pakiramdam ko. Pwede pong umalis muna ako?” "Ganun ba? Sige." Then lumabas na ako at kinuha yung motor ko tapos dumiretso sa BTG headquarters. Umakyat ako papuntang kwarto ko. Diniall ko ang number ni Mommy. (Hello anak?) "Ma.." (O ba’t parang malungkot ka? May problema ka ba?) "Kasi po.. bumalik na si Dylan." (Oh, eh bakit parang matamlay ka? Hindi ba dapat masaya ka?) "Bad news kasi Ma.." (Bakit naman?) "Hindi niya po ako naaalala." mahina kong sambit. (Oh my.. baka nagkaroon siya ng problema nung nasa abroad anak. Don't worry. Everything will be okay. Kakausapin ko siya pagbalik namin ng Daddy mo. Okay?) "Okay ma.. Bye. I love you." (I love you too anak. Ingat kayo.) Humiga na ako sa kama ko. 9 years akong naghintay. Masasayang lang din pala. Ang alam ko ganito rin ang nangyari kay Mommy noon ng naaksidente si Dad. Ano ba ‘to? Like mother like daughter lang? 'Huh? eh ngayon lang kita nakita eh.' 'I'm sorry pero hindi talaga kita matandaan.' Masakit pala talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD