Aphrodite's POV (Sunday) Nag-iimpake na ako---- kami pala ni Tristan ng mga gamit namin kasi mamayang 3pm ang alis namin patungo sa islang pagbabakasyunan namin na pagmamay-ari pala nina Tita Larisa at Tito Michael. "Tapos ka na bang mag-impake anak?" tanong sakin ni Mommy. "Malapit na po ma." "Mabuti naman kung ganun. Kung sakaling magkita kayo ng tita at tito mo, pakikamusta nalang kami ng dad mo ha?" "Sige po ma." Third Person's POV Nakahanda ng umalis sina Aphrodite at Tristan kaya nagpaalam sila sa mga magulang nila at tsaka nagpahatid sa airport kung saan ang private plane na sasakyan nilang walo. Pumasok na sila sa loob. "Maganda naman ‘di ba babe?" nakangiting wika ni Angelica kay Dylan habang nakapulupot ang braso niya dito. Nginitian siya ni Dylan at tumango. Sunod nama

